You are on page 1of 1

Kalidad ng edukasyon sa distance learning: humina nga ba?

Naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas noong ika-30 ng Enero 2020 at tumaas ang bilang ng
kaso sa paglipas ng mga araw kaya nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Public Health
Emergency sa buong pilipinas na naging dahilan ng pagsuspende ng klase at pagsasara ng mga
paaralan. Gayunpaman, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) ang distance learning upang
maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral sa kabila ng pandemyang COVID-19. Ngunit kasabay ng
pagpapatupad nito ay ang pag-usbong din ng mga hamon para sa mga estudyante.

Nasa apat na milyong Pilipino ang tumigil sa pag-aaral noong 2020 sa gitna ng pandemyang COVID-19
base sa datos ng DepEd. Sa kadahilanang walang kakayahang bumili ng mga gamit sa pag-aaral tulad
ng cellphone,laptop,at internet connection. Ayon pa sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Pebrero
22 hanggang Marso 3, 2021,wala pang 46 percent ng mga magulang ang nagsabi na natututo ang
kanilang mga anak sa distance learning. Ipinapakita lamang nito na walang kalidad ang pag-aaral
online at mas maganda talaga ang face-to-face classes. Marahil ang nangyayari ay tinatapos at
ipinapasa na lamang ng mga estudyante ang mga gawain kahit walang nalalaman o natutunan kaya
dito magsisimula ang paghina ng kalidad ng edukasyon.

Nararapat na tiyakin na ang edukasyon ay may kalidad, naaabot, at tinatamasa ng lahat. Ating
tandaan na ito ay karapatan ng bawat isa at karapat-dapat tayong magkaroon nang maaliwalas na
kinabukasan sa kabila ng pandemya.

You might also like