You are on page 1of 2

Sa kaharian ng Olymus ay nakatira ang anak na babae ni Zeus na si Hebe, siya ay isang dalagita na

palagi na lamang ikinikukulong ng kanyang ama sa loob ng kanyang silid upang hindi masilayan ng araw
at panghabang buhay na mag mukang bata at maganda. Ang nanay ni Hebe, na si Hera ay sobrang
awang awa na sa kanyang anak na babae dahil ito ay masyadong ipinapagdamot ng kanyang ama sa
mga tao at pati na rin sa ibang diyos dahil sa aking niyang kagandahan, at ang kanyang kakayanan na
magpabata din ng ibang diyos o tao.

Nang lumaki si Hebe ay palagi na lamang itong nagtataka kung bakit hangang ngayon ay
nakakulong padin siya sa kanyang silid. Napupuno na ng poot at kalungkutan ang puso ni Hebe dahil sa
nararamdaman nito ng sama ng loob sa kanyang ama na si Zeus.

“Hindi po ba ako mahal ng ama, ina?” Tanong niya kay Hera.

“Mahal ka nang iyong ama, anak. Ngunit hindi ka lang talaga pwede ipakita sa iba dahil sa aking
mong kagandahan at kapangyarihan. Ikinakatakot namin na baka kapag ikaw ay lumabas ng silid na ito
ay matulad ka sa iba mong kapatid na ninakaw ng iba’t ibang diyos upang gawin nilang asawa at
maltratuhin lamang.” Sagot naman ni Hera.

Noong lasing at pagod na ang lahat sa araw araw na pagdiriwang ng kaharian ng Olympus ay
lakas loob nang lumabas ng kanyang silid si Hebe upang makaalis at makatakas sa pagkakakulong na
ito.

Habang naglalakad ng sobrang tahimik si Hebe, ay biglang lumitaw si Zelus, ang diyos ng inggit.
Nakita agad ni Zelus ang kagandahan at ang kapangyarihang taglay ni Hebe kaya’t agad agad ay
nainggit na ito at gusto kunin ang taglay nitong kapangyarihan.

“At ikaw pala ang napaka-sikat na Hebe, ang anak ni Zeus na ayaw ipakita sa kahit na sinong
diyos! Ngayon alam ko na kung bakit! Sobra ang iyong kagandahan at alam ko na napakalakas din ng
iyong kapangyarihan!” Pagbola ni Zelus sa kawawang dalagita na hindi alam kung paano makikitungo sa
iba.

Hindi naka kibo si Hebe, kaya’t napagisipan agad siya ng plano ni Zelus na ibigay muna kay Kotys,
ang diyosa kung saan ang mga pagdiriwang ay sobrang gulo at halos walang katapusan. Sinabihan niya
si Hebe na ang diyosa na kanilang pupuntahan ay may kapangyarihan na gawin siyang masaya – na
kanyang gustong gusto niya maranasan.

Lumipad sila gamit ang isang kabayo na lumilipad papunta sa mundo ng mga tao, kung saan si
Kotys ay nakikipag saya at nakikigulo kasama ng mga tao na hindi alam na siya ay isang diyosa. Nang
makarating sila sa liblib na lugar na ito ay agad na tinawag ni Zelus si Kotys upang ipakilala si Hebe.

Ang kawawang Hebe, hindi alam ang gagawin sa oras na iyon. Wala siyang alam sa mga panyayari
na susunod at nalaman nalamang na siya ay pinapainom ng kung ano ano at iba ibang klaseng inumin
na kanyang ikinagalak na inumin.

Siya ay natuwa at halos nabaliw nang matikman ang pinaka espesyal sakanya na binigay ni Kotys
na ang Agord kung saan ito ay ang pinakaipinag babawal na inumin para sa mga diyos dahil ito ay
nagiging sanhi ng kabaliwan at kung ano ano pa.

Nawalaan ng hiya si Hebe at kung ano ano na ang pinag-gagawa sa mundo ng mga tao. Siya ay
lumalambitin sa kung saan saan, sumasama kung kani kaninong lalaki, at halos mabaliw kapag hindi siya
nakakainom ng Agord na nagkakaroon ng sobrang laking halaga na binibili niya kay Kotys kaya siya ay
napipilitan at namamanhid na magbenta ng kanyang katawan sa mga lalaki na siya ay nagugustuhan.

Tawa ng tawa si Zelus dahil ang kanyang plano ay nagtagumpay. Samantalang ang buong
kaharian ng Olympus ay nagkakagulo sa pagkawala ni Hebe. Sobra na ang galit ni Zeus, kaya pinatawag
niya si Pheme, ang diyosa ng popularidad at mga chismis at sinabi agad nito na si Hebe ay nasa mundo
ng mga tao at nagpapakabaliw.

Dali daling pumunta ang mga alagad ni Zeus sa mundo ng tao at pinaghahanap si Hebe. Nakita
nila ito na nag wawala na muli at umiinom ng Agord na hindi na niya tinitigilan. Kinuha siya ni Zeus, at
pinarusahan ang may pakana ng masamang plano na ito na si Zelus at pina alis ng kaharian ng
Olympus.

Si Hebe ay patuloy parin ang kanyang pagkabaliw, at minsan noong siya ay naglalakad sa
Olympus hawak ang kanyang Agord ay bigla siyang nasuka kaya ang mga bakas ng agord ay natapon at
napunta sa mga tao. Naihalo ito sa iba’t ibang halaman at noong ito’y natikman ng tao ay sila ay
nababaliw at nawawala sa sarili katulad ng kawawalang bata na si Hebe na walang alam sa kanyang
ginagawa na siyang kanyang ikinapahamak.

Ang kagustuhan lamang ni Hebe ay makalabas at makisiya sa mga kaganapan, ngunit ito ay
ipinagkait sakanya kaya binigay ng isang diyos ang gamot kung saan siya habang buhay na sasaya – sa
Agord.

You might also like