You are on page 1of 1

Gatilyo

Araw ng pagtatapos, maaga akong bumangon. Marahil dahil sa labis kong pananabik sa araw na
ito. Matapos ang mahabang paghihintay heto na ako at aaksyat sa entablado. Matagal ko nanag pangarap
na duamating ang pambihirang pagkakataong ito. Dahil sa labis na galak ay hindi na rin siguro ako
nakatulog kagabi kaya’t naunahan ko pang manggising ang manok ng kapitnahay.

Tinungo ko ang banyo upang maligo. Habang nagsesepilyo ay nahagip ko ang imahe ko sa
salamin. Abot langit ang mga ngiti sa labi. Dali-dali akong nagbihis. Hindi man ganoon kagara ang aking
damit ay putting piti naman ito dahil halatang ibinabad naman ito sa kolor. Sunod kong nahagip ang toga.
Huminga ng malalim saka isinara ang pinto ng aking bahay na lamang nagkaroon ng liwanag sa loob ng
mahabang panahon.

Habang binabagtas ko ang daan patungo sa paaralan, samu’t saring alaala ang bumalik sa aking
balintataw- ang unang araw ng pasukan, ang paghihintay tuwing labasan at ang masarap at nangangamoy
na baong bibingka.

Nagsimulang magbuhul-buhol ang mga sasakyan hanggang sa maipit ang aking sinasakyang dyip
sa gitna ng mahabang trapik. Gusto ko na sanang tumalon at mag-ala “Superman”para makarating agad
sa paaralan subalit hindi naman maaari dahil baka lalo akong hindi umabot sa pagsisimula ng seremonya.

Gaya ng inaasahan ko, halos nasa kalagitnaan na nga nang dumating ako. Umupo ako sa
pinakamalapit na bangko sa entablado. Kasalukuyang nagsasalita ang panauhing pangdangal – si Engr.
Joaquin Robledario.

“ Maraming balakid sa daan, pero lumaban ka para sa pangarap”.

Maikli ang nagging pahayag ng inhinyero subalit malaman naman ang bawat titik. Sapat na upang
lalo pang mag-alab ang aking nararamadaman sa dibdib.

Tama, tama lahat ng pangyayaring ito sa ngayon. Tama siya sa pagsasabing maraming balakid at
mga hadalang sa pagtatamo ng kaligayahan. Pero higit sa pinaniniwalaan ko at nakatatak s aaking puso ay
ang laban ng aking panagrap. Para sa pamilya, na sa buong buhay ko ay pinag-aalayan ko ng bawat
pagpupunyagi, ng bawat kasiyahan, at ng bawat pagpatak ng pawis.

Inihanda ko na ang aking sarili para sa Valedictory Speech. Pinahid ko ang nangingilid kong luha
at nag-ensayo ng pagngiti.

You might also like