You are on page 1of 2

Suliranin sa Edukasyon sa Pag-usbong ng COVID-19

Ang COVID-19 o coronavirus disease ay isang nakahahawang sakit


na dulot ng bagong coronavirus. Dahil sa COVID-19 marami ang
naapektuhang bansa pati na ang Pilipinas, maraming nagsara na
kompanya, establisyemento at ang pinaka naapektuhan ay ang
edukasyon.

Sa taong 2020 nagsimulang magbago at magkaroon ng malaking


suliranin ang bansa dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19. Ang
edukasyon ang pinaka naapektuhan nito dahil maraming mga
estudyante ang nag-aaral at pinagbawalan muna na magkaroon ng
pisikal o face-to-face na klase dahil sa takot at hawaan ng COVID-19.
Dahil sa kailangang ipagpatuloy ang edukasyon, ang mga estudyante at
magulang ay naghanda at nangamba sa mga posibleng maging
problemang papansinin nila habang hindi pa natatapos ang COVID-19
pandemic.

Sa takot at pagkaroon ng hawaan ng coronavirus, iminungkahi ni


Pres. Rodrigo Roa Duterte na ipagliban muna ang pagkaroon ng face-to-
face classes kapag wala pang bakuna kontra COVID. Ang Department of
Education (DepEd) ay nag nais na ipagpatuloy ang edukasyon sa
kalagitnaan ng pandemya kaya ang DepEd ay nagkaroon ng resolusyon
kung ano ang mga hakbang na gagawin sa pagpapatuloy ng edukasyon.
Ang desisyon ng DepEd ay ang pagkakaroon ng online class, ngunit
marami ang nagreklamo at ito ay nagging suliranin dahil hindi lahat ng
estudyante ay mayroong gadgets o internet connection para sa online
class. Dahil sa nasabi, nagdesisyon ang DepEd na magsagawa ng survey
kung saan mas ‘suitable’ o mas gusto ng estudyante na pamamaraan
ng pag-aaral .
Tinatawag nila itong blended learning kung saan may dalawang
pagpipilian, online learning o modular learning. Ang modular learning
ay ang paraang nakita o solusyon ng DepEd upang ipagpatuloy ang
edukasyon at para narin makasabay ang mga estudyante na nagaalala
sa kakulangan ng gadget at walang stable na connection ng internet, sa
pamamagitan ng modular learning ang mga estudyante ay binibigyan
ng printed modules na makukuha sa mismong paaralan o barangay
upang makapagaral na walang ugnay gamit ang mga gadgets. Ang mga
nasabi sa itaas ay ang mga solusyon sa suliranin sa pagbabago ng
edukasyon sa kalagitnaan ng pandemya.

Para sa akin, ang maitutulong lang natin sa ating gobyerni hinggil


sa napapanahong pandemic sa kinakaharap ng bansa ay ang
pamamalagi sa bahay, pagsunod sa mga health protocols, pagkaroon ng
kaalaman sa nangyayari dulot ng COVID-19 at ang maging masipag at
matiyaga parin sa pag-aaral kahit iba na ang pamamaraan ng
edukasyon dahil sa coronavirus.

You might also like