You are on page 1of 5

Pangalan: Dave O.

Dagal Taon/Section: Ikalawang Taon/SF22

Module1: Tula (Individual)

EDUKASYON SA GITNA NG PANDEMIYA


Ang buhay at sistema ng halos lahat ng bagay sa harap ng pandemya ay tunay na mahirap, at lahat ng ito ay dulot ng
pandemyang may pangalang Korona.
Ito ay nagmula sa bansang pula ang watawat, may apat na maliliit na bituin sa harapan, at isang malaking bituin sa likuran,
nagdala ito ng pangamba sa buong sanlibutan, nag-iwan ito ng takot sa lahat ng mga mamamayan, at dahan-dahang itong
lumaganap,
gusto kong pumikit, isipin na lahat ng mga nangyayari ay waring isang madilim na panaginip, ngunit noong ako’y naalipungatan,
aking nalaman, na ito pala talaga ay nangyayari ngayon sa kasalukuyan.

Lubos na naapektuhan ang mga iba’t ibang sektor ng ating lipunan, mga manggagawa, estudyante, at iba pa, sa makatuwid, lahat
ng mga mamayan,
pero ang lubos na nahihirapan, magpa hanggang sa kasalukuyan, ay ang sektor ng edukasyon sa ating lipunan,
ang mga mag-aaral ay pilit kinakamit lahat ng mga karunungan na kaya nilang makamtan, gamit ang paraang hindi nila
nakasanayan,
paraang gumamit ng teknolohiya bilang pang-suporta sa kanilang pangangailangan, bertwal na kaparaanan kung tawagin ito ng
karamihan,
magandang pakinggan para sa iilan, ngunit pasakit ang paraang ito para sa karamihan, sapagkat nakaharap lamang ang mga bata
sa kanilang modyul, pero wala silang natututunan.

Ang punto ng tula kong ito ay simple lang naman,


nais ko lang ipakita ang estado ng edukasyon dito sa ating lipunan,
lipunan ating ginagalawan, na ngayon ay binabalot ng takot at kalungkutan,
ano ang dahilan, pandemya, pandemyang nagmula pa sa ibang bayan.
Mahirap ang kalagayan ng edukasyon ngayon sa ating bayan, hindi lahat ng mga mag-aaral ay natututo kahit lahat naman sila ay
nag-aaral ng husto,
ang katotohanang pilit kinukubli ng ating gobyerno, sinasabi na ang sektor ng edukayon ay supportado ora mismo, pero naantala
ito ng sampung segundo.
mga guro’t mga mag-aaral ang pilit na nagsa-sakripisyo, tinatawid ang tungkuling sinumpaan para sa kinabukasan ng bawat
Pilipino,
dinaranas ang hirap, makapagturo lang nang wasto, pikit matang naniniwala sa tulong at supporta mula sa ating gobyerno.

Sa pagtatapos ng aking tula, nais ko sanang inyong mamulat ang inyong mga mata,
patungkol sa tunay na estado ng edukasyon dito sa ating bansa sa harap ng pandemyang tinatawag nating Korona,
ang sitwasyon sa kasalukuyan ay mahirap, tayo ay para gumagapak sa lusak na pilit naghahanap ng kakaunting pilak,
maraming bagay ang sinasakripisyo ng karamihan, kaakibat din nito ang iba’t ibang hirap na pinagdadaanan ng kahit na sino man,
ngunit kahit ganun paman, di tayo dapat panghinaan, sa halip, ang loob natin ay marapat lamang nating pagtibayan,
dahil ang hirap na ating dinaranas ay malapit nang wakas, ang muli sisikat ang araw para sa ating lahat, at iyan ang isang bagay
na aking natitiyak.
Module2: Tula (Individual): (Masigasig ang paraang ginamit ko sa paggawa ko sa akdang ito)

Maraming mga panibagong bagay ang aking natutunan, para bang binuhusan ng marami tubig ang sisidlang kong kakaunti pa
lamang ang laman,
mga kaalaman na kailagan upang maliwanagan ang isipan kong medyo nababalot ng kalituhan.
Maraming salamat sa modyul na aking binasa, para itong pluma, na siyang ginamit ng panahon para sulatan ang isang blangko na
pahina,
kahanlintulad ng pagsikat ng araw sa bawat umaga, ito ay tanglaw sa aking pagkamit, sa uri ng kinabukasan na gusto kong
makamtan.

Ang nakapoob sa modyul na ito ay mga mahahaligang bagay tulad ng nasa isang protektadong lalagyan,
mga bagay na may malaking halaga, na sa sobrang laki ay kahit pagsama-samahin pa lahat ng pera sa mundo ay di pa din
sasapat,
mga bagay na di materyal, pero kapag nagamit natin ng wasto, ay kayang makapag bigay ng mga materyal sa ating mga tao,
ang mga bagay na kanina ko pang binabanggit ay mga kaalaman o karunungan, mga pamanang hindi mananakaw ng kahit sino
man.

Ang modyul na aking binasa ay siksik sa impormasyon, mga impormasyong tiyak kong may malaking itutulong sa pag-unlad ng
ating nasyon,
ito ang mag-aangat sa angkla ng barkong ating sinasakyan, upang tayo ay tuluyan nang umusad tungo sa maunlad na hinaharap,
direction na magtuturo sa atin kung saan parte ng daan tayo paroroon,
at bituin na magdadala sa ating tungo sa kaginhawaan, kasaganahan at kapayapaan.

Marami akong napulot na mga makabuluhang aral mula sa mga paksang nakapaloob sa modyul na ito,
sa una nahirapan akong intindihin ang lahat, pero dahan-dahan at sa paglipas ng oras, medyo nakukuha ko na yung lahat ng
punto,
at mayroon akong isang napakahalagang bagay na napag tanto,
nalaman at naunawaan ko na ang tula ay hindi isang simple lang na akda, lingid sa alam ng karamihan.

You might also like