at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng matatalinhagang salita at simbolismo. ELEMENTO NG TULA • SAKNONG - Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod. Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod) 2 linya – couplet 3 linya – tercet 4 linya – quatrain 5 linya – quintet 6 linya – sestet 7 linya – septet 8 linya – octave ELEMENTO NG TULA
SUKAT - Ito ang bilang ng pantig ng tula sa
bawat taludtod na karaniwang may sukat na waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig.Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. ELEMENTO NG TULA
TONO O INDAYOG - Tumutukoy sa
paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa ELEMENTO NG TULA
TUGMA - Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga
salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog MGA ANYO NG TULA • MALAYANG TALUDTURAN • TRADISYUNAL • TULANG MAY SUKAT NA WALANG TUGMA • TULANG WALANG SUKAT NA MAY TUGMA MALAYANG TALUDTURAN
Bukas ko isa-isang itatapon
Ang mga multo ng kahapon, Isasapi ko sa mga alon, Ang luha kong bumabalong. TRADISYUNAL Inaabangan ko doon sa Kanluran, Ang huling silahis ng katag-arawan, Iginuguhit ko ang iyong pangalan, Sa pinong buhangin ng dalampasigan TULANG MAY SUKAT NA WALANG TUGMA
Gaya rin ng iba, ang ina kong giliw
Ay inang mayumi’t lubhang maramdamin, Inang hindi yuko sa mga hilahil, TULANG WALANG SUKAT NA MAY TUGMA
Ikaw ay tumataglay at igala ang paningin
Munti mong daigdig sikaping palawakin Sa wari hindi mo madama man din Paghihirap ng kapwa sa paligid natin