You are on page 1of 3

Pagsasalsal sa Publiko:

Krimen sa Gitna ng Mapaghamong Milenyo

“Pinilit bumangon ni Juan sa isang umagang hindi niya alam ang almusal at hapunan.”
bungad na pagbati ni Maria sa kaniyang sarili pagkamulat ng mata.

Sa patuloy na pag-inog ng komplikadong panahon, may puwang pa ba para sa mga


hawlang binuo ng sistema, na pilit kumakawala at nagpupumiglas patungo sa kanilang kalayaan;
sa patuloy na pagsilang sa mga isyung panlipunan na tahasang nakakaapekto at humahadlang sa
bawat oportunidad at kagustuhan ng isang mamamayang patuloy na lumalaban sa bawat sigalot
ng reyalidad, may pagkakataon pa bang huminga at muling makita ang bintana ng bagong pag-
asa; at huli, sa patuloy na paglaganap ng giyerang hindi natin nakikita ang kalaban at kaalyansa,
may bukas pa bang naghihintay na puno ng liwanag sa gitna ng mapinsalang pandemya? Huwag
mag-alala. Huwag kang mabahala – hindi ka nag-iisa.

“Bugso ng damdamin, sinong apektado – ikaw at ako.” ani ni Juan…habang binabaybay


ang madilim na lansangan. Nagbabakasaling mayroon ng ayuda.

Mabilis ang pagsiklab na ating nasaksihan. Walang nakaligtas, bagaman marami ang
nanantili ang kagalakan roon sa taas. Hindi lingid sa ating kaalaman na tayo ay nasa ilalim ng
taon na sinusubok ng isang malubhang karamdaman dulot ng panibagong “coronavirus strain” –
maliit na elementong kumitil sa napakalaking bilang ng mga tao sa Pilipinas at sa buong daigid.
Maraming buwan na ang nakalipas magmula ng sumibol ang pandemyang ito at hindi maikakaila
na lumobo na rin ang mga negatibong epektong naidulot nito sa atin, hindi lamang sa sektor ng
kalusugan bagkus ay maging sa estado ng ating ekonomiya, pamamalakad ng gobyerno,
opresyon sa araw-araw na pangangailangan ng bawat Pilipino, sistema ng transportasyon at sa
antas ng edukasyon na nakahanda ng magsimula ngayong buwan.

“Taliwas and direksyon ng tuwid at likong lansangan.” ika ni Aling Josie sa kaniyang
anak na humihingi ng pambili raw ng gagamitin sa online class ngayong Agosto.
Sa gitna ng krisis na ito, ang bawat isa ay apektado. Subalit, ang bawat isa ay hindi
pantay ang antas, kakayahan at oportunidad na tinatamasa upang patuloy na lumusong sa along
mayroong hindi pangkaraniwang bugso. Hindi katulad ng mga indibidwal na mayroong sapat na
salapi at kagamitan upang hindi magutom at tumangis ng tulong mula sa iba, malaking bahagdan
naman ng mga Pilipino ang nakapiit sa isang sitwasyong walang kasiguraduhan ang bawat mulat
ng mata. Hindi dahil pagsuko na lamang ang tanging tugon, bagkus ay ito na lamang ang tanging
direksyong kakayanin nilang tahakin. Dahil ito ang bago, ito ang normal. Ito ang “new normal”.

“Mala-oktopus na koneksyon…pahingi ng atensyon.” sagot ni Lito sa kaniyang amang


nakaratay sa kama. Hindi alam kung saan kukuha ng pera.

Bagaman patuloy ang pagbibigay-diin na ang kabuuan ng mga kabataang mag-aaral sa


ating bayan ay puno ng mga pipiliin ang tuyo at sardinas bago ang Zoom at Gmail, gayon pa rin
ang kanilang pagpupumilit na isagawa ang bagong sistema ng edukasyon sa darating na taong
panuruan – pamamaraan ng pagkatuto kung saan mangmang ang pangkaraniwang Juan. Iyon
daw ay kagustuhan ng kabataan. Iyon daw ang kanilang mithi upang hindi mapag-iwanan. Iyon,
iyon, iyon. Sa iyong opinion lamang ‘yan.

Hindi na bago sa madla ang pagbabago. Nakakalito at hindi pulido ang paraang nais
gawing sigurado. Sa kabila ng mga protesta at umaapaw na hinaing ng tatlong sangay ng tatsulok
ng pagkatuto, ang perspektiba ng mga guro, magulang at kanilang mga anak ay nananatiling
nakabinbin sa nagbibingi-bingihang bibig ng mga nasa upuan.

Wala nang ibang pagkakataon ang tatsulok na ito upang sumagot at tumutol. Ang tanging
landas na lamang ay ang padalos-dalos na pagdaraos ng isang hakbang na hindi sikat – laos.

“Walang baon, pero hindi sigurado ang grado sa bawat diskusyon.”pagluha ni Jose.

Masalimuot na kalagayan ito para sa mga mag-aaral, higit yaong mga walang-wala pa sa
wala ang kakayahang makabili ng mga kagamitan man lamang upang makadalo sa mga birtuwal
na pulong kung saan isasagawa ang mga aralin at gawain. Ang sagot ng nakaaangat na madla –
modyular. Madali itong banggitin at ibato sa mga nasa baba subalit mayroong salik ang
nararapat isaalang-alang. Kapaligirang kanilang kinalalagyan na hindi tiyak ang oras ng almusal,
paano pa kaya ang aral? Estado ng kakayahan ng indibidwal na estudyanteng matuto sa harap ng
mga papel na ipinadala ng paaralan at maestro. Hindi tayo pare-pareho at lalong hindi tayo
magkakatulad. Pareho at magkatulad sa gitna ng pagkakaiba.

Ang mga magulang ay mananatiling hati ang kagustuhan kung itutuloy ba ng anak ang
pag-aaral o pipiliin na lamang na bumili ng tinapay para sa gutom na umiiral. Subalit, muli, ay
walang magagawa dahil isiniksik na sila sa supot na pinilit itali sa kabila ng nagpupumiglas
nitong laman. Gayundin para sa mga ikalawang nanay at tatay na madalas ay tinuturong bahid sa
sistemang pilit nilang itutuloy. Ang hindi nila batid, sila rin ay biktima. Maririnig mo sila, “Toy,
naririnig niyo ba ako sa kompyuter?”.

“Ang tanging tugon ay ang magsalsal sa publiko pero…”bulong ni Leo.

Pero, krimen itong maituturing dahil hindi natin sigurado kung kalian matatapos ang unos
na ito. Totoo, ang edukasyon ay isang institusyon na nararapat matamas ng kahit na sino saan
man sa ating arkipelago, subalit palaisipan ito kung hindi natin masagot ang bugtong kung sino
ang ano at bakit ka meron, kanino. Pumaimbabaw man ang ating adhikain na mag-aklas sa taling
nakapulupot sa ating mga kamay, wala tayong magawa – kung hindi ang gawain na lamang ang
takdang aralin bago natin hipanan ang ningas ng kandila at magdilim.

“Sumunod na lang siguro tayo?”ani ko.

You might also like