You are on page 1of 2

New Normal sa Edukasyon

ni Jasmin B. Gaco

Ang lahat sa buhay natin ay nagbabago. Ang sabi nga, “walang permanente sa mundong ito”.
Hindi natin kontrolado at mapapangunahan ang lahat sapagkat nagpapatunay lamang ito na nilalang
tayo ng ating planeta at ang lahat ng pangyayaring ito ay nagaganap dahil sa ito’y nakatadhana na. Hindi
pa natin nakakalahati ang taon ay bumungad na sa atin ang balita na nagpa-alarma sa buong bansa, ang
tungkol sa “Coronavirus disease” o COVID-19. Ang Covid-19 ay isang nakakahawang sakit na nagmula sa
bagong coronavirus na maaaring makahawa sa pamamagitan ng simpleng hawak sa kamay, pagbahing o
anumang kontak na maaring magawa sa taong may dala nito. Ang buong mundo ay nabigla at nagbago
ang takbo ng buhay. Pawang lahat ay natatakot sa kapwa tao. Ang mga establisyemento ay sapilitang
nagsara para sa kaligtasan na nagresulta sa pagkawala ng trabaho ng nakararami.

Lubos ding naapektuhan ang sistema ng edukasyon dahil ang mga pampubliko at pribadong
paaralan ay nagsara alinsunod sa ipinatupad na patakaran ng namamahala para sa seguridad ng mga
estudyante. Ninanais man ng iba na ihinto muna ang taong panuruan ng 2020-2021 ngunit ang
kagawaran ng edukasyon ay nabahala sa mga estudyante sapagkat maaaring maapektuhan ang
pagkatuto ng mga bata kapag inihinto nila ang pag-aaral. Sa kadahilanang ito, ay isinulong ng
kagawarang ng edukasyon ang bagong kurikulum sa edukasyon sa New Normal na kataga. May tatlong
pamamaraan na inilatag ang DepEd upang matuloy parin ang edukasyon ng mga bata sa kabila ng
pandemya. Ang mga pamamaraan na ito ay Distance Learning, Blended Learning, at Homes schooling.
Sinisiguro nila sa pamamagitan ng mga ito ay mararanasan parin ng mga estudyante ang mataas na
kalidad ng edukasyon habang pinaprayoridad ang kaligtasan ng mga ito..

Sa kabilang banda, sakop ng pagbabago sa dating kurikulum ang pagbabawas sa kasanayan na


dapat magawa at matutunan ng bata sa bawat taong panuruan. Ang dating kurikulum na may 14, 171 na
kasanayan ay ginawang 5,689 kasanayan na tinawag na Most Essential Learning Competencies (MELCS).
Kinuha lamang ang mga importanteng kasanayan na dapat matutuhan ng bata at makakaya niya itong
magawa kahit ito’y nasa bahay. Ang ibang kasanayan ay pinagsama at ang iba naman ay tinanggal base
sa kakanyahan nito. Datapwa’t maraming mga kasanayan ang nawala ay nakakasiguro sila na may
matutunan ang bata kahit na ba nasa bahay lang sila o gumagamit ng mga cellphone o laptop sa pag-
aaral.

Karamihan sa mga estudyante ay hindi sang-ayon sa pagpapatuloy ng taong panuruan 2020-


2021 sapagkat iba ang pagtuturo sa tradisyonal na sistema na kung saan nagkikita-kita ang guro at
estudyante sa paaralan at iba din ang pagtuturo gamit lang ang gadgets. Siguradong maraming mga
magiging hadlang sa pagkatuto ng mga bata lalo na wala sa tabi nila ang mga guro. Marami man ang
mga hadlang ay marami din naman ang paraan para makapag-aral ng maayos, dahil siguradong isinulong
ng DepEd ang pagpapatuloy ng pag-aaral dahil may nakikita silang problema sa mga bata kapag hindi ito
naituloy.

Hindi pa natatapos ang laban natin sa korona bayrus na nagbibigay ng pangamba sa ating buhay.
Gayunpaman, nang dahil dito ay nasusubukan ang ating katatagan bilang tao. Nakikita ang pagkakaisa ng
bawat Pilipino at pagtutulungan. Marami pang mga darating na problema buhat ng bayrus at maging
pagbabago narin sa ating buhay magbuhat noong sumulpot ang sakit na ito. Ang nararapat lang natin na
gawin ay tanggapin na lamang ito ng bukal sa ating puso dahil wala narin naman tayong magagawa
kundi mag-ingat at magdasal. Ang mahalaga ay makagawa at makahanap tayo ng mga bagay na
magpapasaya sa atin sa kabila ng pandemya dahil ito ang tunay na layunin ng ating buhay.

You might also like