You are on page 1of 4

Tagumpay sa Lubak-lubak na Daan

Ang tagumpay ay hindi nakakamit sa isang kisap-mata lamang. Kailngang


tahakin ang lubak-labak na daan tungo sa magandang kinabukasan.

May isang gurong nangangalang Neman a nakadungaw sa bintana at


tanaw niya ang ganda ng bukirin. Dama niya ang lamig ng hangins sa kanya`y
dumadampi. Nang walang ano-ano`y nasulyapan niya ang isang kalabaw na
halatang pagod na pagod mula sa pagtatrabaho. Napaluha siya bigla sapagkat
naalala niya ang hirap na napagdaan niya noong siya ay nag-aaral pa.

“Ang kalabaw na iyon ay gaya ko rin noon”, sambit ni Nema. Masakit


subalait kay sarap balikan ang lahat ng mga `yon.

Labintatlong taon pa lamang noong nang siya ay maulila. Hindi niya alam
kung papaano siya mabubuhay at kung papaano pa niya maipagpapatuloy ang
kanyang pag-aaral. Subalit dahil sa pursigi siya na makamit ang kanyang mga
pangarap, pumasok siya bilang katulong. Sa umaga ay nagtatrabaho siya at sa
gabi naman ay nag-aaral. At upag may maidagdag sa suweldong natatanggap
ay naisipan niyang maglako ng pastillas at yema sa kanilang paaralan.

Hindi madaling gawin ang ganoong bagay sapagkat sa murang edad ay


kailangan na niyang magbanat ng buto upang mabuhay ang sarili. Ang kanyang
naging amo ay hindi maganda ang turing sa kanya. Tira-tirang pakagkain ang
ipinapakain sa kanya at minsan pa`y huli kung ibigay ang kanyang suweldo.

Isang araw bago ang kanyang pagtatapos sa hayskul ay dumalaw siya sa


puntod ng kanyang mga magulang.

“Nay, Tay, bukas ay magtatapos na po ako sa hayskul. Masaya po ako


subalit hindi ko rin po maiwasang malungkot sapagkat wala po kayo. Hindi ko rin
po alam kung makakapag-aral pa po ako sa kolehiyo.
Sa araw ng kanyang pagtatapos hindi niya mapigil ang pagpatak ng
kanyang mga luha. Ang hindi niya alam ay may regalo siyang matatanggap, iyon
ay isang iskolarship sa isang tanyag na unibersidad sa kanilang lugar.

Sa pag-aaral niya sa kolehiyo isang pangako ang binitawan niya sa


kanyang sarili, “magtatapos ako! Magtatapos ako danasin ko man ay bagyo.”

Kumuha siya ng Batsilyer sa Edukasyong Pansekundarya mayoryang


Filipino. Naging S.A (Student Aid) siya at gaya ng kanyang ginawa noong
hayskul, naglako rin siya ng pastillas at yema.

“Kay lupit mo kapalaran!” Ito ang nasabi niya ng isang araw ay ninakaw
ang kanyang kakarampot na kita. “Ang kita kong kakarampot… nawala pa! Di
bale na, magtatapos ako!”

Lumipas ang mga araw at dumating ang araw na pinakahihintay niya. Ang
araw ng pagatatapos niya sa kolehiyo.

“Sa wakas! Nagtapos na ako!”

“Nay,Tay, nagawa ko!”

Sa ngayon, isa na siyang Punong guro sa Kalanawe II National High


School.
Sa Gitna ng Dilim

Sa aking paglalakbay sa mundong makabuluhan, bigla akong dinala ng aking


mga paa sa madilim at di mawaring lugar. Pilit na hinahanap ang liwanag na
magsasabi kung saan ito subalit tanging kalituhan ang dumadampi sa akin.

Sa pagdaan ng oras, unti-unting sumilip ang isang mata na nais makita ang
hiwaga ng mundo. Dahan-dahan kong linapitan. Ako ay nagulantang nang
makita ko kung kanino ang mga matang iyon. Si Inang.

Siya`y lumuha,tumulo ang tunaw na kristal ng kakayahan , at ang lusaw na ginto


ng sariling tiwala. Bakit pilit hinahadlangan? Bakit hindi hayaang kumawala?
Mga tanong na mabubuo sa gitna ng dilim, sa ilaw na mapanglaw.

Si Inang, biglang nagkuwento. Naiirita siya sa hagulgol ng mga batang may


hawak na kadena, sa sigaw ng mga kubang pasan ay bigat na di mabawasan.Sa
daing ng mga bulag na may benda ang mga kamay. Ako`y nalulungkot, anak.
Nangangamba na sa aking pagpanaw ang lahat ay tuluyang maanod sa dagat
ng pagkahibang, at malunod sa karagatan ng kasakiman.

Mula sa kuwento ni Inang, sumagi sa aking isipan ang kuwento ng lapis na


gustong muling iguhit ang naburang guhit.Nagulumihanan ako. Bakit nga ba pilit
ipinagdadamot ang liwanag na nais makita ng mga nakakulong sa bartolina?
May mga malalaking batong iniharang sa maliit na butas na pinapsukan ng
liwanag.

Ako`y nanlumo sa huwad na kapayapaan na pilit ipinupukol ng mga prinsipe at


prinsesang suot ay koronang baliktad. Makabuluhan ang mundo, ito ang alam ko
subalit sa likod nito ay ang kaguluhan na dala ng mga alimangong may
malalaking ipit, ng mga buwayang nais lumamon ng isang katauhan, isang
buwitreng bumubuga ng kidlat, at mga ahas na nanunuklaw ng kaluluwa.

Niyakap ako ni Inang at ang sabi “ Baguhin mo ang mundo anak. Ikaw ay isang
ulirat na may angking talino at mapagmahal na puso. Alam kong ramdam mo
ang silakbo ng puso ng madla. Huwag mong hayaang matangay ka sa likong
daan. Ikaw ang pangarap. Hindi ikaw ang kahapon kundi ikaw ay ang ngayon at
bukas.”

Tama nga si Inang. Ginising niya ako mula sa panimdim.Pinakawalan niya ako
mula sa lupain ng mga higanteng mapang-api.Binigyang sagot ang dalawang
bugtong ng buhay. Ibinalik niya ang kakayahan at tiwalang nawala sa akin. Muli
kong natagpuan ang aking sarili sa yakap ni Inang.
Republika ng Pilipinas
Estadong Unibersidad ng Sultan Kudarat
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGTUTURO
ACCESS, EJC Montilla, Lungsod ng Tacurong

MAIKLING
KUWENTO

Inihanda ni : Aubrey Mae R. Rombaoa BSED


2- BIO. SCI

You might also like