You are on page 1of 6

Si Hebe At Ang Kanyang Kagustuhan

Sa kaharian ng Olymus ay nakatira ang anak na babae ni Zeus na si


Hebe, siya ay isang dalagita na palagi na lamang ikinikukulong ng kanyang
ama sa loob ng kanyang silid upang hindi masilayan ng araw at panghabang
buhay na mag mukang bata at maganda. Ang nanay ni Hebe, na si Hera ay
sobrang awang awa na sa kanyang anak na babae dahil ito ay masyadong
ipinapagdamot ng kanyang ama sa mga tao at pati na rin sa ibang diyos dahil
sa aking niyang kagandahan, at ang kanyang kakayanan na magpabata din ng
ibang diyos o tao.

Nang lumaki si Hebe ay palagi na lamang itong nagtataka kung bakit


hangang ngayon ay nakakulong padin siya sa kanyang silid. Napupuno na ng
poot at kalungkutan ang puso ni Hebe dahil sa nararamdaman nito ng sama ng
loob sa kanyang ama na si Zeus.

“Hindi po ba ako mahal ng ama, ina?” Tanong niya kay Hera.

“Mahal ka nang iyong ama, anak. Ngunit hindi ka lang talaga pwede
ipakita sa iba dahil sa aking mong kagandahan at kapangyarihan. Ikinakatakot
namin na baka kapag ikaw ay lumabas ng silid na ito ay matulad ka sa iba
mong kapatid na ninakaw ng iba’t ibang diyos upang gawin nilang asawa at
maltratuhin lamang.” Sagot naman ni Hera.

Noong lasing at pagod na ang lahat sa araw araw na pagdiriwang ng


kaharian ng Olympus ay lakas loob nang lumabas ng kanyang silid si Hebe
upang makaalis at makatakas sa pagkakakulong na ito.

Habang naglalakad ng sobrang tahimik si Hebe, ay biglang lumitaw si


Zelus, ang diyos ng inggit. Nakita agad ni Zelus ang kagandahan at ang
kapangyarihang taglay ni Hebe kaya’t agad agad ay nainggit na ito at gusto
kunin ang taglay nitong kapangyarihan.

“At ikaw pala ang napaka-sikat na Hebe, ang anak ni Zeus na ayaw
ipakita sa kahit na sinong diyos! Ngayon alam ko na kung bakit! Sobra ang
iyong kagandahan at alam ko na napakalakas din ng iyong kapangyarihan!”
Pagbola ni Zelus sa kawawang dalagita na hindi alam kung paano makikitungo
sa iba.

Hindi naka kibo si Hebe, kaya’t napagisipan agad siya ng plano ni Zelus
na ibigay muna kay Kotys, ang diyosa kung saan ang mga pagdiriwang ay
sobrang gulo at halos walang katapusan. Sinabihan niya si Hebe na ang diyosa
na kanilang pupuntahan ay may kapangyarihan na gawin siyang masaya – na
kanyang gustong gusto niya maranasan.

Lumipad sila gamit ang isang kabayo na lumilipad papunta sa mundo ng


mga tao, kung saan si Kotys ay nakikipag saya at nakikigulo kasama ng mga
tao na hindi alam na siya ay isang diyosa. Nang makarating sila sa liblib na
lugar na ito ay agad na tinawag ni Zelus si Kotys upang ipakilala si Hebe.

Ang kawawang Hebe, hindi alam ang gagawin sa oras na iyon. Wala siyang
alam sa mga panyayari na susunod at nalaman nalamang na siya ay
pinapainom ng kung ano ano at iba ibang klaseng inumin na kanyang
ikinagalak na inumin.
Siya ay natuwa at halos nabaliw nang matikman ang pinaka espesyal
sakanya na binigay ni Kotys na ang Agord kung saan ito ay ang pinakaipinag
babawal na inumin para sa mga diyos dahil ito ay nagiging sanhi ng kabaliwan
at kung ano ano pa.

Nawalaan ng hiya si Hebe at kung ano ano na ang pinag-gagawa sa


mundo ng mga tao. Siya ay lumalambitin sa kung saan saan, sumasama kung
kani kaninong lalaki, at halos mabaliw kapag hindi siya nakakainom ng Agord
na nagkakaroon ng sobrang laking halaga na binibili niya kay Kotys kaya siya
ay napipilitan at namamanhid na magbenta ng kanyang katawan sa mga lalaki
na siya ay nagugustuhan.

Tawa ng tawa si Zelus dahil ang kanyang plano ay nagtagumpay.


Samantalang ang buong kaharian ng Olympus ay nagkakagulo sa pagkawala ni
Hebe. Sobra na ang galit ni Zeus, kaya pinatawag niya si Pheme, ang diyosa ng
popularidad at mga chismis at sinabi agad nito na si Hebe ay nasa mundo ng
mga tao at nagpapakabaliw.

Dali daling pumunta ang mga alagad ni Zeus sa mundo ng tao at


pinaghahanap si Hebe. Nakita nila ito na nag wawala na muli at umiinom ng
Agord na hindi na niya tinitigilan. Kinuha siya ni Zeus, at pinarusahan ang may
pakana ng masamang plano na ito na si Zelus at pina alis ng kaharian ng
Olympus.

Si Hebe ay patuloy parin ang kanyang pagkabaliw, at minsan noong siya


ay naglalakad sa Olympus hawak ang kanyang Agord ay bigla siyang nasuka
kaya ang mga bakas ng agord ay natapon at napunta sa mga tao. Naihalo ito
sa iba’t ibang halaman at noong ito’y natikman ng tao ay sila ay nababaliw at
nawawala sa sarili katulad ng kawawalang bata na si Hebe na walang alam sa
kanyang ginagawa na siyang kanyang ikinapahamak.

Ang kagustuhan lamang ni Hebe ay makalabas at makisiya sa mga


kaganapan, ngunit ito ay ipinagkait sakanya kaya binigay ng isang diyos ang
gamot kung saan siya habang buhay na sasaya – sa Agord.
HERCULES
Noong unang panahon, sa sinaunang Greece, at merong batang lalaking nagngangalang Hercules.
Mula noong sanggol pa lamang si Hercules, lahat ay namangha sa kanyang lakas. Ngunit ang
pagiging malakas niya ay isang problema para sa kanya, sapagkat nasisira ni Hercules ang
anumang nahahawakan niya. Gulat na gulat dahil sa pagkawasak na naidulot niya, lumaking
malungkot at mapag-isa si Hercules. " Kailanman ay hindi talaga ako babagay ditoang sabi ni
Hercules kay Amphitrym at Alemene, ang mga mabubuting tao na nakakita kay Hercules noong
sanggol palamang siya at ang nagpalaki din san kanya bilang sarili nilang anak.
Sa wakas ay ipinaliwanag na ni Amphitrym kay Hercules na siya ay naiiba sa lahat. " Ito ay ang
nakasabit sa iyong leeg noong nakita ka namin,"ang sabi ng matanda habang ibinibigay niya kay
Hercules ang kumikinang na medalyon. "Ito ay ang simbolo ng mga diyos. Nang dahil sa
kagustuhan niyang malutas ang misteryo ng kanyang kapanganakan, naglakbay si Hercules
patungo sa Templo ni Zeus, ang hari ng mga diyos, upaang malaman ang mga kasagutan. Nagulat
siya nang biglang nabuhay ang rebulto ni Zeus at ipinaliwanag ni Zeus na siya ang tunay na ama
ni Hercules at ang diyosang si Hera naman ang kanyang ina.

Ipanaliwanag ni Zeus na dinukot at ginawang mortal si Hercules noong sanggol palamang siya.
Pagkatapos ay sinabi niya kay Hercules na hindi siya maaaring umuwi. " Ang mga diyos lamang
ang maaaring tumira sa Bundok ng Olympus," ang sabi niya. " Ngunit kapag mapatunayan mo sa
iyong sarili na isa kang tunay na bayani sa lupa, ang iyong pagkadiyos ay manunumbalik. "Una,"
sa pagpapatuloy niya, " kailangan mong hanapin si Philoctetes, ang tagapagsanay ng mga bayani."
Binigyan ni Zeus si Hercules ng isang regalo, isang kabayong may pakpak na nagngangalang
Pegasus. Lumipad si Hercules at nakita niya na rin si Philoctetes, ang Satyr. "Kailangan ko ang
tulong mo". Ang sabi ni Hercules kay Phil. "Gusto kong maging isang bayani, isang tunay na
bayani." "Paumanhin, bata." Ang sabi ni Phil. "Nagretiro na ako."Ngunit isang kidlat galling kay
Zeus ang nagpabago ng isip ni Phil.

Ang pagsasanay upang maging bayani ay napakahirap para kay Hercules kay kung minsan ay
naiiisip na niyang sumuko. Ngunit sa huli, kahit na mahirap, ay hindi siya sumuko at
ipinagpatuloy niya anbg pagsasanay upang maabot niya ang kanyang layunin. Sa wakas ay sinabi
na ni Phil na handa na si Hercules sa una niyang pagsubok, samalaking siyudad ng Thebes. "Kung
makakapunta ka sa Thebes, maaari ka na ring pumunta kahit saan." ang sabi ni Phil. Sa kanilang
daan papunta sa Thebes, nakita ni Phil at Hercules ang magandang babae na nagngangalang
Megara, na kasalukuyang hinahabol ng isang Centaur. Kumaripas si Hercules upang iligtas si
Megara. Pagkatapos matalo ni Hercules ang Centaur ay nagpakilala si Megara sa kanya. "Meg ang
tawag ng mga kaibigan ko sa akin." ang sabi niya. "Anong pangalan mo?" Namangha si Hercules
sa kagandahan ni Meg kaya hindi siya makapagsalita ng diretso. "Ako,.. uh... Hercules,"paputul-
putol na sabi ni Hercules. "Mas gusto kong tawagin kang wonder boy" ang sabi ni Meg. Sa
kanyang daan pauwi, nakita ni Meg si Hades, ang diyos ng mundong ilalim, at ang mga alalay nito
na sina Pain at Panic. Sinabi ni Meg na may nakilala siyang nagngangalang Hercules. Hercules!
Nagalit si Hades ng narinig niya ang pangalan. Siya ang nag utos kina Pain at Panic upang
tapusin si Hercules noon dahil si Hercules lamang ang makapipigil sa masamang si Hades sa
pagsakop sa Olympus.

Si Hades ay nagsimula nanamang sirain is Hercules ulit. Ginamit niya si Meg upang lokohin si
Hercules sa pagpapalabas ng nakakatakot na halimaw na tinatawag na Hydra. Ngunit natalo ni
Hercules ang hydra at pati narin ang mga halimaw sa ipinapadala ni Hades. At sa bawat panalo ay
naging sikat si Hercules. Kahit na naging sikat si Hercules ay nanatili siyang mortal at hindi pa
siya maaaring tumira sa Olympus. Tinanong ni Hercules si Zeus kung bakit hindi parin siya
makauwi sa Olympus. "Paumanhin ngunit ang pagiging kilala ay hindi katulad ng pagiging tunay
na bayani."sagot ni Zeus. "Kailangan mo itong hanapin sa loob ng iyong puso." Sa huli ay naisip
na rin ni Hades na walang sinuman ang mas malakas upang matalo si Hercules. Gayunpaman, ay
naisip ni hades na meron siyang kahinaan... at nalaman na rin ni Hades ang kasagutan. Si Meg
ang kahinaan ni Hercules. Kaya ginawa niyang bilanggo si Meg.
Hindi kayang makita Hercules na nakakadena si Meg kaya pumayag siya sa isang kakaibang
kasunduan, Isusuko niya ang kanyang lakas sa isang araw kapag papalayain ni Hades si Meg.
"Ligtas si Meg" pumayag si Hades. "Kapag nasaktan siya, ay manunumbalik ang iyong
lakas."Pinakawalan ni Hades ang mga masasamang Titan mula sa mga hukay kung saan sila
ikinulong ni Zeus. Pagkatapos ay inutusan ni Hades si Cyclops, ang halimaw na may iisang mata
lamang, upang tapusin si Hercules. Kung wala ang makapangyarihang lakas ni Hercules ay wala
talaga siyang kalaban-laban sa Cyclops, ngunit dahil sa pagbibigay ng lakas ng loob ni Phil, ay
natalo ni Hercules ang halimaw. Si Meg ay nasaktan dahil iniligtas niya si Hercules sa nahuhulog
na bato. Totoo nga ang pangako ni Hades, sa oras na masaktan si Meg ay manunumbalik ang
lakas ni Hercules.

Hindi gustong iwan ni Hercules ang malubhang sugatan na si Meg, ngunit kinumbinsi siya nito
na tulungan niya ang kanyang ama upang pigilan si Hades. Pumunta si Hercules sa Bundok ng
Olympus at nakita niyang nakagapos ang mga diyos at si Zeus naman ay hindi makaalis sa
bundok ng matigas na lava. Gamit lamang ang kanyang mga kamay ay sinira niya ang lava at
pinakawalan ang kanyang ama. Nagtulungan sila upang matalo ang mga Titan.

Alam ni Hades na ang kanyang plano upang sakupin at pagharian ang Olympus as sira na. Kaya
sa pagbalik niya sa mundong ilalim, pinagsamantalahan niya ang panahon upang sabihin kay
Hercules na mamamatay na si Meg. Nagmadali si Hercules na balikan si Meg, ngunit ang
kanyang kaluluwa ay napahiwalay na sa kanyang katawan. Nagmadali si Hercules na pumunta sa
mundong ilalim, at doon niya nakita ang kaluluwa ni Meg na nakalutang sa hukay na puno ng
mga kaluluwa. "Dalhin mo ako sa kinalalagyan ni Meg!"ang sabi ni Hercules kay Hades.

Ang kagustuhang pagligtas ni Hercules kay Meg kahit na buhay niya pa ang kapalit ay siyang
gumawa sa kanya bilang isang tunay na bayani. Sa kanyang pagbabalik sa bundok ng Olympus,
binigyan ng bayaning pagbati si Hercules. Ngunit sa huli ay alam na niya kung saan talaga siya
nararapat, ssa lupa kasama ni Meg, kung saan kasama silang mabubuhay ng Masaya
magpakailanman.
Buod ng si hebe at ang kanyang kagustuhan

Sa Olympus kung saan nakatira si Hebe ang anak na babae ni Zeus (ang pinuno ng mga
diyos at ang diyos ng kalangitan at kulog) at ni Hera (ang reyna ng mga diyos at ang diyosa ng
pakikipag-isang dibdib)

Si Hebe ay hindi pinapayagang lumabas o umalis ng kanyang silid sa kadahilanang siya


ang may angking kagandahan at kapangyarihan na magpabata ng diyos o ng tao man.

Lumaki si Hebe na may galit at sama ng loob sa kanyang amang si Zeus. Sapagkat
hanggang sa mga sandaling iyon ay di pa din siya pinapayagang lumabas ng ama.

Kaya’t ng minsang lasing at pagod na ang lahat sa araw araw na pagdiriwang si Hebe ay
nakakuha ng pagkakataon, lumabas siya ng silid at siya ay tumakas. Sa kanyang paglalakad ay
nakita siya ni Zelus (ang diyos ng inggit) nalaman nito ang taglay niyang kagandahan at angkin
kapanyarihan. Umiral dito ang inggit. Gusto niyang kunin ang kapangyarihan mayroon ang
dalagita.

Binola ni Zelus ang dalagita sa pagsasabing “Ikaw pala ang sikat na si Hebe, ang anak ni
Zeus na ayaw ipakita sa kahit na sinong diyos, ngayon ay alam ko sapagkat ikaw ay ubod ng
ganda at kapangyarihan mo ay napakalakas”.

Hindi nakakibo si Hebe, ang dalagita ay di marunong makitungo sa iba. Sa pagkakataong


iyon ay dagling nakabuo si Zelus ng plano.

Ibibigay nya muna kay Kotys (ang diyosa kung saan ang mga pagdiriwang ay sobrang
gulo at halos walang katapusan) ang dalagita. Pinaniwala nya ang dalagita na ang kanilang
pupuntahan ay may kapangyarihang gawin siyang masaya, na gustong-gusto niyang maranasan.

Gamit ang lumilipad na kabayo dinala ni Zelus si Hebe sa mundo ng mga tao. Kung saan
naroon si Kotys na nakikisaya at nakikigulo kasama ng mga tao. Ipinakilala niya ang dalagita kay
Kotys

Sinama siya ni Kotys at pina-inom ng ibat-ibang kaseng inumin na kanya ay nagpasaya.


Isa na dito ang Agord (Ang inuming ipinagbabawal sa mga katulad nilang diyos sapagkat ito ay
nakakapag-dulot ng pagkawala sa sarili.

Si Hebe ay nalulong na sa pag-inom ng Agord hanggang sa pati ang katawan nya ay


ipagbili sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya. ikinatuwa ito ni Zelus dahil nagtagumpay ang
kanyang plano.

Samantalang ang kaharian ng Olympus ay nagkakagulo dahil sa pagkawala ni Hebe.


Ipinatawag ni Zeus si Pheme (ang diyosa ng populiridad at chismis), ito ang nagsabi kung nasaan
si Hebe at ang kanyang mga pinag-gagawa sa mundo ng mga tao.

Hinanap ng mga alagad ni Zeus si Hebe at ito ay kanilang natapuan na umiinom at


nagwawala. Kinuha ni Zeus si Hebe.

At pinatawan ni Zeus ng parusa si Zelus, pina alis nya ito sa kaharian ng Olympus.

Si Hebe ay patuloy pa din sa pag-inom ng Agord, hawak ang Agord sa kanyang


paglalakad siya ay nasuka, ito ay tumapon at humalo sa mga halaman. Kung kaya ito ay natikman
ng mga tao na nagdulot ng pagkawala sa sarili.

Ang gusto lang naman ni Hebe ay makalabas at makisaya sa iba.

Agord ang nagbibigay kasiyahan kay Hebe, ang lunas sa malungkot nyang mundo.

You might also like