You are on page 1of 3

LOVEban KO!

Ni: Julie Ann Saberon

“Kaya ko ito!”

Iyan ang linyang paborito niya ibinubulong sa sarili sa tuwing siya ay dinadalaw at pinapaulan ng
karukhaan sa buhay. Buong pusong kinakaya na malagpasan ang lahat ng mga balakid na nagsilbing tinik
sa kaniyang pagsungkit ng pangarap. Walang araw at gabi ang pinalipas sa pagharap sa mga
naglalakihang alon na nagdadala ng kahirapan sa buhay tungo sa nagtataginting na tagumpay.

Sa pagdating ng araw ay buong tapang niyang pinasok ang mundo ng pag-aaral sapagkat diin
niya sa kaniyang sarili “ang taong may pinag-aralan ay malayo ang mararating basta’t may tiyaga”. Sa
pagtulog naman ng araw at pagsilip ng gabi buong lakas niyang pinasok ang mundo naman ng
pagtatrabaho upang matugunan ang sariling pangangailangan bilang college student na malayo sa aruga
ng mga magulang. Sa kaniyang pagtuntong sa kolehiyo, kailangan niyang isugal ang sariling pananabik na
makapiling ang kaniyang mga mahal sa buhay-pamilya.

Tinahak niya ang landas na isinisigaw ng kaniyang puso dahil batid niyang sa pag-aaral niya
makakamit ang susi ng tagumpay. Bilang isang kolehiyo hindi naging madali ang buhay na mawalay sa
magulang, kailangang maging strong independent woman, sariling problema at sariling comfort. Samo’
saring unos at problema ang kaniyang pinagdaanan na kahit butas pa man ng karayom ay kailangang
pagdaanan at dadaanin.

Minsa’y dumaan na sa puntong nawalan ng pag-asa’t lakas ngunit patuloy pa ring tumatayo sa
sariling paa, at dahil sa pamilyang nagging inspirasyon niya upang mas lalong lumaban sa lahat ng
dilubyong nagtangkang hilain pababa ang kumpyansa sa sariling makaya ang lahat. Kaya naman, dahil sa
kaniyang dedikasyon sa sarilii ay ngayo’y masusuklian na ang lahat ng pagod, puyat, pawis at
pangungulila dahil sa pagkakataong ito tutuntong na siya sa entablado habang suot ang itim na togang
sumisimbolo sa matatamis at nakakalungkot niya alaala bilang college student.

Datapwat maraming hamon ang inilaan sa ating buhay, huwag tayong sumuko dahil ang lahat ay
may kahahantungan. Kaya naman ang mga taong katulad niya ay aking lubos na tinitingala, at sa
kaniyang pag-uwi’y mainit na yakap ang humaplos sa kaniyang puso. At ang taong aking tinitingala ay
kaharap ko ngayon sa SALAMIN- ang aking sarili.
Kaninong SALApi?
Ni: Julie Ann Saberon

Saan kaya papunta ang bansang ito?

Iyan ang naging komento ng isang social media active person matapos daw ang kapalpakan ng
Maharlika Wealth Fund. “Ang papangit ng mga nangyayari. Kung anu-ano ang ginagawa ng mga nasa
pwesto para lang sa kanilang makasariling interes” dagdag niya pa. Ngunit ano nga ba ang MWF?

Ang Maharlika Wealth fund ay isang sovereign Wealth fund o ponding nilikom at inilalagak ng
isang pamahalaan sa iba’t-ibang mapagkitaang alternatibo tulad ng mga instrumentong pananalapi,
bonds o panagot, mga dayuhang salapi, real estate, proyektong pang-imprastruktura.

Bagama’t walang kasiguraduhan na patuloy na kikita ang pondo. Dahil ang Maharlika Wealth
Fund ay paglalak ng pondo sa alternatibong mapagkakakitaan, at hindi maiwasan ang pagkakataong
hindi kumita ang alternatibong ito. At kahit kumita man ay matatagalan pa rin bago makalikom ng
napakalaking pondo upang matustusan ang maraming pangangailangan ng bansa at ekonomiya.
Kailangang palakihin muna ang pondo upang mas malaki ang balik nito sa hinaharap, na lingid sa
kaalaman ng karamihan kung kaya’t samot saring mga kuro-kuro ang ipinapalabas nila palagi.

Samakatuwid, hindi totoong palpak ang sistemang Maharlika Wealth Fund kagaya ng komento
ng isang nitezen sa social media. Ito ay patuloy pa rin sa proseso upang matustusan ang lahat ng
pangangailangan ng mga madla sa bansa. Marahil ngang sa tingin ng iba ay dumagdag lang sa pasanin
nila, atin tandaang hindi sa lahat ng pagkakataon nabibigyan kaagad ng solusyon ang problema. Turuan
ang sarili na hindi lang paghihintay ang gawin bagkus ay gumawa rin ng paraan para sa ikakaangat ng
buhay at hindi Gobyerno ang palaging may SALAPI.
Hiling sa Aguinaldo
Ni: Rio Jay A. Naraga

“Ting!!!...”

Tunog ng kampana sa pagbukas ng Simbang gabi. Nagsisimula na namang lumamig ang dampi
ng hangin sa’king pisngi. Parating na ang panahon ng kapaskuhan na taon-taon nating ipinagdiriwang at
inaabangan. Sa pagsapit ng Disyembre, pasko agad ang laman ng kukuti.

Paskong saya ang dala, paskong pumapawi sa’ting mga luha. “Pasko, pasko, pasko na naman
muli ang pag-ibig siya’y naghari”. Alam nating lahat na ang pasko ay pagbibigayan, ngunit ito’y
pagmamahalan din. Pagmamahal na syang inaasam ng lahat.

Krismas Tring nagbibigay liwanag sa madilim na nakaraang sinapit ng buhay. Mga magulang na
naghahanda ng mga pagkain upang sa hapag-kainan ay may maihain. Pamilya’y magsasalo-salo sa Noche
Buenang inaabangan, dala sa mukha ang kasiyahan.

Hand aka na ba? Sa regaling iyong makukuha? “Pasko” limang letra pero milyong-milyong
kasiyahang dala. Lahat ay sabik sa regaling mabibitbit. Disyembre byente singko nang ipinanganak si
Kristo. Kaarawan ni Kristo, na syang nagsakripisyo sa mga kasalanang ginawa ng mga tao.

Magulang ko’y mahal ko, kaya sila ang gusto kong makasama sa Pasko. Hiling ko’y sanay
matupad na sa pagsapit ng pasko may mangyaring memorableng kasiyahang kaganapan sa buhay ko.

Sa kulay kayumanggi at malamlam na silid ay mapapansin, sa isang sulok nang isang Christmas
Tree. Na agaw pansin ang kislap at kumukutikutitap na ilaw na sumasabay sa pagkisap ng mga mata.
Samo’t saring kulay na nakapalamuti sa paglibot nito ang nagpapaalala na malapit na ang kapaskuhan.
Palamuti na iba’t iba ang hugis at kulay na maihahantulad sa ating mga Pilipino na may iba’t ibang
paniniwala at kaugalian.

You might also like