You are on page 1of 1

LARU-LARUAN

Alam mo palagi kong naiisip


Ang bumalik sa pagkabata
Simula nung araw na makilala kita
Pinangarap ko na sana na ikaw na lang ang aking kababata
Kasi kakaiba ang aking nadarama
Sa tuwing kasama kita
Sa tuwing kausap kita
Sa tuwing lalabas tayong dalawa
Sa tuwing kakain tayo kina Aling Nena
Ng mga tuhog-tuhog at mga sitsirya
Ang saya lang kasi
Dahil ikaw ang nagbigay ng depinisyon ng pagiging simple
Tinuruan mo akong sumaya
Sa mga bagay na hindi ko pa nadarama.
Minsan, bigla ko na lamang itong nadama
Na kung anong kilig sa aking tyan o kabag ba?
Na waring gusto kong itago sayo aking sinta
Tila tagu-taguan ng feelings
Na waring doughnut na may chocolate fiilings
Sa loob, nakatago
Pinipigilan kong ilabas
Kasi baka kung anong salita ang maibulalas
At kapag nahulog mula sa pagkakakapit
Ay hindi mo ako saluhin
At tuluyang bumagsak na lamang sa buhangin
Minsan, nangarap tayo na magkaroon ng isang bahay
At doon natin pagsasaluhan ang pagmamahal na pang habang buhay
Sisiguruhing magiging maayos ang pamumuhay
Magiging matiwasay
Na sana bahay-bahayan na lamang
Sana nga naging bat ana lang tayo
Kasi nung nagtapat ako ng damdamin ko sayo
Biglang nag-iba ang ihip ng hangin
Pinakitaan moa ko ng mga motibong akala ko ay sa akin
Para sa akin,
Mga di matatawarang mga yakap at lambing
Halos sarili ko ay ibigay ko na rin
Sana bata na lang tayo
Na ang pangarap ay biglang maglalaho
Akala ko, sabay tayong nakikipagsapalaran
Yun pala, sa’ting dalawa
Ako lang ang paborito mong laruan

You might also like