You are on page 1of 2

MEDIKO'T TAGAPAG-ALAGA SA DATAL NG PANDEMYA

Ang gatlang gumuhit ng ating kasaysayan na humubog ng ating


pagkatao, nagpakilala ng ating namumukod tanging lahi, ay ang tanda
ng kabayanihan. Mula sa mga badha na iniwan ng ating mga ninuno,
ipinagpapatuloy ang kanilang nasimulan sa mga paraang hinihingi ng
anumang panahon, taglay ang ipinamanang kagitingan at inspirasyon.
Ilang siglo na ang lumipas ngunit ang apoy na nagpapaliyab sa bawat
pusong magigiting ay nuot sa pagdarahop ng pag asa at pagdaraing.

Sa ating pinakamamahal na mga guro, Gng. Jay Ann Peroy at Gng.


Rose Ann Bacodio, kapwa ko mag-aaral, at sa lahat ng mga tagapakinig,
isang mapagpalang araw po sa inyong lahat.

BAYANI— isang salita, letra ay anim, tatlo ang pantig na tuluyan


naghatid ng pagbabago sa daigdig. Daigdig na siyang ganap na
sinubok ng panahon, kasabay sa mosyon ng orasang hindi alam kung
paano babangon. Babangon! Sigaw ng pusong ikinulong ng ilang
buwan upang maging ligtas sa giyerang hindi tuwirang batid sino ang
gumawa at kung saan nagsimula.

Ang mundong ating ginagalawan ay hinamon ng pandaigdigang


krisis sa kalusugan. Ang pandemya ay sopresa at ikinagulat ng lahat,
pasanin sa araw-araw mas nagiging mabigat. Tayo ay nagising na
lamang sa nakakabinging alingawngaw ng katahimikan. Nang dumating,
ang isang mabangis na kalaban. Nabilanggo ang lahat at nanatili sa
kanilang mga tahanan. Sa bawat araw na dumaraan, napakaraming bakit
hindi masagutan. Sa gitna ng tahimik na kalsada ating nakita mga
nakatakip na ilong at bibig, isang metrong layo sa bawat isa. Mga
mukhang punong-puno ng pangamba, ano ang kakainin sa bukas o
makalawa dahil trabaho nawala dulot ng pandemya. Sa pagdating ng
bukas tila walang kasiguraduhan paano makakaligtas.

Subalit, hindi sapat ang pananatili lang upang maging ligtas ang
lahat. Kinakailangan ng mga titindig at kikilos; ng mga maglalakas-loob
hanggang ito'y matapos. Kinakailangan ng mga pupwesto sa harapan sa
kabila ng hindi tiyak na kapalaran.Silang nakikipaglaban para sa
nakakaraming karapatan, silang mga nagtatrabaho sa ospital; mga
doktor, nars, at mga katulad nilang tuluyan ng pumanaw. Ipagmalaki
natin sila! Ipagbunyi natin sila, palakpakan natin ang mga siyentipikong
patuloy na naghahanap ng gamot, na patuloy na naghahanap ng sagot.

Itong mababakas sa kanilang mga mukha ang takot, subalit


mararamdaman mo ang pagmamahal na nananaig sa loob ng kanilang
mga puso. Mga bayani silang lahat! Lahat ng kumikilos habang
natutulog ka ng mahimbing, ay nagsusugal sa kinabukasang baka sa
susunod na araw sila'y isang pasyente na rin. Sila ang proteksyon natin
sa digmaang ito at kung maubos ang hanay nila, tiyak na susunod tayo.
Sila ang unang nakasuong sa larangan ng digmaan— tinitiis ang pagod,
sakit ng katawan, hirap ng loob. Lumalaban sila sa sariling pangamba,
agam-agam, at pangungulila sa pamilya, mabigyan lamang ng ginhawa
ang may sakit sapagkat ang ating kaligtasan ay sa kanila kumakapit.
Kaya wag natin silang pandirihan, bawal tayo maglapitan ngunit huwag
natin sila ipagtabuyan. Huwag tayong maging makasarili. Buksan natin
ang ating nga mata, isapuso’t isip na sila’y ang ating nga bayani,
nagbibigay pag-asa sa panahon ngayon tayo ang siyang api.

Isa, dalawa, tatlo, sa mga panahong ito ating napagtanto. Agham


at teknolohiya tunay na makapangyarihan, tumugon sa mga
pangangailangan ng lipunan at mga hamon sa mundo. Ang mga hamon
ngayon ay pinutol ang tradisyunal na mga hangganan ng disiplina at
umaabot sa buong buhay ng pagbabago— mula sa pananaliksik
hanggang sa pagbuo ng kaalaman at ang aplikasyon nito. Ang agham,
teknolohiya at pagbabago ay dapat maghimok ng ating hangarin
mailigtas ang lahat sa mundo. Harapin ang napapanatiling hamon sa
pag-unlad, na dapat maunawaan ng gobyerno’t mamamayan ang mga
problemang kinakaharap, pagsikapang gamawa ng mga pananaliksik na
naiintindihan ng lipunan. Isa na sa mga ito ang larangan ng medisina at
siyentipiko, na bumubuo ng mga kasagutan at solusyon sa mga
dakilang misteryo ng uniberso at siyang naging katuwang at kasangga
sa walang katapusang pagtaas ng mga pasyenteng may positibong
kaso.

Mediko't tagapag-alaga sa datal ng pandemya! Matatapang na mga


puso sa serbisyo ay nanguna. Handang ibuwis ang buhay hindi lang
para sa isa. Nakagapos man sa tanikala ng pangangamba, takot sa
isipan ng bawat isa at may tanong sa puso kung mayroon pang pag-asa.
Katulad nga sa isang kanta, “Sa daigdig ang buhay ay ganyan,
mayroong ligaya at lumbay, maghintay at may nakalaang bukas”.
Mediko't tagapag-alaga sa datal ng pandemya! Gagawin ang nararapat
dahil sa sinumpaan, di hihinto sa laban hanggang darating ang kay
gandang bukas na kasama ang tamang sagot at lunas.
Sa pagtatapos kong ito, bilang mag-aaral ako’y nabuhayan! Sa
pandemya ng buhay, mga dakilang doktor at nars nakikipagsapalaran.
Kaya buong tapang at prinsipyo ako’y mag-aaral, sa linya nilang bukas
ako naman ang lalaban.
Maraming salamat, sa muli, isang mapagpalang araw sa inyong
lahat.

You might also like