You are on page 1of 2

“Limited Face-to-face Classes Ngayong 2022: Magiging Epektibo

Kaya?”

Ang Pandemya ay lumaganap sa Buong mundo noong ika-31 ng


Disyembre 2019 at kalaunan ay tinawag itong Coronavirus 2019 (Covid-
19). Ang pandemyang ito ang naging rason upang mapatigil ang
edukasyon sa Pilipinas. Sa mahigit kumulang na dalawang taon, modular
at online class ang nagsilbing edukasyon sa mga kabataan. Sa mga
nakalap na datos, malaking bahagdan ng mga estudyante ang hindi
pumapayag o ayaw sa ganitong pamamaraan ng edukasyon maahil ay
hindi nila gaanong maintindihan ang mga nilalaman ng module.
Ngayong taon 2022, ay kakarampot na lamang ang kaso ng covid-19
kaya naman ay inaprubahan ni President Rodrigo Roa Duterte ang
pagsasagawa ng Limited Face-to-face classes sa mga lugar ma may alert
level 1 at 2 noong ikaw-18 ng enero 2022. Laking tuwa ng mga mag-
aaral ng ito ay mapakinggan at taos-pusong tinanggap ang mga
patakaran upang makasali sa limited face-to- face classes. Tunay nga na
makakatulong ang limited face-to-face sa mga mag-aaral laluna ngayong
pandemya, ang tanging layunin nito ay maturuan at maintindihan ng
mabuti ng mga kabataan ang mga aralin sa eskwelahan na hindi
magagawa ng module at online class. Hindi maaakila na talagang mas
epektibo ang pagkakaroon ng face to face classes ngunit magiging
epektibo parin kaya ito ngayong panahon ng pandemya? Ito ang
katanungan ng karamihan sa mga magulang na may agam-agam parin sa
kanilang isipan. May mga magulang ring sumasalungat sa kagustuhan
ng mag-aaral tungkol sa face-to-face marahil ay gusto lamang nilang
maprotektahan ang kanilang mga anak sa kumakalat na virus kaya labis
rin itong nauunawaan ng karamihan. Ang pagkakaroon ng Limited Face-
to-face classes ay patuloy na ipinalalaganap sa iba't ibang mga lugar
kung kaya'y kailangang magdoble ingat tayong lahat upang masiguro
natin ang kaligtasan ng bawat isa. Sa huli, malaking dagok man ang
pandemya at may iba't iba tayong kagustuhan at saloobin laluna tungkol
sa kinabukasan ng mag-aaral ay hindi ito rason upang tumigil ang
kabataan sa edukasyon. Ipagpatuloy natin ang pag-aaral sa pamamagitan
ng Limited Face-to-face classes.

You might also like