You are on page 1of 3

Theme: “Thriving and resilient ASU: living the Glory of the Olympic Gold Through Sports, Culture, and

the Arts.”

“ KAPIT-BISIG CHARMMians”

Gigising ng may pag-asa

Tulong- tulong at may pagkakakisa.


Hindi naman sa atin bago ang
Marso ang ikatlong buwan ng taong dalawampu’t dalawampu pagbaabgo.

Buwan na kung saan nagbago ang ikot ng mundo. Ngunit sa pagkakataong ito pinaranas
sa atin ang kakaibang hagupit ng
Sa araw-araw na nakasanayan ay maraming nagbago.
pagbabago.
Sakit na dulot ng virus galing sa hilagang Asya.
Biglaang dilibyo ang pumasok sa ating
Lahat ay apektado, anumang estado. bansang

Nagbabadyang sakit. Apektado ang galaw ng mundo. Gobyerno ay


nayayanig.

Kasalukuyan tayong binabalot ng masalimoot na pangyayari.

Hindi mawari tila ang magulong mundo ay pagulo nang pagulo.

Kaligtasan ng bawat isa ay di na masigurado, walang katiyakan kung hanggang saan ang idudulot ng
pandemyang ito.

Ang araw ay naging linggo, ang linggo ay naging buwan, at ang buwan ay naging taon.

Taon. Taon na ang nakalipas, ngunit kulong pa rin tayo sa rehas ng pandemyang dulot ay kamatayan.

Sariwa pa rin sa aking alaala.

Inanunsyo ang isang linggong suspensyon ng klase.

Naghiyawan sa tuwa ang aking kapwa estudyante.

Nasaisip –sa wakas isang linggong makakapagpahinga.

Ngunit dumaan ang linggo, buwan –taon ang nakalipas guhit sa tubig pa rin ang pagbabalik ng mga
nakasanayan.

Bagong normal.

May mga limitasyon, maraming bawal. Distansiya sa bawat isa ipairal.

Ang mundong dating masikip ay lalong sumikip.


Tila bawat isa’y pinagkaitan ng karapatang mangarap.

Mga magulang ay nangangamba kung saan kukuha ng pera para mapakain sa pamilya.

Nangangamba kung saan pupulot ng pinansyal para pang-araw-araw ay matustusan sa kabila ng mga
bawal.

Ako’y napatigil , napatigil sa alingaw-ngaw ng serena.

Nanginginig sa takot na baka sa susunod na paglabas ni Ina’t Ama ay makasalubong nila ang kalabang
hindi nakikita.

Sa pagitan ng kaligtasan at kumukulong sikmura –saan tayo papanig banda?

Ligtas nga ang pamilya, dilat naman ang mga mata sa kumakalam na sikmura.

Paano na!

Paano suingin ang malamakarayom na butas.

Butas na pagsasabayin mo ang pagsaalang-alang, una ng kaligtasa, pamilya, pangarap at pag-aaral mo.

May ibinulong ang hanging naghihingalo.

“Ito na siguro ang ganti ng mundo laban sa mga tao. Sa Pandemyang ito’y, magtulong-tulong kayo.”

Binalot ako ng lamig.

Lumiwanag ang paligid.

Lawakan natin ang tanaw. Tayo ay mag-kaisa.

Sa kabila ng distansiya.

Ating higpitan. Higpitan ang pananalig.

Bumangon ka! Lumaban ka!

Edukasyon ang magiging gamot.

Intektuwal ang magiging kasangga.

Huwag tayong papalugmok.

Walang katuturang ipinagkait sa atin ang mangarap.

Lawakan ang isip. Abot tanaw na natin ang inaasam ng puso.

Katulad mo’y may pangamba rin ako.

Kapos sa pera. Walang internet koneksyon kung saan ako nakatira. Tanong ko, paano pa kaya ako
makikisabay sa bagong sisitema ng edukasyon.
Katulad mo. Oo. Inisip ko ring tumigil at ipagpaliban muna. Maghihintay nalang kung saan babalik na ang
dati.

Pero isipin nyo, wala ako sa kinakatayuan kong ito, kung tumigil ako.

Hindi ako kasali sa patimpalak na ito kung naging duwag ako na ipagpatuloy ang nasimulan ko.

Hindi ko rin makikilala ang mga gurong may pagpapahalaga kung hindi ako lumaban sa pag-aaral ko.

Kaya, sa kabila ng paano at pangamba na baka hindi makaya –may mga gurong nakaalalay, mga
kakalseng aagapay.

Dito sa ASU tulong tulong ang labanan para sa tagumpay.

Sa kapwa ko mag-aaral, sa damiraming alternatibong paraan. Utang na loob huwag tayong sususko.
Huwag nating panigan ang negatibong emosyon. Magpahinga. Lumaban. Hindi lang sariling pangarap
ang ipaglaban pati na ang kinabukasan ng ating bayan. Alalahaning, mapalad tayo at maswerte, libo-
libong matrikula ‘di na kailangang isipin.

Kaya sa institusyong ito, laking pasasalamat ko. Hindi kayo nagpatinag sa pandemyang nakaharang.

Panangga ay misyong isulong ang dikalidad na edukasyon para makalikha ng propesyong magsusulong
sa pag-angat ng sususnod na henerasyon.

Sa kabila ng danas na hirap, maraming mga estudyante ang nabigyan ng opurtunidad na mas makilala
ang sariling talento’t talino.

Hindi huminto ang institusyong ito para buhayin ang dugong palaban.

Sa pagsunod ng protocol, binigyan tayo ng laya na maging aktibo ang pagkatao.

Manatiling buhay ang mga talentong likas.

CHARMMians. Manatili, maniwalang may pag-asa.

Sa gitna ng pandemya, isinisulong ang edukasyon na may pagkilala sa ating kakanyahan.

Gising, bumangon na may pag-asa.

Huwag sumuko, tuloy ang labang nasimulan.

Makikibaka sa hamon ng buhay para sa maginhawang kinabukasan.

ASU – hinubog mo ang tibay at tatag ng nasasakupan mo sa gitna ng labang ito.

You might also like