You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 6 IKALIMANG LINGGO


Kwarter 2

AKO AT ANG AKING PAMILYA

Balikan Natin

Basahin at suriin ang talata sa loob ng kahon. Salungguhitan ang mga pang-uri
na ginamit dito
Sa aking murang gulang, namulat ako sa kahalagahan ng pamilya. Ang mga
magulang ang naging gabay at sandalan ko sa aking paglaki at pagkakaroon ng sariling
pagpapasiya. Marami silang payo at magagandang aral na ibinibigay sa araw-araw na
pakikisalamuha ko sa maraming tao. Hindi pera o yaman ang batayan o sukatan ng
pagiging mabuting tao, ang isa sa magagandang aral na ikinintal nila sa aking isipan.

Unawain Natin

Hello! Isa na namang aralin ang inihanda ko para sa iyo. Sana ay pagbutihan mo
nang lubos kang matututo.
Basahin nang may pang-unawa ang kuwento sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos
basahin.

Ano-ano ang mga paalala na sinasabi sa inyo palagi ng inyong magulang? Bakit
nila ito ginagawa?

Paalala . . . Isang Pagmamahal


Anak,
Mahina ang katawan mo, mag-ingat ka.
Tandaan mo mahal na mahal kita.
- Nanay

“Saan ka na naman pupunta? Gabi na at mahamog sa labas, baka malamigan


ka,” babala ni Aling Susie sa kaniyang anak na si Carlo.
Hindi pinansin ang ina at walang lingong-likod na pumasok ng silid ang isang labing-
dalawang taong gulang na lalaki. Hapis ang mukha, humpak na humpak ang mga pisngi.
maputla at mistulang buto’t balat ang patpating katawan. Bakit nga ba siya nagkaganito?
Muling nagbalik-gunita sa ina ang dating si Carlo. Matipuno ang katawan, namimilog ang
mga pisngi at punong-puno ng buhay. Takbo rito, takbo roon mula sa pagbabasketbol,
tuloy-tuloy sa banyo.

1
“Carlo, magpahinga ka muna bago maligo at baka mapasukan ng lamig ang katawan
mo, ang babala ng kanyang ina.
“Si Nanay naman, malakas ako. Tingnan mo ang dibdib ko,” sabay pakita ng kanyang
dibdib.
Halos araw-araw ay lagi siyang pinaaalalahanan ng kanyang ina na ingatan ang sarili
at huwag makipagkarera sa mabibilis na mga sasakyan. Sinasabihan siya nito sa tuwing
nagbibisikleta siya sa highway, umaakyat-akyat ng matataas na puno, sumisirko-sirko sa
daan at nang minsang sinubukan kalikutin ang sirang kawad ng kuryente.
“Carlo, baka madisgrasya ka sa ginagawa mo,” ang sigaw ng ina habang patakbong
inaawat ang anak sa ginagawa nito.
“Si Nanay talaga. Malaki na ako at kaya ko nang alagaan ang aking sarili,” tugon ni Carlo.
Isang araw, sa di inaaasahang pagkakataon, kapansin-pansin ang kakaibang kilos ni
Carlo. Sadyang hindi siya tulad ng dati na masigla at aktibo.
“May dinaramdam ka ba, Carlo?” ang tanong ng ina sabay hipo sa noo nito. “May lagnat
ka! Magpahinga ka muna at ipagpaliban mo ang pagpasok sa eskwela.”
“Walang anuman ito, Nanay. Sinat lang ito. Tutuloy na ako,” sabay labas ni Carlo.
“Magdala ka ng payong at mukhang uulan pa ata,” ang pahabol ng ina.
Hindi niya pinansin ang sinabi ng ina at tuloy-tuloy nga sa pagpasok. Kahit masama at
mabigat ang katawan, sinikap pa rin niyang pumasok. Maraming kaklase niya ang nakaupo
na sa kani-kanilang upuan at nag-aaral ng kanilang mga aralin. Binati rin niya ang kanyang
guro. Nakita rin niya ang matalik niyang kaibigan na nagbubuklat ng aklat. Magkasing-edad
lamang silang dalawa kaya naman magkasundong-magkasundo sila. Napansin niya na
matamlay at mainit si Carlo. Pinayuhan niya akong umuwi na at magpaalam sa kanilang
guro. Hindi niya ito pinansin at sinikap pa rin tapusin ang klase.
Nang pauwi na siya ay biglang umulan. Naalala niya tuloy ang bilin ng ina na magdala
siya ng payong ngunit wala na siyang magawa. Patakbo siyang sumugod sa ulan sa
kagustuhang makauwi agad.
Basang-basang dumating ng bahay at nanginginig sa tindi ng ginaw si Carlo. Ang labi
niya ay mistulang binabad sa suka at hindi maintindihan ang sinasabi dahil sa pangangatog
ng buong katawan. Inaapoy na siya ng lagnat. Agad-agad, isinugod siya sa ospital.
Pulmonya ang naging sakit niya. Naratay siya sa banig ng karamdaman nang ilang
linggo. Patuloy ang panggagamot sa kanya.
Hindi na naibalik ang dati niyang pangangatawan. Lagi siyang nakahiga. Sa kanyang
pag-iisa, lagi niyang naaalala ang tagubilin ng kanyang minamahal na ina. “Inay, patawad
po. Hindi ako nakinig sa mga paalala mo,” ang nasabi na lamang ni Carlo.
Sagutan ang mga tanong ukol sa kuwento.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Ano-ano ang mga paalala ng nanay kay Carlo?
3. Anong katangian ang nakikita ninyong ugali ng ina sa akdang binasa?
4. Ano ang masasabi ninyo sa pag-uugali ni Carlo tuwing siya ay pinaalalahanan ng nanay
niya?
5. Bakit nagkasakit ng pulmonya si Carlo?

2
6. Saan at kailan inabot ng ulan si Carlo?
7. Ano kaya ang naramdaman ng ina nang makita niya si Carlo na basa ng ulan at mataas
ang lagnat?
8. Ano ang naging wakas ng kuwento?
9. Anong aral ang napulot ninyo sa kuwento?

Basahin ang mga pangungusap at bigyang-pansin ang mga may salungguhit na


salita.
➢ Hapis ang kanyang mukha, humpak na humpak ang pisngi. maputla at mistulang
buto’t balat ang kanyang patpating katawan.
➢ Dati siyang may matipunong katawan, namimilog ang mga pisngi at punong-puno
ng buhay.
➢ “Si Inay naman, malakas ako.”
➢ Hindi na siya masigla at aktibo.
➢ Kahit masama at mabigat ang katawan ay umuwi pa rin siya.
➢ “Huwag kang makikipagkarera sa mabibilis na mga sasakyan.”

Pag-aralan ang talahanayan ng kayarian ng mga pang-uri.

Payak Maylapi Inuulit Tambalan


hapis maputla punong-puno buto’t balat
humpak malakas humpak na humpak
patpatin masigla mabibilis
aktibo masama matataas
matipuno mabigat namimilog
matalik matamlay

Ang unang hanay ay binubuo ng salitang-ugat lamang kaya tinatawag itong payak. Sa
ikalawang hanay, ang salitang-ugat ay dinagdagan ng panlaping ma kaya tinatawag itong
maylapi. Sa ikatlong hanay, inuulit ang salitang-ugat o kaya ay bahagi ng salitang ugat,
inuulit ang tawag dito. Dalawang magkaibang salita ang bumubuo sa ikaapat na hanay at
nagkakaroon ng bagong kahulugan ang salita kapag ito ay pinagsasama. Ito ay tinatawag
na tambalan.

Pag-aralan muli ang mga pangungusap.


➢ Aktibo at masiglang bata si Carlo.
➢ Magkasing-edad kami ng aking matalik na kaibigan.
➢ Tuwing papasok ako sa paaralan, nakakasabay ko ang mabibilis na mga
sasakyan sa
highway.
➢ Pinaalalahan ako ng nanay na huwag aakyat sa matataas na puno.

Ilan ang pinag-uusapan sa unang pangungusap? Sino ang tinutukoy na magka-


edad? Ilan ang inilalarawan sa pang-uring mabibilis at matataas?

Ang aktibo at masigla ay nasa isahang kailanan ng pang-uri samantalang ang


magkasing-edad ay nasa dalawahan at nasa maramihan naman ang mabibilis at
matataas.

3
Ilapat Natin
A. Bilugan ang mga pang-uri sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung payak,
maylapi, inuulit o tambalan ang mga ito.
_________1 May malaking paskil na nakasulat dito.
_________2. Nais nilang mapanatili ang kaayusan ng paaralan.
_________3. Tahimik ang mga mag-aaral sa pagpasok sa silid-aralan.
_________4. Balat-kalabaw ang tawag nila sa ganitong uri ng mag-aaral
_________5. May mga batang-batang mag-aaral ang hindi maiwasan mag-ingay.
B. Salunguhitan ang pang-uri sa bawat pangungusap. Pagkatapos, isulat sa patlang kung
ito ay isahan, dalawahan o maramihan.
_________ 1. Kami ng aking kaibigan ay kapuwa matalino sa klase.
_________ 2. Malalaking gusali ang nakikita niya tuwing pumapasok.
_________ 3. Masama ang pakiramdam ni Carlo nang pumasok siya sa paaralan.
_________ 4. Magkasindami ang iskor na nakuha namin sa paglalaro ng basketbol.
_________ 5. Sinalubong namin ang malakas na ulan habang pauwi galing sa paaralan.
C. Isulat ang damdamin ng mga tauhan sa loob ng mga kahon. Pumili ng mga direktang
sinabi nila mula sa kuwento upang mapatunayan ang mga ito.

Anong katangian ang ipinakita ng mga tauhan batay sa kanilang naging sagot sa mga
pangyayari?

Tauhan Pahayag Katangian

1.“Gabi na at mahamog sa labas, 1. maalahanin


baka malamigan ka” 2.
INA 2. 3.
3.

1. 1.
2. 2.
CARLO 3. 3.

D.Gamitin ang dayagram upang punan ng mahahalagang pangyayari sa kuwentong


binasa.
Paalala… Isang Pagmamahal

4
Suriin Natin
Ngayon ay natapos mo ng sagutan ang mga gawain sa itaas. Subukan mo naman
sagutan ang mga sumusunod na mga pagsasanay.

A. Salunguhitan ang pang-uri sa talata. Isulat ang mga ito sa ilalim ng wastong kayarian.

Ang mga puno ay lubhang kailangan ng mga tao. Malamig ang paligid dahil sa mga puno at
halaman. Ito ay nagbibigay sa atin ng matibay na mga kagamitan. Maaari rin maging magandang
dekorasyon ang mga ito. Mula sa mga ito ay nakakukuha tayo ng mabibisang gamot sa ating
malulubhang karamdaman. Pinag-kukunan din ng saganang enerhiya ang mga ito. Importanteng-
importante ang mga ito sa buhay natin. Sana ay huwag tayong pusong-bato sa paggamit sa mga
ito. Maging matalino at matipid tayo sa pagkonsumo ng mga ito.

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

B. Gamitin ang pang-uri na nasa kaliwang bahagi ng pangungusap. Isulat ang tamang
salita ayon sa kailanan ng pang-uri.

(kamukha) 1. Ang kambal na anak ni ate Rose ay _______________.


(taas) 2. Ang mga turista ay umakyat sa ______________ na bundok.
(lusog) 3. _________________ang mga alagang hayop ni Mang Berto.
(lamig) 4. Hindi sanay sa ______________ na klima ang aking kapatid.
(tangkad) 5. Ang dalawang manlalaro ng basketbol ay _________________.

C. Basahin ang pabula at sagutin ang mga tanong ukol dito.

Ang Kambing at ang Lobo

Isang kambing ang nasa dulo ng bangin at kasalukuyang kumakain ng damo roon.
Namataan siya ng lobo at nais sana siyang kainin, ngunit hindi nito magawang sunggaban
siya sa takot na baka pareho silang bumagsak sa matarik na bangin.
“Ano’t nagtitiyaga ka sa maliit na damong kinakain mo riyan?” ang sabi ng lobo.”Bakit
hindi ka rito sa baba kumain ng damo kung saan mas marami at mas luntian ang kulay?”
panghihikayat nito.
Pero sa halip na matukso, ang kambing ay nanatili sa kaniyang kinatatayuan at
sinabing, “Aanhin ko ang luntiang damuhan kung ito nama’y nakatanim sa lupang
kinatatayuan ng isang matakaw na lobong tulad mo na walang ibang hangad kundi ako ay
lamunin?”

1. Ano ang ginagawa ng kambing sa dulo ng bangin? ___________________________


2. Sino ang nakakita sa kanya? ____________________________________
3. Ano ang nais gawin sa kanya ng lobo nang makita siya nito? ____________________
4. Ano ang ginawa ng lobo upang siya ay bumaba sa bangin? ____________________
5. Bakit hindi natukso ang kambing na lumipat ng lugar? ______________________

5
6. Batay sa sinabi ng lobo kay kambing, paano mo siya ilalarawan?
____________________________________________________
7. Anong katangian meron si kambing batay sa kanyang pananalita?
____________________________________________________
8. Ano kaya ang naramdaman ni lobo sa sinabi ni kambing? Ipaliwanag.
___________________________________________________
9. Paano ninyo ilalarawan ang lugar kung saan nandoon si kambing at si lobo?
____________________________________________________

D. Bilugan ang titik ng katangian ng tauhan batay sa damdaming ipinahahayag.


1. “Anak, huwag mong kalilimutang inumin ang iyong gamot. Lagi kang kakain sa tamang
oras.”
A. matiisin B. maunawain C. maalalahanin D. masunurin
2. “Gutom na gutom ka? Bata, heto ang baon kong tinapay. Kainin mo.”
A. mapagkumbaba B. mapagmalasakit C. maramot D. mapakialam
3. “Paano ko kayo mapapasalamatan? Napakalaki ng kasalanan ko sa iyo. Mapatawad
sana ninyo ako.”
A. matampuhin B. maunawain C. mapagkumbaba D. masunurin
4. “Ang ganda ng tanawin dito! Maganda rin iyong tanawin sa banda roon. Maganda ang
lahat ng nakikita sa lungsod naming ito.”
A. mareklamo B. matapang C. pagmamalaki D. maunawain
5. “Ate, tatabi ako sa iyo. Parang may naglalakad sa kuwarto ko. Hindi ko kayang
matulog nang mag-isa roon.”
A. matatakutin B. masiglahin C. mapagmahal D. magiliw

Alamin Natin

✓ Pang- uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Ito
ay nagsasabi ng uri, katangian, sukat, anyo, hugis, bilang at dami ng salitang
inilalarawan
Halimbawa: Mapayapa at maayos ang bansa kung walang inggitan.
✓ May apat na uri ang pang- uri ayon sa kayarian:
1. Payak- payak ang pang-uri kapag binubuo lamang ito ng salitang- ugat
Halimbawa: Ang bisikleta ay bago.
2. Maylapi- Maylapi ang pang-uri kung binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa: Mahirap lamang sila. (ma + hirap) ma ay panlapi at hirap
salitang-ugat
3. Inuulit – Inuulit ang pang–uri kung ang salitang-ugat o salitang maylapi ay may pag-
uulit.
Halimbawa: Magandang- maganda ang iyong buhay.

4. Tambalan - Tambalan ang pang-uri kapag ito ay binubuo ng dalawang salitang


pinag-isa.
Halimbawa: Buong-sigla ang aking buhay.

✓ May tatlong kailanan ang pang-uri, isahan, dalawahan, at maramihan.


1. Nasa anyong isahan ang pang-uri kung iisa ang inilalarawan. Gumagamit dito ng
panlaping pang-isahan tulad ng ma, ka, at pang nang walang pag-uulit sa unang pantig ng
salitang-ugat.
Halimbawa: Kasama ko siya.

6
2. Ang anyong dalawahan ay naipapakita sa paggamit ng mga panlaping magka o
magkasing, sa paggamit ng pamilang na dalawa o salitang kapuwa.
Halimbawa: Magkasama kaming dalawa sa ospital.
3. Ang anyong maramihan ay naipakikita gamit ang pantukoy na mga, sa pag- uulit
ng unang pantig ng salitang- ugat o sa pag- uulit ng pantig na, ka sa mga panlaping
magka- at magkasing-; o sa paggamit ng salitang nagsasaad ng bilang na higit sa
dalawa.
Halimbawa: Magkakasama tayong lahat sa panawagan.

✓ Ang pag-unawa sa paksa ng teksto na iyong binabasa maging ang pagkuha ng


pangunahing kaisipan ay mahalaga. Matutulungan ka rin nitong maipaliwanag ang paksa
ng iyong binabasang teksto sa pamamagitan ng pamagat, pangunahing kaisipan at mga
pansuportang detalye. Makikilala mo rin ang mga pangungusap na nagpapahayag ng
damdamin, kaisipan / mensahe.

✓ Kung susuriin mo ang ekspresyon ng mukha ng mga tauhan ay tiyak kong masasabi
mo rin ang kanilang nararamdaman. Upang matulungan tayo na higit na maunawaan
ng ating kapwa, mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos ang ating
nararamdaman. Gayundin sa pagpapahayag ng emosyon o damdamin, gumagamit
tayo ng mga salitang naglalarawan ng ating mga nadarama. Halimbawa: takot, galit,
saya, lungkot, awa, kaba, panghihinayang atbp.

✓ Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o


panahon kung kalian o saan naganap ang kuwento, maaring ilarawan ang tagpuan
sa pamamagitan ng pagkilos ng tauhan sa kapaligiran. Halimbawa: hitsura ng
kapaligiran, tunog na maririnig sa paligid, amoy na namamayani, pakiramdam sa lugar
o lasa ng mga pagkain

Tayain Natin

A. Punan ang patlang ng pang-uring may anyong tumutugon sa hinihingi sa loob ng


panaklong para mabuo ang diwa ng pangungusap.

(tambalan) 1. Nagkaroon ng aksidente. Maagap na itinakbo sa ospital ang


_____________na biktima sa pag-asang maililigtas pa ito.
(inuulit) 2. _______________ ang suot na gown ng dalaga kaya lalong tumingkad
ang kanyang kagandahan.
(payak) 3. _______________ gulay ang tinda ni Aling Nenita kaya berdeng-berde
ang mga iyon.
(maylapi) 4. Si G. Bernardo ay isang ______________ na ama sa kanyang mag-anak
kaya nanatiling masaya at kontento ang bawat isa.
(inuulit) 5. ____________________ ang bata dahil hindi siya pumasa sa pagsusulit
na ibinigay ng guro.
B. Hanapin ang mali sa pangungusap. Iwasto ito at isulat muli ang pangungusap sa
patlang.
1. Kapuwa matatamis ang patatas at kamote.
_____________________________________________
2. Mataas ang mga puno.
_____________________________________________
3. Magsinghalaga ang mga gulay-lilim.
_____________________________________________
4. Mahalaga ang maraming gulay.
_____________________________________________

7
5. Maayos ang mga pagkain sa mesa.
__________________________________________
C. Basahin at unawain ang kuwento. Sagutan ang mga tanong ukol dito.
Ang Matapat na Mangangahoy
Mangangahoy si Pedro. Minsan, nalaglag ang kaniyang palakol sa lawa. Hindi siya
marunong lumangoy kaya nalungkot siya at napaiyak na lamang.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ada mula sa lawa? Sinabi ni Pedro sa ada ang
pangyayari. “Ito ba ang palakol mo?” ang tanong muli ng ada.“Ang palakol ko po ay gawa
sa kahoy, hindi sa pilak,” sagot ni Pedro.
Pinakitaan siya ng gintong palakol at muling tinanggihan ito ni Pedro. Ipinakita ng ada
ang gawa sa kahoy na palakol. Tinanggap ito ni Pedro.“Matapat ka. Ibibigay ko sa iyo ang
pilak at gintong palakol.” Pagkasabi nito ay naglaho ang ada.
1. Ano ang naging problema ni Pedro sa simula ng kuwento?
2. Sino ang nakipag-usap sa kanya?
3. Saan gawa ang palakol na pagmamay-ari ni Pedro?
4. Saan gawa ang mga palakol na unang ipinakita sa kanya ng ada?
5. Ano ang ginawa ni Pedro sa mga ito?
6. Ano ang gantimpalang ibinigay ng ada kay Pedro? Bakit?
7. Ano kaya ang naramdaman ni Pedro pagkatapos ibigay sa kanya ang ginto at pilak na
palakol?
8. Anong katangian mayroon ang ada?
9. Ilarawan ang tagpuan ng kuwento. Bakit hindi kayang languyin ni Pedro ang kanyang
palakol?

Likhain Natin
Panuto: Gumupit ng isang larawan na nagpapakita ng mga magandang kaugaliang dapat
taglayin ng isang mag-aaral na tulad ninyo. Sa ilalim ng larawan, sumulat ng isang talata
na may limang pangungusap na nagpapaliwanag ng kahalagan nito sa inyong buhay bilang
isang anak at mag-aaral gamit ang mga kayarian at kailanan ng pang-uri.

larawan

Kaugalian
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Rubrik sa Paggawa ng Talata na Naglalarawan
Naipaliwanag na mabuti ang ginupit na larawan 2 puntos
Angkop na angkop ang mga salitang ginamit sa paglalarawan 1 puntos
Ginamit ang mga kayarian at kailanan ng pang-uri 1 puntos
Napakaayos ng pagkakasulat ng mga pangungusap/talata 1 puntos
Kabuoan 5 puntos

You might also like