You are on page 1of 3

PAGBABALIK ARAL SA ARALING PANLIPUNAN V

Pangalan:_______________________________________Baitang at Seksyon: _____________ Iskor: ________


I. Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat bilang at sagutin ang mga ito ng mahusay.
Bilugan ang titik ng tamang sagot o ibigay ang hinihinging kasagutan.

1. Noong panahon ng pananakop ng Espanyol, ano ang naging sentro ng bawat pueblo?
a. palengke b. simbahan c. paaralan
2. Alin dito ang tumutukoy sa sistemang reduccion?
a. Ito ay sentro ng munisipalidad.
b. Ito ay ang sapilitang paglilipat ng mga Pilipino mula sa malalayong pamayanan upang pagsama
samahin sa mga pueblo.
c. Ito ay ang tahanang yari sa kahoy at pawid ay nagkakaroon ng magagandang bahay na iba – iba ang
yari.
3. Ano ang dahilan ng pagtatalaga ng gobernador-heneral sa bansang Pilipinas?
a. Itinalaga ang gobernador-heneral upang mapangasiwaan ang pamahalaang sentral ng Pilipinas.
b. Dahil sa kalayuan ng Pilipinas sa Mexico kung saan nakasentro ang Viceroyalty of New Spain.
c. Lahat ng nabanggit
4. Ang ________ ay tumutukoy sa mga teritoryo o kolonyang pinangangasiwaan ng isang viceroy o
hinirang na kinatawan ng hari ng Spain sa mga sakop nitong mga bansa sa mundo.
a. cumplase b. viceroyalty c. encomendero
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali dalawang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas sa panahon
ng Espanyol?
a. ehekutibo b. hudisyal c. lehislatibo
6. Kaninong gobernador-heneral ng Pilipinas ipinagkaloob ang titulo dahil sa matagumpay na
pananakop sa bansa?
a. Fernando Magallanes b. Miguel Lopez de Legazpi c. Diego delos Rios
7. Tawag sa pangkat ng mga inapo ng mga datu at maharlika na pinagkalooba ng mga karapatang
panlipunan at pampulitika.
a. principalia b. indio c. insulares
8. Anong pangkat ng katutubong Filipino na naninirahan sa mga kabundukan ng Cordillera?
a. Muslim b. Tagalog c. Igorot
9. Tawag sa kinatawan ng hari at pinakamataas na opisyal ng pamahalaan sa Pilipinas bilang kolonya.
a. Conquistador b. Gobernador-heneral c. Alcalde mayor
10. Anong pangkat ng katutubong Filipino na naninirahan sa mga kabundukan ng Cordillera?
b. Muslim b. Tagalog c. Igorot
11. Isang pamahalaang military na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang matiyak na magiging
mapayapa ang isang teritoryo at susunod sa mga patakarang Espanyol ang mga nakatira dito.
a. Kolonya b. Residencia c. Commandancia
12. Anong tawag sa kalakalang panlabas sa pagitan ng Pilipinas at Mexico na iniluluwas ang mga
produkto sakay ng isang barko?
a. Kalakalang Galyon b. Kalakalang barter c. Real Compania de Filipinas
13. Bakit armadong paraan ng pagsakop ang ginamit ng mga Espanyol upang kalabanin ang mga Igorot
at Muslim?
a. Armadong pamamaraan din ang ginamit ng mga Igorot at Muslim sa mga Espanyol.
b. Hindi nais ng mga Espanyol na mapayapang paraan ang pakikipaglaban sa mga Espanyol.
c. Ang armadong paraan ang pinakaepektibo sa isasagawang pananakop ng Espanyol.
14. Alin sa mga pahayag ang may katotohanan tungkol sa kalagayang pampolitika ng mga Filipino sa
panahong kolonyal?
a. Tumaas ang posisyon ng mga katutubo sa panahong kolonyal.
b. Hindi binigyan ng pagkakataon ang maraming katutubo na mangasiwa sa kani-kanilang pamayanan.
c. Inalis ng mga Espanyol ang barangay bilang pinakamababang yunit ng pamahalaang lokal.
15. Bakit mas katanggap-tanggap sa mga Muslim ang mga sultanato sa Mindanao kaysa kolonya ng
mga Espanyol?
a. Higit na nakasanayan ng mga Muslim ang sultanato kaysa kolonya.
b. Hindi pananakop at walang pwersahan sa pagsunod ang mga Muslim sa kapangyarihan ng sultan.
c. Papalitan ng kakaibang relihiyon ang sultanato sa ilalim ng kolonya.
16. Ano ang kaugnayan ng falla sa polo y servicio?
a. Ang falla ang ibinabayad sa pamahalaan upang makalibre sa paglilingkod ang isang polista sa sapilitang
paggawa.
b. Inabuso ng mga opisyal ng pamahalaan ang pagsasagawa ng polo y servicio.
c. Hindi malinaw ang kaugnayan ng falla sa polo y servicio bilang isang patakarang pang-ekonomiko.
17. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa pananamit ng mga Filipino sa panahong kolonyal?
a. Nagsusuot ng kangan at bahag ang kalalakihan.
b. Nagsusuot ng baro’t saya na naging kimono ang kababaihan.
c. Magkatulad ang disenyo ng kasuotan ng mga katutubo noon at sa panahong kolonyal.
18. Bakit maraming magsasakang Filipino ang naaapektuhan sa itinatag na monopoly ng tabako ng mga
Espanyol?
a. Sapilitan silang pinagtanim ng halamang tabako at marami ang hindi nabayaran.
b. Pinalitan ang mga magsasaka ng ibang taong magtatanim ng halaman ng tabako.
c. Itinatag ang monopoly ng tabako upang paunlarin ang mga magsasakang Filipino.
19. Anong pagbabagong naganap sa sistema ng transportasyon at komunikasyon noong panahon ng
Espanyol?
a. Nanatili ang mga kariton na may kalabaw.
b. Itinatag ang mga bangko sa Maynila.
c. Pinasimulan ang sasakyang tinawag na tranvia.
20. Alin sa mga pagbabagong kultural noong panahong ng Espanyol ang nananatili pa rin sa
kasalukuyang panahon?
a. Pagluluto ng menudo, afritada at mechado ang mga Filipino.
b. Karaniwang nagsusuot ng kimona ang kababaihan.
c. Lahat ng nabanggit.
21. Alin sa mga sumusunod na mga kapangyarihan ng gobernador-heneral ang hindi taglay ng pangulo
ng Pilipinas sa kasalukuyan?
a. Siya ang pinakamataas na pinuno ng bansa.
b. Siya ang nagpapatupad ng batas.
c. Siya ang pangulo ng katas-taasang hukuman ng Pilipinas.
22. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang pagkakaiba ng katayuan ng kababaihan noon at sa
panahong kolonyal?
a. Mataas ang pagtingin ng kababaihan noon at sa panahon ng Espanyol.
b. Mas mababa ang pagtingin ng kababaihan sa panahon ng Espanyol.
c. Walang pagkakaiba ang kalagayan ng kababaihan noon at sa panahong kolonya.
23. Ang mga pahayag ay tumutukoy sa pagbabagong kultural ng mga Filipino sa panahong kolonyal
maliban sa __________________.
a. Ginawang matibay ang mga estruktura tulad ng simbahan, gusaling pampamahalaan, at mga tirahan.
b. Binigyan ng prayoridad ang kalalakihan sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
c. Itinuro sa lahat ng katutubo ang wikang Spanish.
24. Ano ang patunay na nagbago ang kalagayang pampulitika ng mga sinaunang Filipino sa panahong
kolonyal?
a. Pinangasiwaan ang mga Filipino sa ilalim ng pamahalaang sentral at lokal.
b. Ang datu at gobernador-heneral ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.
c. Ang mga katutubong Filipino ang humawak sa pinakamatataas na posisyon sa pamahalaan.
25. Nakabuti ba ang kalakalang galyon sa kalagayang pangkabuhayan ng mga Filipino?
a. Hindi, dahil ang mga Espanyol lamang at hindi Filipino ang tuwirang nakilahok sa kalakalan.
b. Oo, dahil maraming produkto mula Mexico at Spain ang dumating sa Pilipinas.
c. Hindi, dahil marami ang dumanas ng hirap sa paglalayag ng mga galyon.
26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapabuti ng katayuan ng kababaihan?
a. Limitado ang ibigay na kasanayan sa kababaihan.
b. Pinangalagaan ang karapatan ng kababaihan.
c. Tumanggap ng posisyon maliban sa pinakamataas na pinuno.
27. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa larangan ng politika ng mga Filipino?
a. Ang gobernador-heneral ang pinakamakapangyarihang pinuno na nasa kolonya.
b. Hindi gaanong naaapektuhan ng kolonyalismo ang mga Filipino sa panahon ng pananakop.
c. Higit na naaapektuhan ang mga Espanyol dahil sa pagtutol ng mga Filipinong mamahala sila.
28. Ito ay tumutukoy sa patakaran ng sapilitang paggawa. Sa ilalim ng patakarang ito ay puwersahang
inilalahok ang mga Filipino sa iba’t-ibang mabibigat na trabaho tulad ng pagtatayo ng mga
imprastraktura, pagtotroso, atbp.
a. bandala b. tributo c. polo y servicio
29. Ito ay isa sa mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas na sistema ng
pagbubuwis. Ito ay nasa anyong salapi na katumbas na halaga nito sa produkto tulad ng palay,
bulak, atbp.
a. bandala b. tributo c. polo y servicio
30. Ang ___________ ay tumutukoy sa tuwirang pakikipagkalakalan sa Spain, China at India.
a. Kalakalang Galyon b. Kalakalang barter c. Real Compania de Filipina
31. Tumutukoy ito sa sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka.
a. bandala b. tributo c. polo y servicio

II. Pagtapat-tapatin. Hanapin ang kahulugan ng mga aytem sa kaliwang hanay mula sa mga
pagipilian sa hanay na nasa kanan. Isulat ang titik ng iyong sagot.

Hanay A Hanay B
a. Inilimbag ito noong 1583 at ang unang aklat sa Pilipinas na naglalaman ng dasal na nasusulat sa Spanish
at may kasamang pagsasalin nito sa wikang Tagalog-na para lamang sa mga prayleng Espanyol.
b. Uri ng tirahan na Malaki at matibay at ipinakilala ng mga Espanyol na kalimitang may una at ikalawang
32. Doctrina Christiana palapag.
33. Paaralang Pamparokya c. Unang paaralang itinayo sa Pilipinas at nagtuturo ng mga asignaturang tulad ng Spanish, relihiyon,
34. Bahay na bato pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika, sining at mga kasanayang pangkabuhayan.
35. Panuelo d. Malaking panyo na ipinapatong sa balikat bilang palamuti sa katawan.
e. Patakaran ng sapilitang paglipat ng tirahan ng mga katutubong Filipino sa mga kabayanan
f. Sasakyan ng mga imahen ng santo tuwing may prusisyon.
g. Ang estilong ito ay ang pinagsamang impluwensyang arkitekturang Byzantine, Baroque, Gothic, at Moro at
ito ay buhat sa Antilles, Central America.
36. Estilong Antillean

You might also like