You are on page 1of 2

PIYESA NG TALUMPATI UKOL SA EDUKASYON

Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging mangmang. Ang
pagkakaroon natin ng sapat na edukasyon ay gabay ng sinuman sa pagkakaroon ng
magandang kinabukasan. Sa uri ng lipunan na ating ginagalawan ngayon, talo at
dehado ang mga taong walang pinag-aralan.

Hindi sapat ang makatungtong lamang sa paaralan at matuto ng simpleng


pagbasa at pagsulat. Ang uri ng edukasyon sa bagong milenya ay ang pagkakaroon ng
natapos na kurso para tayo ay makasabay sa progresibong teknolohiya na ginagamit sa
ating mga modernong pangkabuhayan.

Edukasyon ang natatanging gamot sa kamangmangan. Ang pagkakaroon ng


salat at kulang na kaalaman sa maraming bagay ang siyang nagiging balakid upang
hindi natin makamtan ang ating mga gustong makamit at marating sa buhay.
Sa pakikipagsapalaran sa paghahanap ng trabaho, ang unang tinatanong ay ang antas
ng ating pinag-aralan. Mahirap ang walang natapos na kurso dahil palagi tayong napag-
iiwanan sa anumang larangan. Dahil dito mga mababang uri at pasahod na trabaho ang
karaniwang ibinibigay sa atin.

Dito na tayo nasasadlak at mahirap na ang pag-angat sa mas mataas pa na


posisyon. Wala tayong magagawa dahil ito ang reyalidad at tunay na kalakaran sa mga
taong kulang ang pinag-aralan.

Ang kawalan ng edukasyon ng isang indibidwal ay mistulang isang kapansanan


ng kaniyang pagkatao. Mayroon tayong mga naririnig pero hindi natin lubos na
naiintindihan, mayroon tayong nakikita ngunit hindi natin sadyang maintindihan.

Ganito ang ating kahihinatnan, animo’y mga bulag at bingi sa may malinaw na
mata at taynga. Ito po ay patunay lamang na talagang napakahirap ng maging isang
mangmang sa lipunan. Ikaw nanaisin mo bang mapabilang sa mga ganitong uri ng
mamamayan ng ating lipunan? Sana ang inyong kasagutan ay hindi.

Katulad ng isang buto ng anumang uri ng halaman, ang taong may pinag-aralan
saan man itapon ay kusang mabubuhay. Maging sa mga banyagang lupain man, kaya
nating tumayo at makipagsabayan sa anumang uri ng buhay.

Malayo sa takot at pang-aapi. Kapag ikaw ay may pinag-aralan kaya mong


lumaban ng patas at malayo sa panlalamang ng kapwa mo.

Ang edukasyon ay para sa lahat, ito ang programa ng ating pamahalaan ngayon.
Ang natatangi na lang nating obligasyon ay ang tulungan ang ating mga sarili. Maging
mapursigi sana tayo para lubusan nating mawakasan ang hirap ng kamangmangan,
hindi lamang para sa ating kinabukasan bagkus ay para sa ating inang bayan.

Walang pinipiling edad ang edukasyon. Hanggang mayroon tayong pagkakataon


at oras para makapag-aral ay samantalahin natin ito. Huwag natin itong ipagwalang-
bahala. Masarap ang tumunganga at tumambay sa buhay pero wala ng sasaklap at
hihirap pa sa kalagayan ng taong walang natapos sa buhay.

Tanggalin po natin sa ating mga kaisipan na ang edukasyon ay para sa mga


mayayaman lamang. Sa ating mga ordinaryo at mahihirap na tao mas higit nating
kailangan ang edukasyon sa ating buhay. Hindi lamang ito mag-aahon sa atin
sa kahirapan, bagkus ay ito rin ang natatanging pamana sa atin ng ating mga magulang
na kailanman ay hindi mananakaw ninuman.

Sa pagkakaroon ng sapat na edukasyon sana ay gamitin natin ito sa tamang


pamamaraan. Maging responsable sana tayong mamamayan at huwag lamang
ipagyabang ang natutuhang aral. Maging mabuti tayong ehemplo lalo na sa
mga kabataan. Ibahagi ang inyong mga dunong at huwag itong ipagkait lalo na sa mga
nangangailangan.

“Edukasyon ay mahalaga, susi sa buhay na maginhawa!”

You might also like