You are on page 1of 2

Ang Diyosa sa Lupa

Mula sa mundo ng mga supernatural at


kababalaghansa mundo kung saan hindi pa
naaabot ng kahit na sinong mortal na tinag na
Olympus. Lugar kung saan nakatira ang mga Diyos
at Diyosa na taglay ang ibat-ibang kapangyarihan.
Taglay ng Olumpus and naggagandahang mga
hardin at tanawin na napagyaman pa ng mga
nakatira. Ang Olympus ay pinamumunuan ni Zeus,
ang Diyos ng mga Diyos at Diyosa at taglay niya ang
kapangyarihang kildlat na wala nang hihigit pa.
Nagkaroon ng anak si Zeus kay Methius isa ring
Diyosa ng isang babaeng sanggol. Pinangalanan nila
itong Invie, mabilis ang paglaki ni Invie at ikinatuwa
naman it ni Zeus. Araw-araw ay pinagmamasdan
nito si Invie upang makilatis kung an ong
kapangyarihan mayroon si Invie, ngunit dumaan ang
maraming araw pero wala pa ring naipapakita si
Invie. Naiinip si Zeus sa paghihintay kaya agad
niyang pinatawag si Invie.
Malaki ka na ngunit hindi pa rin lumalabas ang
iyong kapangyarihan, natitiyak ko na hindi ka bagay
ditto sa Olympus kaya ngayon pa lng ay itatapon na
kita sa mundo ng mga mortal at doon mamalagi,
Ibibigay ko sa iyo ang kakayahang maglaho dahil
iyon ang nababagay sa iyo!utos ni Zeus.
At natapon nga sa lupa si Invie, sa oras na tumapak
siya sa lupa ay naglahong lahat ang kayang alaala.
Napulot siya ng isang mayamang mag-asawang

hindi nabiyayaan ng anak at doon na naninirahan.


Magddedesi-otso na si Invie noong maramdaman
niyang may kakaiba sa kanya, kapagka ayaw nya
ang kanyang kausap o napapahiya siya ay bigla raw
siyang hindi nakikita ng kanyang mga kaibigan.
Marami pang mga pagkakataon ang nangyari at
unti-unti nang natuklasan ni Invie ang kanyang
kakayahan. Sa kanyang murang edad ay kung anuano ang pinag-gamitan niya nang kanyang
kakayahan. Unti-unti niyang nakontrol otp at
ginamit pa upang sundan ang kanyang crush at
magmanman sa kanyang kaaway. Nang mag benteanyos na siya ay naisip niyang magseryoso sa
paggamit nito dahil naniniwala siyang regalo ito
nang nasa itaas.
Sa paggamit niya sa kanyang kakayahan sa
kabutihan ay marami siyang natulungang tao,
kagaya nang pagpapataw ng parusa sa tunay na
suspek sa isang krimen. Ginamit niya ang kanyang
paglalaho upang manmanan ito. Minsang ma-kidnap
siya ng isang Kidnap for Ransom group ay nagawa
niyang tumakas nang hindi siya nakikita ng mga
kidnappers at naisumbong niya ito sa mga pulis.
Laking pasasalamat nang kanyang mga magulang.
Ipinagpatuloy pa ni Invie ang pagtulong niya sa
kapwa, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan
para sa mabuti. Masaya naman siyang
pinagmamasdan ng kanyang mga magulang sa
itaas.

You might also like