You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS-MALABON CITY
Malabon 2B
NINOY AQUINO ELEMENTARY SCHOOL
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5
IKALAWANG MARKAHAN
SY 2022-2023
Pangalan: __________________________ Petsa:____________________________
Pangkat: ___________________________ Guro: RON BRYAN T SABANATE
I. Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____ 1. Upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamahalaang Espanyol itinatag nito ang tributo na tinutulan ng maraming Pilipino. Ano ang
tributo?
A. Sapilitang paggawa B. Buwis na binabayaran ng mga Pilipino
C. Pagseserbisyo sa pamahalaang Kastila D. Paglilingkod sa simbahan
_____ 2. Dahil sa mga pang-aabuso sa paraan ng paniningil ng buwis o tributo, binago ang pamamaraan nito at ipinakilala bilang resibo sa pagbabayad
ng buwis ang ____________ noong 1885.
A. Tributo B. Cedula Personal C. Reales D. Falla
_____ 3. Ito ang polisiya at karapatang ipinagkaloob sa mga Espanyol na mamahala sa mga pueblo at mangolekta ng buwis dito. Ano ang tawag dito?
A. Polo y Servicio B. Encomienda C. Principalia D. Tributo
_____ 4. Ang Encomienda ay may dalawang uri. Ano ang mga ito?
A. Pribado at Publiko B. Pribado at Royal C. Publiko at Royal D. Wala sa mga nabanggit
_____ 5. Saan ginagamit ang tributo na kinokolekta ng mga encomendero?
A. Ginagamit ito ng mga Espanyol sa pagpapatayo ng kanilang mga tahanan
B. Upang mabantayan ang kilos ng mga Pilipino.
C. Ginagamit ito sa pangangasiwa ng pamahalaan, simbahan, paaralan, kalusugan, at pagpapanatili ng kaligtasan ng bansa
D. Ginagamit ito ng mga Pilipino upang yumaman
_____ 6. Ano ang tawag sa mga conquestador o mga opisyal na espanyol na namamahala sa kalupaan o pueblo na ipinaubaya sa kanila ng Hari?
A. Encomendar B. Encomendador C. Encomendero D. Encomienda
_____ 7. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kulturang dala ng mga Espanyol sa ating bansa. Maliban sa isa, ano ito?
A. Pagsamba sa mga diwata at ninuno B. Pagkakaroon ng pista o selebrasyon
C. Pagpapalit ng katutubong pangalan D. Pagtuturo ng sayaw at paggamit ng instrumentong pangmusika
_____ 8. Sa kabila ng mga paghihirap na naranasan ng mga Polista alin sa mga sumusunod ang naging magandang epekto nito sa ating bansa?
A. Bumaba ang produksyon ng pagkain. C. Nawalay ang mga ama sa kanilang asawa at mga anak.
B. Marami sa pamilya ng Polista ang namatay sa gutom. D. Dumami ang mga imprastraktura na naipatayo tulad ng simbahan, tulay at munisipyo
_____ 9. Ano ang tawag sa kasalukuyan na ibinabayad ng isang indibidwal na nasa hustong gulang mula noong 1570 hanggang 1851?
A. Piso B. Dolyares C. Pound D. Reales
_____ 10. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga naging magandang epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino maliban sa isa, ano ito?
A. Naitatag ang mga Paaralan at Unibersidad. C. Nawalay ang mga ama sa kanilang asawa at mga anak.
B. Mas umigting ang nasyonalismo ng mga Pilipino. D. Lumiit ang bilang ng mga katutubong mamamayan dahil sa dami ng mga namatay.
_____ 11.  Ilang araw sa isang taon nagtatrabaho ang Polista sa Polo Y Servicio?
A. 40 araw B. 30 araw C. 20 araw D. 50 araw
_____ 12. Ano ang programamang ipinapataw sa kalalakihan na may edad na 16 hanggang 60 taong gulang na sapilitang pinagtatrabaho ng walang
bayad sa loob ng 40 araw sa loob ng isang taon?
A. Falla B. Polista C. Polo Y Servicio D. Tributo
_____ 13. Ano ang tawag sa kalalakihang  sapilitang sumasailalim sa patakarang Polo y Servicio?
A. Falla B. Polista C. Sapilitang Paggawa D. Tributo
_____ 14. Sino ang mga hindi nakasama sa Polo y Servicio?
A. Falla B. Polista C. Principalia o mga opisyal D. Tributo
_____ 15. Ang tawag sa bayad na ibinibigay ng mga Pilipino upang hindi sila maging bahagi ng Polo y Servico
A. Falla B. Polista C. Sapilitang Paggawa D. Tributo
_____ 16. Ang mga sumusunod ay ang mga hindi magandang epekto na naidulot ng polo y Servicio sa mga Pilipino maliban sa isa. Ano ito?
A. Marami ang namatay sa giyera sa tuwing sila ay isinasama sa mga digmaan.v
B. Mabigat ang kanilang naging mga trabaho at ipinapadala sila sa malalayong lugar.
C. Naghirap ang mga Pilipino sapagkat ang mga kalalakihan ay iniwan ang kanilang mga sakahan sa panahon ng anihan kung kayat sila ay
nakaranas ng matinding taggutom.
D. Maraming polista ang gumanda ang buhay dahil tinumbasan ng mga Espanyol ng malaking halaga ang kanilang pinagtrabahuhan.
_____ 17. Ang mga sumusunod ay ipinapagawa sa mga polista maliban sa isa. Ito ay ________.
A. Paggawa ng malalaking barko B. Paniningil ng buwis C. Paggawa ng simbahan D. Paggawa ng mga gusali at daan

_____ 18. Bakit nagkaroon ng takot na makipaglaban ang mga katutubong Pilipino sa mga Espanyol?
A. dahil kulang sila sa salapi o reales.
B. dahil masaya sila sa pamamalakad ng mga Espanyol.
C. dahil wala silang sapat at makabagong sandata na magagamit sa pakikidigma.
D. dahil tuluyan nang tinanggap ng lahat ng katutubong Pilipino ang malupit na pamamalakad ng mga Espanyol.
_____ 19. Bilang isang mamayang Pilipino, paano mo bibigyang halaga ang mga nagawang sakripisyo ng mga Polista sa panahon ng kolonyalismo?
A. Balewalain ang kanilang mga nagawa.
B. Bigyan pagpapahalaga ang mga natitirang imprastruktura na nanatiling nakatayo hanggang sa ngayon.
C. Gibain o tuluyan ng palitan ang mga lumang gusali o imprastruktura na nanatiling nakatayo sa ngayon.
D. Pagtawanan o gawing katawa-tawa ang pagiging masunurin at mababang loob ng mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismo.
_____ 20. Ang mga sumusunod ay hindi nagbabayad ng buwis, maliban sa isa. Sino ito.
A. Opisyales na Espanyol B. Cabeza de Barangay C. Mga Prayle o Pari D. Mga katutubong Indio
_____ 21. Uri ng Encomienda na pag-aari ng Hari na binubuo ng mga lungsod, daungan, at mga rehiyong mayaman sa likas na yaman.
A. Pribado B. Royal
_____ 22. Uri ng Encomienda na nakalaan para sa Pamahalaan. A. Pribado B. Royal
_____ 23. Dahil sa sobrang galit ng mga Pilipino nang mapansin nilang labis o sobra ang ginagawang pangongolekta ng buwis ng mga Espanyol. Ano
ang ginawa ng mga Pilipino? A. Pagtakas o Escape B. Pagtanggap o Acceptance
_____ 24. Ito ay buwis na ibinabayad ng mga katutubo bilang buwis sa pagkamamamayan. A. Tributo B. Encomienda
_____ 25. Dahil sa matinding takot ng mga Pilipino sa maaring gawin sa kanila ng mga Espanyol. Ano ang ginawa ng mga Pilipino noon?
A. Paglaban o Resistance B. Pagtanggap o Acceptance

You might also like