You are on page 1of 53

ARALIN 12:

ANG PAGBABALIK SA BERBANYA AT


ANG MABUTING KALOOBAN NG LOBO
KAY DON JUAN

PRESENTED BY:GROUP 3
Sa ganitong pagbubulay
Ang hari ay napadungaw
Sa malayo’y natanawan
Ang anak niyang panganay.
Sa lakara’y siyang una’t
Natatakpan ang kasama,
Inaasahang naroon na
Bunsong nawalay sa mata.
Sa laki ng kagalakan,
Madlang lungkot ay naparam,
Malayo pa’y inaasam
Na yakapin si Don Juan.
Ngunit anong dusa’t sakit
Nang sa mata’y mapalapit,
Wala rin ang ninanais,
Mabuhay ang panaginip.
Kaya’t di rin nasiyahan
Sa dalawang inutusan,
Bagama’t may kaalakbay
Na dalawang kagandahan.
Malungkot na sumalubong
At may luha nang magtanong:
“Ano’t kayo ay naglaon
Sa bundok at mga burol?”
Sagot ng dalawang anak:
“Ama naming nililiyag,
Sinagasa naming hirap
Di masayod ipangusap.
“Walang burol,nayo’t bundok
Na di naming nahalughog
Siniyasat bawat tumok
Mga sapa,batis,ilog.
“Di rin namin nasumpungan
Ang bunso mong minamahal,
At sa aming kapaguran
Ito po ang natagpuan.
“Magkapatid na prinsesang
Sa balon po nagtitira,
Nilusong naming dalawa,
Balong ito’y engkantada.
“Doo’y aming nakalaban
Dalawang ganid sa parang,
Ang higanteng mamamatay
At serpyenteng tampalasan.
“Sa amin pong mga kalis
Tapang nila ay nagahis,
Sa kay Kaka naming bagsik
Buhay nila’y nangapatid.
“Nang mapatay naming sila,
Iniuwi ang mga prinsesa
Nang aming mapangasawa’t
Mapabilang sa Berbanya.”
Haring mayro’ng kalungkutan
Sa balitang napakinggan
Dili nasiyahan
Sa anak na katapangan.
Binendisyunang puspos
Mga anak niyang irog,
At ang sabi: “O,sa Diyos,
Pasalamat kayong lubos.”
Saka naman nilihim na
Ukol sa pag-aasawa,
Si Don Pedro’y nagpauna’t
Ganito ang parirala:
“Amang makapangyarihan,
Puno nitong kaharian,
Ang iyo pong kalooban
Siya naming igagalang.
“Kung ako po’y tatanungin
Si Leonora na ang akin;
Si Don Diego’y ikasal din
Kay Doña Juanang butihin.”
Nang marinig ni Leonora
Kayarian ng mag-ama,
Lumuluhang lumuluhod na
At sa hari’y may pinita.
“Ako po’y di sumusuway
Sa atas mo,Haring Mahal,
Ngunit isang kahilingan,
Iliban muna ang kasal.
“Sa aki’y ipahintulot
Ng mahal mong pagkukupkop,
Na bayaan kong matapos
Yaring panata ko sa Diyos.
“Mula nang ako’y maulila
Sa akin pong ama’t ina,
Pitong taon kong panatang
Mamumuhay nang mag-isa.
“Hinihiling ko rin naman
Sa inyo pong kamahalan,
Isang silid ako’y bigyan
Na sadya kong tutulungan.
“Matapos ko ang panata,
Haring bunyi sa Berbanya,
Sa anak mong pinipita,
Handa akong tumalima.
“Kaya,Haring matangkakal,
Di man dapat sa kalakhan,
Kung ito po’y kasalanan
Patawad mo’y aking hintay.”
Palibhasa’y mahalaga
Itong hiling ng prinsesa,
May ibig mang itanong pa
Hari’y di na nakahuma.
Napagliming sa sariling
Kasalanang pagkalaki
Na ang nasang sakdal-buti
Ay tugunin ng pagtanggi.
Ilang saglit ang nagdaan
Hari’y naggugunam-gunam,
Tumingala at pagkuwa’y
Mga anak ay minasdan.
Kasabay ang pagwiwikang:
“Mga bunsong minumutya,
Huwag tayong sumaliwa
Sa mabuting akala.
“Pairugan si Leonorang
Magpatuloy sa panata;
Pedro’y pasasaan bagang
Di matupad iyang pita.
THANK YOU!

You might also like