Professional Documents
Culture Documents
-Sa ating buhay, normal lang na may pagsubok tayong mararanasan ngunit sa
paglipas ng panahon ay tila kakaibang pagsubok ang ating naranasan. Hindi lang
ako ang naghihirap o nagdurusa kundi buong mundo ang apektado ng pandemic
na ito. Naalala ko ang huling araw ng pasukan bago ang lockdown ng Marso.
Noong araw na iyon ay nagtanghal kami ng isang kanta para sa isang palabas sa
aming paaralan. Ang kantang ito ay malungkot kaya medyo may pagkakahawig
sa mga pinagdadaanan natin ngayon sa panahon ng pandemya. Naisip ko rin na
magkikita kami ng mga kaklase at guro namin sa susunod na linggo pero iyon na
pala ang huli naming pagkikita. Napakalungkot isipin na mapupunta tayo sa
ganitong sitwasyon.