You are on page 1of 5

Global Warming sa Pilipinas – (Sulating Pormal)

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan.


Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng
mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu
tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito
upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat
ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang
magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating
bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang
sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari
na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang
pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at
ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga
eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil
fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating
atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang
init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na
mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang
makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang
panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito
o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang
makapasok sa ating atmosphere.
Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng
pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong
pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng
global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga
dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin
ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng
unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod
ng mga fossil fuels.Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring
makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng
ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin
maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang
na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa
ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang
masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang
ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na
kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong
patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran.
Disyembre 13,2019 ay ayaw na nang aming bakasyon wala nang pasok
at tapos na rin kaming gumunita sa aming Christmas Party sa paaralan.
Kinaumagahan maaga akong nagising at pansin kong masaya ako na
parang umabot hanggang tenga ang aking ngiti. Kinabukasan pumunta
kami sa pamilihan upang mamili ng pagkain sa darating na pasko.
Habang kami ay namimili, pansin ko ang isang kulay pula na hugis bilog
na naroon sa tabi ng daan. Nasabi ko sa aking sarili na "parang kailan
lang, pasko na talaga at hindi na mapipigilan pa kahit sina superman pa
magbabagong taon na rin".Disyembre 24,2019, buong araw naghahanda
kami kasama ng aking kaibigan at pamilya sa paggunita na pasko, at
pagsapit ng gabi nag pahinga na kami ng aking mga kaibigan kasi bago
mag alas nuwebe ng gabi kailangan nandoon na kami sa simbahan upang
magsimba at pumuri sa Diyos. Pagsapit ng malalim na gabi mga alas
dose na ng hatinggabi, umuwi na kami at doon sinalubong kami ng mga
paputok sa daan; sari-saring paputok, at pagkadating namin sa bahay
nagbihis na kaagad kami at kumain.Pagkalipas ng ilang araw naghanda
at nagsalo-salo rin kami sa pagdaraos ng bagong taon at sa hindi ko
inaasahang pangyayari hinagisan ako ng paputok ng aking pinsan takot
na takot ako kasi hindi biro ang maputukan at masaktan ng tuluyan.
Matapos ang mga pangyayari, natulog na ako kasi panay antok at pagod
na ang aking nararamdaman kaya para akong mantika kung matulog
sabay hilik pa. Kinaumagahan matapos akong magising, lumabas ako at
sinalubong ang mainit na sikat ng araw na tila ikapuputok ng aking ulo.
"Kamalasan"Disyembre 05,2019, sa aking nakasanayan maaga akong
nagising para tumulong sa gawaing bahay bago pumasok sa eskwela.
Nang matapos na ako sa aking gawain agad akong nag handa ng mga
gamit ko pati na rin ang agahan ko para hindi kumalam at magwala ang
aking sikmura. Pagkatapos kong kumain agad naman akong pumunta sa
banyo upang maligo ngunit ubos na pala ang tubig kaya pumunta ako sa
bahay ng tiyuhin ko upang makiligo. Hindi ko namalayan na mabilis
pala ang paglipas ng oras na parang kidlat sa langit.
Pagkatapos kong magbihis agad ko namang kinuha ang bag ko saka
pinaandar ang motorsiklo at kumaripas ang takbo na tila sumasayaw ang
mga halaman kapag ako'y dumaan. Paglipas ng ilang minuto. huminto
ito sa hindi ko malamng dahilan. agad kong napagtanto, wala na palang
gasolin ang sinasakyan kong motorsiklo. Nasabi ko sa sarili ko, ito na
naman ako nag-iisa pero okay lang dahil sanay naman ako. Walang
ibang makakatulong sa akin kung magmumukmok lamang ako. Mag-isa
kong tinulak ang motorsiklo papunta sa gasolinahan upang itp'y
painumin at ako'y hindi na maiwan. Pinaandar ko agad at dinalian upan
sa ganon umabot pa ako sa paaralan habang maaga pa. Malas nga naman
dahil pagdating ko ay nakalimutan ko ang aking I.D na sobrang
importante. Nagmakaawa ako kay Manong Guard na ako'y papasukin at
laking pasalamat ko nang pinagbigyan naman ako. Hindi ko lang lubos
maisip kung bakit, bakit sobrang malas ng araw ko ngayon.
"Bilog"Miyerkules, araw na ngayon ng pasukan ngunit para akong
mantika na natutulog, puyat na puyat ako dahil nanood pa ako nang
teleserye kagabi kahit malalim na ang gabi. Pagkagising ko sa umaga
tumulong agad ako sa gawaing bahay at saka naghanda sa hapagkainan
pero hindi ako kumain dahil puro ppinrito sa mantika ang ulam at
nakaka wala ng gana. Para akong matandang labis na nagtataka, kung
bakit lahat ng aking nakikita ay puro hugis bilog. Pagkatapos kong
maligo nagbhis na kaagad ako at sumakay sa sasakyan patungo sa
paaralan. Pagkarating ko sa harap ng simbahan, sinalubong ako ng
malakas na hangin na parang may galit sa akin. Pagkapasok ko sa aming
silid, Christmas Tree agad yung nakita ko na may iba't-ibang desinyo,
kulay pero kalimitan ay hugis bilog.Oras na para sa klase pumasok na
ako at at pumasok na rin ang aming guro. Binigyan kami ng madugong
pagsusulit. Hindi ako nagsunog ng kilay kagabi kaya wala akong
kaalam-alam sa binigay na pagsusulit. Hind na ako magtataka kong
maliit ang markang makuha ko dahil hindi ako nag-aral kagabi.
Dumating na ang resulta ng aming pagsusulit. Labis akong nabahala sa
nakita kong malaking bilog sa ibabaw ng aking papel. Ngayon,
naunawan ko na ang mga nakita kong bilog ay sumisimbolo sa aking
marka.

You might also like