You are on page 1of 4

SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD NG

PARAŇAQUE
Araling Panlipunan 6
Ikatlong Markahan
Ikalawang Linggo

Pangulong Ramon Magsaysay at Pangulong Carlos P.


Garcia at mga hamong kinaharap ng mga Pilipino

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga
Pilipino mula 1946 hanggang 1972.

LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito inaasahan sa mga mag-aaral na masusuri ang mga
suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino sa panahon ng panunugkulan ni
Pangulong Ramon Magsaysay at Pangulong Carlos P. Garcia

MAIKLING PANIMULA

Bagamat buong husay na ginampanan ng pamahalaan ang kanilang tungkulin upang mailagay
sa maayos ang buhay ng mga Pilipno ay nagpatuloy pa rin ang mga suliraning kanilang
kinaharap sa panahon ng Ikatlong Republika. Sa modyul na ito ay malalaman natin ang mga
suliraning kinaharap ng mga Pilipino sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Ramon
Magsaysay at Carlos P. Garcia.

BALIKAN NATIN (Naaalala mo pa kaya?)

Panuto : Lagyan ng kung ang mga pahayag ay nakatulong sa pagsugpo ng mga


suliranin sa bansa noong panahon nila Pangulong Manuel A. Roxas at
Pangulong Elpidio R. Quirino, at kung HINDI. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

________ 1. Paglaban ng pamahalaan sa komunismo.


________ 2. Malawakang pagtugis sa mga miyembro ng HukBaLaHap.
________ 3. Paglinang ng mga Amerikano sa likas na yaman ng bansa.

UNAWAIN NATIN (Handa ka na ba?)

Mga Hamon at Suliraning Kinaharap ng mga Pilipino sa Panahon ng Panunungkulan


ni Pangulong Ramon Magsaysay

Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Ramon


Magsaysay ay naging suliranin ng mga magsasaka ang hindi
makatarungang hatian sa lupa, malaking dagok pa din ang
kawalan ng hanapbuhay at bagsak na ekonomiya dulot pa rin

1
ng nangyaring digmaan. Naging suliranin din ang kakulangan ng pinansyal na tulong sa maliliit
na sektor katulad ng mga magsasaka. Ang pagkahati ng mga Pilipino dahil sa isyu ng
Kolaborasyon ay naging malaking dagok din, ibig sabihin may iilang mga Pilipino noon ang
panig sa hapon at ito marahil ay dahil sa personal na interes o upang maproteksyonan ang
kanilang mga kabuhayan sa bansa. Nagpatuloy din ang armadong pakikibaka ng mga
HukBaLaHap na nagdulot ng matinding takot sa mga Pilipino, kaya naman pinagtuonan ito ng
pansin ng pamahalaan at napasuko ang supremo nito na si Luis Taruc sa loob ng apat na buwan
na pakikipag negosasyon.

Mga Hamon at Suliraning Kinaharap ng mga Pilipino sa Panahon ng Panunungkulan


ni Pangulong Carlos P. Garcia

Dahil naging bukas ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan,


maraming mga dayuhang mangangalakal ang namuhunan at
nagmay-ari ng negosyo sa Pilipinas, na nagdulot ng kawalan
ng oportunidad sa mga Pilipinong mamumuhunan sa bansa.
Malaking hamon din ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin at
katiwalian sa pamahalaan kung saan sinasabing mas lalong
yumaman ang mga taong malalapit sa pamahalaan at
mas lalong nag hirap ang mga karaniwang Pilipino.
Lumaganap din ang komunismo sa bansa, at maraming
Pilipino ang sumapi dito, dahilan upang ipasa ng pamahalaan ang Republic Act 1700 na
nagbabawal sa pagsapi at pagsuporta sa komunismo.

ILAPAT NATIN (Ano ang natutunan mo?)

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay katotohanan at MALI kung HINDI. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

_______ 1. Ang mga mahihirap ay madaling yumayaman noong panahon ni


Pangulong Carlos P. Garcia.
_______ 2. Laganap pa rin ang katiwalian sa pamahalaan sa panahon ng
panunungkulan ni Pangulong Carlos P. Garcia.
_______ 3. Ang Republic Act 1700 ay nagbabawal sa pagsapi at pagsuporta sa
komunismo.

SURIIN NATIN (Masasagutan mo na kaya ito?)

Panuto: Iugnay ang mga suliranin na nasa HANAY A sa larawan na nasa HANAY B. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

_____ 1. Walang trabaho. A.

______2. Mataas na presyo ng bilihin


B.

2
______ 3. Laganap na kahirapan. C.

D.

TAYAIN NATIN (Dito ka masusubok!)

Panuto : Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Anong batas ang nakatulong upang masugpo ang suliranin ng komunismo sa


bansa?
A. Republic Act. 1700
B. Republic Act 1701
C. Republic Act 1705
D. Republic Act. 1708

2. Anong sektor ang higit na apektado dulot ng hindi pantay na hatian sa lupa?
A. Minero
B. Magtotroso
C. Magsasaka
D. Nagpapastol

3. Bakit kailangang suportahan ng pamahalaan ang suliranin ng mga maliliit na


sektor katulad ng mga magsasaka?
I. Upang yumaman ang mga may-ari ng lupa.
II. Kung walang magsasaka ay wala din tayong kakainin.
III. Malaki ang kontribusyon nila sa pagpapataaas ng kita ng bansa.
IV. Makapag benta tayo ng mas maraming produkto sa ibang bansa.

A. I, II at III B. III, IV at I C. I, III at IV D. II, III at IV

4. Bakit dapat pagtuonan ng pansin ng pamahalaan ang isyu ng kolaborasyon sa


bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang pandaigdig ?
I. Mawawala ang pagkakaisa sa mga Pilipino.
II. Magiging mitsa ng hindi pagkaka intindihan
III. Mawawala ang suporta ng mga Hapon sa Pilipinas.
IV. Maaaring makapag hikayat pa ito ng mga magtataksil sa bansa.

A. I, II at III B. II, I at IV C. I, III at IV D. III, IV at I

3
5. Bakit kailangang unahin ng pamahalaan ang mga mamumuhunang Pilipino kaysa
sa mga dayuhan?
I. Upang maipakilala natin ang ating mga produkto.
II. Upang mabawasan ang pagsandal ng Pilipinas sa ibang bansa.
III. Dahil kailangan natin ng tulong ng mga dayuhan upang makaahon tayo.
IV. Dahil pagkakataon na ito ng mga Pilipino upang paunlarin ang kanilang
kabuhayan.

A. I, II at IV B. III, II at I C. II, III at IV D. I, III at IV

LIKHAIN NATIN

Panuto: Gumawa ng Islogan tungkol sa katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng mga suliraning
kinaharap natin ngayong panahon ng pandemya.

Makagagawa ng isang Islogan tungkol sa katatagan ng mga Pilipino sa gitna


Layunin ng mga suliraning kinakaharap natin ngayong panahon ng pandemya.

Gampanin Manunulat
Mga manunuod Mag-aaral at mga magulang.
Maipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin tungkol sa
katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng mga suliraning kinakaharap natin
Sitwasyon ngayong panahon ng pandemya.
Nakagagawa ng Islogan tungkol sa katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng
Produkto mga suliraning kinakaharap natin ngayong panahon ng pandemya.
Gagamitin ang rubrik sa ibaba upang maging gabay sa pagbibigay ng puntos
Pamantayan sa Islogan na ginawa ng mag-aaral.

Sundin ang mga sumusunod na pamamaraan sa paggawa ng isang Islogan.

1. Ang tema ng Islogan ay tungkol sa katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng mga


suliraning kinaharap natin ngayong panahon ng pandemya.
2. Kulayan at lagyan ng disenyo ang Islogan na akma sa tema.
3. Ang gagamitin na papel sa paggawa ng Islogan ay isang malinis na bond paper.
4. Maging maingat sa gagawing Islogan at iwasan ang pagbura.
5. Kunan ng larawan ang ginawang Islogan at ipadala sa messenger ng guro.
6. I-post sa class messenger ang Islogan
7. Para sa mga hindi makakapag padala sa messenger maaari ninyo itong ilakip sa modyul
na isasauli sa paaralan.

You might also like