You are on page 1of 1

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya

Edukasyon ang pinakamatibay na pundasyon upang makamit ang ating mga mithiin. Ito ang magsisilbing tulay sa pag abot
ng mga pangarap sapagkat kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao. Edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng ating
mga magulang. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas, pero ang karunungan kailanman ay hindi kumukupas. Ito lamang ang
natatanging bagay na hindi maaagaw ninuman. Ngunit, paano ng aba ito maaabot sa gitna ng pandemya na dinadanas ng lahat?

Dahil sa nakamamatay na COVID-19, maraming bagay ang nagbago, kabilang na ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Ayaw namang ihinto muna ang pasukan ngayong taon kaya naman humanap na lamang ng alternatibo ang pamahalaan upang
kahit papaano ay may matutuhan pa rin ang mga mag-aaral. Ngunit ang biglaang transisyon mula sa face to face classes mula sa
blended learning gamit ang mga modyuls at online classes ay nagturo ng aral hindi lamang sa mga mag-aaral kung hindi sa
buong sistemang pang-edukasyon sa bansa.
Tinuro ng pangyayaring ito na maraming bahagi ng akademya ang tila hindi naging handa. Mukhang mas marami ang nasanay
na sa kalidad ng edukasyon na mayroon na lamang sa bansa. Lumabas na maging ang Department of Education ay hindi handa
sa mga ganitong kaganapan. Patunay nito ay ang mga kamailan sa modules at sa mga materyales at bidyo na ginagawa ng
DepEd na napuna rin ng maraming mag-aaral at magulang. Nakapagtatakang maraming mali sa mga konseptong itinuturo kahit
na dapat ay bihasa na ang mga ito sa usaping ito dahil lagi naman nilang itinuturo sa kanilang mga mag-aaral. Talaga namang
maraming aral ang ibinigay ng pandemya at bagong sistema ng edukasyon sa bansa sa ating lahat. Dapat laging maging handa
at laging ibigay ang kahusayan sa edukasyon, may pandemya man o wala.

You might also like