You are on page 1of 1

Bagong Modality ng Edukasyon ng DepEd

Sa patuloy na paglaganap ng Covid-19 sa buong mundo simula noong taon


2020 na kung saan buwan ng Marso ay nagkaroon ng lockdown. Upang
maipagpatuloy ang ating mga gawain sa kabila ng banta ng pandemya, ang
Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd) ay naisipang
isagawa ng iba’t – ibang pamamaraan o modalities. Sa ganitong paraan hindi
mailalagay sa alanganing sitwasyon ang kalusagan ng mga mag-aaaral at patuloy
paring nakakapag-aral sa kani-kaninyang mga tahanan. Bilang isang estudyante na
nag-aaral sa modular na modality masasabi kong ito ay hindi madali. Tulad ko,
maraming mag-aaral ang nanininbago sa ganitong sistema sapagkat ibang-iba ito
sa nakagawiang “face-to-face” na klase. Sa tulong ng internet at cellphone ay
masmadali ang aming komunikasyon sa impormasyon pati narin sa aming mga
kaklase at guro. Ito ay hindi rin madali sa parte ng mga guro kaya’t saludo ako sa
kanilang determinasyon at konsiderasyon magabayan lamang kami sa aming pag-
aaral. Sa tulong na rin ng aking mga kapatid at magulang na laging nariyan upang
ako ay tulungan at suportahan sa aking pag-aral. Masasasbi kong hindi natin
sigurado kung hanggang kalian ang ganitong pandemya at modality ng pag-aaral
subalit akin na lamang ito pag-iigihan at “mag-aajust” sa bagong sitwasyon o “new
normal” kung tawagin. Sa pagkakaisa at pagkakaunawaan lahat ay posible.

You might also like