You are on page 1of 18

ARALIN 35

ANG PAGSALUBONG
KAY DON JUAN
ALLEIAH DALUDAD O
LORETO ANAPI
Ang lahat nay nagdumugang
sumalubong kay Don Juan
Amat inang nabuhayan
Yakap sa bunsong mahal .

Maging mga kapatid


Na malayo yaong dibdib
Pagkikitay di man nais
Nagsaya rin at lumapit.
Lalo itong si Leonarang
Pitong taong nagdurusa
Nang marinig yaong sintay
Hinimatay sa saya.

Labas na sakanyang silid


Katauhay nagtatalik,
Ang pagdating ng pag-ibig
Paglaya sa madlang sakit.
Lumapit kay Don Juan
At umupong kaagapay,
Nilimot ang kahihiyan
Sa harap ng kapulungan.

SI leonoray matwid
Gawin yaon kahit pangit,
Ano ngat ang kanyang dibdib
Ibibigay sa di ibig?
Pitong taong nagbabata
Maligtasan lamang niya
Ang masaklap na pagsinta
Ni Don Pedrong palamara.

At ngayong ang hinihintay


Narito nay bakit naman
Iibigin pang tumagal
Ang kimkim na kahirapan?
At noon na nagpahayag
Na ang luhay nalalaglag:
Mahal na hariy patawad,
Sa gawa kong hindi dapat.

Dinggin po ng kamahalan
Yaring munti kong hinakdal,
Kung mali o may katwiran
Hatol niyoy igagalang.
Pagkat naririto na nga
Ang sa puso ko poy mutya,
Panata kong di siniray
Tapos napo alipala.

hiningi sa kamhalan
Pitong taong pagbabanal,
Pag-iwas po na makasal
Sa hindi ko minamahal.
ngayon ay ipagtatapat
Sa inyo po at sa lahat,
Sa puso koy may hawak
Si Don Juan, inyong anak.

Dito ako pakakasal


Pagkat isang kataksilang
Hanggang langit isisigaw
Ang sumpa koy talikuran.
Si Don juat dili iba
Ang sa akin ay kumuha,
Sa balon, ang palamara,
Ay anak mopong dalawa.

Hangang dito, Haring mahal,


Yaring akin pong hinakdal
Di ko ibig na masalang
Ang iba pang mga subyang.
Hari sa kanyang narinig
Matagal ding di umimik,
Ang hiwagay iniisip
Sa tutop ang kanyang dibdib.

Sampung mga kamahalang


Nakaring ng mga hinakdal
Ay pawang nangatigilan
Sa gayong kababalaghan.
Nangapako ang paningin
Sa dalawang mga taksil,
Hindi nila akalaing
Kapwa pala mayrong lihim.

Kapwa hindi humuhuma


Halata ang hiya nla,
Noon lalong nakilalang
May katwiran si Leonora.
Napahayag itong hari
Matapos mapaglimi:
Leonora, sa iyong hingi
Walang tutol yaring budhi.

Sino man nga sa dalawa


Ang piliiy pakasal ka,
Ikaw naman ay umasang
manugang ding mahal kita.
Pag-iisang dibdib ninyoy
Gagawin sa linggong ito,
Ganito ang pasiya kot
Nang matapos na ang gulo.

Samatalang naghihintay
Ako sanay pagtapatan,
Ang pinutol na hinakdal
May malaking kahulugan.
Isang bagay na dapat kong
Liwanagin kung totoo,
Akong Haring ama ninyo
Sa masama ay ayoko.

Anak ko man ay suwail


Ang marapat ay itakwil,
Kasamaang pausbungin
Sa bayan ay pagtataksil.
Tunay nga po, Haring mahal,
Kay Leonorang katugunan,
ngunit akoy pairugan
Pagkaraos na ng kasal.

Anupa ngat naayos din


Ang pusong suliranin,
Kasayahang nangulimlim
Nagpatuloy nang maningning.
Sa palasyoy anong saya
Lahat doon ay masigla,
Twala ang harit reynang
ang ulap ay naparam na.
ARALIN 35
ANG PAGDATING NI
DONYA MARIA
Hind nila nababatid
Na sa nayoy may ligalig,
Itoy apoy na sasapit
Sa palasyong nagtatalik.

Natalos ni Donya Maria


Sa tulong ng dunong niya
Ang prinsepeng kanyang sinta
Nakalimot nang talaga.

You might also like