You are on page 1of 1

EDUKASYON SA KABILA NG PANDEMYA

Tayo ay patuloy na lalaban upang makapagbigay ng edukasyon sa milyon-


milyong mga Pilipinong mag-aaral. -Deped

Mula sa traditional na face to face learning ay biglang nagbago ang hugis ng edukasyon noong 2020 dala
ng pandemya,ay labis na naapektuhan ang sistema sa edukasyon .Sa loob ng halos dalawang taon
nagpatuloy ang edukasyon sa pamamagitan ng distance learning.ngunit sa kabila ng pagpapatuloy nito
hindi naging sapat ang pagkatuto ng mga bata kung ihahalintulad sa tradisyunal na pag-aaral.Hindi
lamang ang mga mag-aaral at mga guro ang nakikipaglaban ngunit maging ang mga magulang na
kinakailangang maghanapbuhay upang matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan at
mga magulang na hindi sapat ang kakayahang maunawaan ang nilalaman ng modyul upang maturuan at
gabayan ang kanilang mga anak na tunay na nakaapekto sa pagkatuto ng mga bata .

Kung kayat umisip ng paraan ang Departamento ng Edukasyon sa Pangunguna ni Deped Secretary
Leonor Magtolis Briones upang matugunan ang suliranin ng mga mag-aaral,guro at mga magulang at ito
ang pagkakaroon ng harapang klase at nanindigan sa kanyang pahayag na “Despite the Threat of
Omicron variant ,the department of education is not going to back out of its plan to expand the
conduct of limited face to face classes” at sa tuluyang pagbaba ng kaso at pagpupursige ng mga kawani
ng edukasyon ay matagumpay na naaprubahan ng ating Presidente ang pagkakaroon ng limited face to
face classes na isinasaalang alang ang kalidad ng edukasyon, at mental na kalusugan .

Ngunit hindi naging madali ang lahat para sa muling pagbubukas ng klase sa mga paaralan kinakailangan
nitong sumunod sa mga protocol ng Deped-DOH sa kanilang Joint Memorandum Circular 001,s.2021
Ang face-to-face na konsepto ngayon ay iba sa face-to-face na kilala natin ,na everyday ang teacher,ang
kabataan sa lahat ng bansa ,walang continuous face-to-face .Talagang ini-schedule ito nang husto at
strictly monitored pati yung kilos ng mga bata aniya ni Deped Secretary Leonor Magtolis Briones.Upang
matagumpay na maisagawa ang Pilot face to face binibigyang diin na ang mga Local Government
Unit(LGUs) ay makikiisa sa mga paaralan na magbigay pahintulot ang magulang para sa pagbalik
eskuwela ng kanilang mga anak.Kabilang sa mga alituntunin ng pilot face-to-face learning modality ay
ang mag provide ng health and safety standards sa pamamagitan ng personal protective
equipment ,sanitation,ventilation,contact tracing at contingency measures.

Naniniwala ang mga alagad ng edukasyon na sa muling pagbubukas ng mga silid aralan para sa mga
uhaw na isipan ng mga mag aaral ay magdudulot ng isang makabuluhan at mataas na pangarap para sa
hinaharap. Magsisilbing piping saksi ang apat na sulok ng klasrum sa bawat pagbuga ng apoy na
naglalaman ng akademiko na muling lulusaw ng langis sa mga kinalawang na isipan.

Pakatatandaan, sa bawat hagupit ng malakas na ulan kapalit ay ang luntiang dahon at makukulay na
bulaklak ng kapaligiran.

You might also like