You are on page 1of 1

Sa ating kultura, hinding hindi mawawala ang pagbibigay ng importansya sa edukasyon.

Marahil
ay tila isang napakalaking problema ang naidulot ng pandemyang ating kinakaharap ngayon sa pag-aaral
ng mga estudyante sa buong bansa. Batay sa balita, nais ng Department of Education o DepEd na
ipagpatuloy ang paglulunsad ng face to face learning sa mga pampublikong paaralan. Nabanggit din ng
nasabing kagawaran na ang bilang ng mga mag-aaral sa loob ng silid ay limitado lamang. Sa aking
opinion, hindi pa ito ang tamang oras upang magsagawa ng face to face classes sapagkat habang
tumatagal ay lalong dumarami ang mga taong nahahawaan ng COVID-19. Kung ako man ay isang
magulang, hindi ako papayag na pumasok ang aking anak sa paaralan. Maaaring mahirap ang mag-aral
sa pamamagitan ng online modality, ngunit kung ito naman ay para sa kaligtasan ng bawat isa ay mas
pipiliin ko na lamang na manatali sa aming bahay.

Kung sakali mang itutuloy ng DepEd ang kanilang plano, kailangan muna nilang isipin ang
napakaraminig salik na makaaapekto hindi lamang sa mga mag-aaral, kundi pati na rin sa mga guro.
Unang una ay ang kakulangan sa mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan. Kung magiging
limitado ang kapasidad ng mga ito, malaking suliranin ang kahaharapin ng bawat paaralan. Maaari
lamang itong isagawa kung hindi lahat ng mag-aaral ay pipili ng face to face learning. Ikalawa ay ang
safety protocols na kinakailangang paigtingin ng mga tao sa paaralan.

Tunay ngang mahalaga ang edukasyon ngunit kung hindi natin aalagaan ang ating mga sarili at
mag-iingat sa mga nakahahawang sakit kagaya ng CODIV, parang wala ring saysay ang ating pag-aaral
kung nakasalalay naman ang ating buhay.

You might also like