You are on page 1of 19

RAMON MAGSAYSAY (CUBAO) HIGH SCHOOL

Ermin Gacrcia st. Brgy. Pinagkaisahan Cubao, Quezon City

Kahalagahan ng Asignaturang Filipino

sa Paaralang Ramon Magsaysay

(Cubao) High School

Isang Tikhang

iniharap sa paaralang

Ramon Magsaysay (Cubao) High School

SInaliksik nina:

Kitane, Julius Martin

Lince, Aldrin Luis

Penonal, Jesa Mae

2020
TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag - aaral

Panimula. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. .1

Paglalahad ng Suliranin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
.2

Kahalagahan ng Pag aaral. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .


.3

Saklaw at Limitasyon ng Pag aaral. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

Depenisyon ng mga Termino. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5

Kabanata 2: Mga Kaugnayan ng mga Literatura

Lokal na Literatura. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
6

Banyagang Literatura. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .6

Konseptwal Frame Work. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .7

Kabanata 3: Disenyo at Metodolohiya ng Pananaliksik

Disenyo ng Paglalahad. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8

Paraan sa Pangangalap ng mga Datos. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8

Respondente. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
.8

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .9

Kompyutasyon Istadistika. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9

Kabanata 4: Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos. . . . . . . . . . . .


10

Kabanata 5: Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon. . . . . . . . . . . . . . . .


. .11
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG - AARAL

Panimula

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng

wikang Filipino at wastong pamamaraan ng paggamit nito na aming

nakalapat sa mga estudyante ng Ramon Magsaysay (CUBAO) High

School. Ang Kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa kolehiyo ay

makakatulong upang mas maging malawak ang ating kaalaman sa

pagsulat at pagbasa. Ang wikang sumasalamin sa kaluluwang bansa

kaya pinag – aaralan ito sa elementarya, secondary at pati sa kolehiyo.

Pinag aaralan ang Filipino sa dahil sa nag iiba - ibang salitang

katutubong mga Pilipino. Mahalagang pag aralan ang Wikang Pambansa,

ang Wikang Filipino.

Ang Asignaturang Filipino ay kilala bilang isang Asignaturang

tinatangkilik ng lahat. Maiipapakita natin ang pagpapahalaga sa ating

Asignaturang Filipino sa pagbibigay ng oras at atensyon sa pakikining sa mga

gurong nagtuturo saatin. Hindi lamang sa Asignaturang Filipino kundi sa iba pang

Asignatura.

Simula noong inaaprubahan ni dating pangulong Benigno Aquino III

ang programang K-12, nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng


edukasyon sa Pilipinas, bilang tugon sa napapanahong sistema ng

edukasyon ibat ibang bansa . Ito rin ang dahilan kung bakit kailangan

din baguhin at ayusin ang kurikulum para sangayunan ang nararapat

na matutunan ng mga estudyante sa kasalukuyang panahon.

Noong 2013 , napagdesisyonan ng Commision On Higher Education

(CHED) na magtanggal ng anim na unit ng Filipino para sa papasok na

mag-aaral ng kolehiyo sa taong 2020 ang CHED Memorandum Order

(CMO) bilang 20 serye 2013 ay naglalayong gawin 36 yunit ang orihinal

na 63 yunits ang General Education kurikulum para sa kolehiyo na

siyang naging sanhi ng pagkadismaya ng mga ilang propesor sa Filipino.

Si Dr. Randy Din, isang propesor sa Colegio na isnag eksperto sa

wikang Filipino, ay hindi sumasang ayon sa panukalang ito. Aniya kung

sakaling itiwalag ang asignaturang Filipino sa kolehiyo ay mag kakaroon

ng malaking epekto sa mga estudyante. Noong nagdesisyon ang CHED

na tanggalin ang asignaturang Filipino, mayroong mga guro na

nagawang ipaglaban ang kalagayan na ito. Ang mga kasapi ng

organisayon ng Tanggol Wika ay agad na nakipagunayan sa CHED

patungkol sa nasabing Memorandum. Dito naipagtanggol ng Tanggol

Wika ang sariling atin. Samantala, noong Abril 2015, naghain ng

Temporay Restraining Order ang korte suprema panandaliang pahintuin

ang layunin ng CHED na tanggalin ang Asignaturang Filipino. Kinatuwa


ng grupo na nirerspeto ng CHED ang desisiyon ng korte at hinihiling din

nila ang huling desisyon ay maging pabor sa kagustuhan nilang

mapanatili ang ating sariling wika. At nito lamang nitong Hunyo ng

taong ito, napagdisisyunan CHED Commisioner Prospero De Vera III na

ang napagisipang noo’y maari nang ituro ang Filipino sa mga estudyante

ng Senior High School upang hindi na ito maisama pa sa level ng

Unibersidad. Ngayon ay gumagawa na ng bagong kurikulum ang CHED

na maiimplimenta sa 2018. Ang pagtatanggol ng ating mga kababayan

sa pagpapanatili ng Filipino sa kurikulum ay isa lamang na tayo ay

mayroon paring respeto sa ating kultura at pagmamahal sa kinagisnang

wika na siyang arte at humuhulma ng ating kasaysayan, kultura, at

pagka - Pilipino.

Ang kontribusyon ng Asignaturang Filipino sa Edukasyon ay upang

mas lubos nating maunawaan natin ang ating sariling wika, m,ga

kulturang Pilipino, mga tradisyon, at iba pang mahahalagang kaganapan

tungkol sa ating pagka Pilipino. At marahil, napakarami pang tao ang

hindi nalalaman ang mga ito kahit tayo’y mga Pilipino.


Paglalahad ng Suliranin

Sa pag aaral na ito, pag aaralan ng mga mananaliksik ang

Kahalagahan at maidudulot ng Asignaturang Filipino sa mgta mag aaral

na SHS sa paaralng Ramon Magsaysay (Cubao) High School. Ang

pananaliksik na ito ay may mga katangian na nais sikaping mabigyan ng

kasagutan:

1.) Ano ang kadalasang dahilan kung bakit nababagot ang mga mag-

aaral sa asignaturang Filipino?

2.) Sa iyong palagay payag kaba na tanggalin ang asignaturang filipino

sa kolehiyo?

3.) Bilang isang mag aaral mahalaga ba saiyo ang asignaturang filipino?
Kahalagahan Sa Pag-aaral

Sa mga Estudyante, Mahalaga ito sa mga estudyante upang mabigyan

sila ng malawak na kaalaman at mabigyan nilang pansin kung ano ang

kahalagahan ng asignaturang Filipino sa pagtuturo sa kolehiyo.

Sa mga guro, Mahalaga ito sa mga guro sapagkat malaking tulong din

ito sa pagpapalawak ng kaisipan ng mga estudyante sa pamamagitan ng

pagbibigay aral hindi lamang sa tamang paggamit ng mga salita kundi sa

marami pang aspetong meron ang asignaturang Filipino.

Sa mga magulang, Mahalaga ito sa magulang sapagkat nagbibigay

tulong ito sa mas maayos napakikipagusap hindi lamang sa kanilang

anak kung hindi pati narin sa bawat taong kanilang makakausap.

Sa Bansa, Mahalaga ito sa bansa upang magkaroon ngpang malawakang

kaayusan at pagkakaisa ang bawa’t Pilipino sa paggamit ng wikang

Filipino.

Sa mga mananaliksik, Mahalaga ito sa ibang mga mananaliksik upang

magamit ng maayos at maitama ang mga maling nakasanayan sa

paggamit ng Wikang Filipino.


Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pagkuha ng

impormasyon tungkol sa kaalaman ng mga mag-aaral ng Ramon

Magsaysay (Cubao) High School sa kahalagahan ng asignaturang Filipino

sa kolehiyo. Hindi sakop ng pag-aaral na ito ang mga empliyado at hindi

mag-aaral ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School. Ang nasabing pag

aaral ay ay aabutin ng 30 mins sa pagsusuvey.


Depinisyon ng mga Termino

Depinisyon ng mga termino upang madagdagan ang ating kaalaman

sa pag aaral na ito, ang mga sumusunod na salita ay binigyan ng

kahulugan:

Asignatura – Ang aignatura o subject ay lupon ng mga aralin na

ginagamit ng mga mag – aaral upang matuto. Karaniwan itong nak aayos

sa paraang magiging madali para sa mag aaral na maintindihan ang

bawat topic o paksa na pinag aaralan.

Eksperto - Ang ibig sabihin ng eksperto ay magaling Ang isang tao magaling

sa isang gawain.

Kahalagahan - Ang kahalagahanan ay tumutukoy sa kawalan ng o kalakihan

ng kwenta o kapakinabangan ng isang bagay, Tao, konsepto, o pangyayari.

Karaniwang Pagkabagot - Ang karaniniwang Pagkabagot ay Pagkainip,

pagkayamot, pagkawalan ng gana o hindi interesado.

Sumasaklaw- Ang Sumasaklaw ay sumasakop o nakapaloob.


Tinatangkilik – Tinatanggap.

Balakid- Sagabal o nakaharang

Wikang Pambansa – Ang Wikang Pambansa ay isang wika na may

ilang koneksyon – de facto o de jure kasama ang mga tao at teritoryo na

sakop nila.

Wika – Ang wika ay isnag bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan

ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag

ang nais sabihin ng kaisipan.

Propesor – Guro.

KABANATA 2
MGA KAUGNAYAN NG MGA LITERATURA

Kaugnay na Panitikan

Upang mas lalong mapalinaw ang pagkakaunawa sa pag aaral at

pagsisiyasat sa paksang sinasaliksik, narito sa bahaging ito ang mga

kaugnay na pag aaral na pinagbasihan ng mga mananaliksik:

Ayon kay Jose T. Saragosa marami ang nagsisikap na mapayaman

at mapaunlad ang wikang pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito

na magamit ang wikang Filipino bilang wikang panturo o midyum ng

Edukasyon. Naniniwala ang mga dalubwika o lingguistiko na ang

paggamit ng pambansang wika sa pagtuturo ng kaalamang teknikal at

aghamin ang susi sa pagkakaisa at pag – unlad ng bansa. Mahalaga ang

paggamit ng Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang maitutulong nito

sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino.

Ayon kay San Juan (2014), isa sa mga hakbang na isinasagawa ng

Filipino Department ang paghahain ng position paper sa CHED na

naglalaman ng mga hinaing ng mga propesor ng DSLU patungkol sa

pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.


Ayon kay Dr. Amalia Cullarin Rosales: Mapanghamon sapagkat

napakaraming balakid ang susuuingin ng mga nagmamalasakit sa

Wikang Filipino upang maisakatuparan ang adhikaing ito. Bagama’t

nakatagpo tayo ng kasangga sa katauhan ng Pangulong Estrada sa ating

adhikaing pagpapalaganap sa wikang Filipino bilang wikang dapat na

gamitin sa mga paaralan, mga tanggapan ng pamahalaan, Kongreso at

pakikipag ugnayang panlabas, ay damang dama naman ang pagtutol ng

ilang mga kilalang tao na ang wikang Filipino ay gawing wika ng

pagtuturo at pakikipagtalastasan ng ating pamahalaan.

Ayon kay Ruby Ann a Sta. Lucia High School matapos ang ilang

taong implementasyon ng K to 12, hindi parin kumpleto ang kanilang

modules sa pagtuturo nito. Nananatiling kulang ang mga guro at uba

pang resikitos para sa programang ito. Tinatayang higit na nasa

kumlang 100,000 na mga propesor sa kolehiyo sa buong bansa ang

pinangangambahang mawawalan ng trabaho pagdating ng 2016 sa

kabuuang implementasyon ng k to 12.

Ayon kay Dr. Elena R. Mirano (2014), “Dapat lahat ng pumapasok

sa kolehiyo dapat mayroong kabuuan ng kaalaman hindi lang isang

makitid na larangan. Kung kaya’t kami sa mga ibang sining at iba ring

larangan at siyensya sa Unibersidad ay nakikiisa dito sa isyong ito.


Sa Perspektiba naman ni Flores (2014) tungkol sa bagong

kurikulum atv sa K to 12, hindi pa handa nag Pilipinas sa bagong K to

12 at sinabing “Ang balangkas talaga ng trahedya sa akademya ay ang K

to 12 kasi ilang libo ang kuloang na guro, sa mga upuan at kwarto, at

ilang milyong tekbuk ang kulang

Kaugnay na Pag-aaral
Konseptwal Framework

Ang Pananaliksik na ito ay gumamit ng Input - Process – Output

Model sa paggawa ng batayang konseptwal ng pag aaral na kung saan

ang Input frame ay ang ay ang tumatalakay sa paraan kung ano ang

gagawin upang makalap ang mga datos sa pag aaral na isinasagawa. Ang

Process frame naman ay tumatalakay sa mga hakbang na gagawin ng

mga mananaliksik ukol sa pagkalap ng mga datos. Ang Output frame

naman ay sumasaklaw sa dami o bilang ng mag aaral na

pinahahalagahan ang Asignaturang Filipino.


INPUT – Nais ng mga

mananaliksik na malaman ang

Kahalagahan ng Asignaturang

Filipino kung kaya’t magsasagawa

ang mga mananaliksik ng

paglilimbag ng kwestyuner na

naglalaman ng mga katanungan


PROCESS – Ang mga
hingil sa paksang pinag - aaralan.
mananaliksik ay mamahagi

ng mga nasabing

kwestyuner sa mga mag

aaral upang makakalap ng

mga impormasyon o datos o

hingil sa paksang pinag

aaralan o tinatalakay.

Pagkakaroon ng Konklusyon

at Rekomendasyon kung ano

ang kahihinatnan ng hakbang

na gagawin.

OUTPUT – Inaasahan ng

mga mananaliksik sa pag

aaral na ito na matukoy

kung gaano kahalaga ang


KABANATA 3

METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ipinirisinta ang paraan ng pananaliksik, mga

pokus na pag aaral, mga instrumentong pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang

mailalarawan kung paano napahahalagahan ng mga mag aaral ang

asignaturang Filipino sa kasalukuyang panahon.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pag aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagasarbey.

Ang mga mananaliksik na ito ay maghahanda ng sarbey kwestuner na

naglalayong makahanap ng datos upang malaman ang kahalagahan ng

asignaturang Filipino.

Respondente
Ang mga napiling respondete sa pag aaral na ito ay mga Senior High

School ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School. S kasalukuyan ay

may limampung respondent.

Mga Istrumentong Pananaliksik

Ang sarbey kwestyuner ay ginamit upang malaman ang mga datos

na kinakailangan sa pag aaral. Amg mga katanungan ay pinasagot sa

mga respondent na napili sa pananaliksik.

Tritment ng mga datos

Ang pagkukuha ng porsiyento ang kinakailangan gawin ng

mananaliksik upang maibuod ang datos sa pag aaral.


Kabanata 4

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga


respondente tungkol sa kahalagahan ng asignaturang Filipino sa nga
mag aaral sa kasalukuyang panahon
Kabanata 5

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

You might also like