You are on page 1of 31

Magandang Araw!

Balik-aral
PANUTO: KILALANIN ANG MGA
NAGING PANGULO SA ATING BANSA NA
NAGKAROON NG MALAKING
RESPONSIBILIDAD SA PAGPAPATAKBO
NG ADMINISTRASYON SA KABILA NG
MGA SIGALOT NA KINAHAHARAP NG
BANSA.
Balik-aral

Sino Ako?
1. Siya ang unang pangulo ng Pamahalaang
Komonwelt.
LANMLUE ZNEUQO

MANUEL QUEZON
2. Kilala siya bilang pinuno ng
Puppet Government.
OSJEPLAULER
JOSE P. LAUREL
3. Siya ay kilala bilang kauna-unahang
pangulo ng ating bansa.
OILMEIUIGAODLAN
EMILIO AGUINALDO
4. Ipinagpatuloy niya ang Pamahalaang Koimonwelt
matapos ang pananakop ng mga Hapon.
MOSEÑAERGSOI

SERGIO OSMEÑA
5. Siya ang pangulo ng Ikatlong Republika ng
Pilipinas.
LENMAUASXOR
MANUEL ROXAS
6. Nagtatag ng agricultural credit and
cooperative financing administration.
PELDIOI UNQNORI

ELPIDIO QUIRINO
Ang larawang ito ay kuha mula sa naganap na Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ano sa palagay mo ang mga naging suliranin ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang
digmaang pandaigdig?
Ang Mga Pangunahing
Suliranin at Hamong
Kinaharap ng mga Pilipino
Mula 1946 Hanggang 1972
LAYUNIN
Sa araling ito ang mga bata ay inaasahang
a) Naiisa-isa ang mga pangunahing suliranin at hamon sa
kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
b) Natatalakay ang naging pagtugon sa mga suliraning
pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at ang naging pagtugon
dito
c) Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
d) Napahahalagahan ang mga pagsisikap ng mga Pilipino para sa
kasarinlan ng matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Ang Mga Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng
mga Pilipino Mula 1946 Hanggang 1972

1.Pagbagsak ng Ekonomiya

2.Kapayapaan at Kaayusan

3.Suliraning Panlipunan

4.Kakapusan ng Pananalapi
1. Pagbagsak ng Ekonomiya
Malaking pinsala ang idinulot ng digmaan
sa bansa. Libo-libong buhay ang nawala
at maraming ari-arian ang nasira, kasama
na rito ang mga hayop na katulong sa
pagsasaka, industriya, pabrika at bahay-
kalakal.
Pagbagsak ng Ekonomiya
• Lumaganap ang kahirapan dahil sa kawalan ng hanapbuhay
ng mga mamamayan.
• Hindi magamit ang mga pasilidad sa transportasyon tulad ng
mga lansangan, tulay, at sasakyang pandagat at
panghimpapawid.
• Nasira rin ang mga patubig at sakahan. Bunga nito, humina
ang produksiyon ng bansa at nagkulang sa pagkain.
• Napabayaan ang pagluluwas ng mga produkto na nagbunga
ng kakapusan sa pananalapi ng pamahalaan.
Pagbagsak ng Ekonomiya
Malaking suliranin ng pamahalaan ang muling
pagpapaunlad ng kabuhayan. Pinatatag nito ang
agrikultura, kalakalan, at industriya bilang unang
hakbang sa pagbangon ng ekonomiya. Inuna ang
pagpapagawa at pagkukumpuni ng mga lansangan at tulay
sa mga proyektong pangimprastraktura. Lumikha rin ng
mga hanapbuhay ang pamahalaan upang magkaroon ng
pagkakakitaan ang mga tao.
2. Kapayapaan at Kaayusan
Dahil sa kakulangan ng mga trabahong maaaring
pasukan at pagkaabalahan, natuon ang pansin ng
nakararami sa mas madaling paraan upang magkapera.
Lumaganap ang nakawan at hold-up sa mga sa mga
lungsod, bayan, at maging sa mga lalawigan. Dahil dito,
nanganib ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan
sa masasamang elemento ng lipunan.
Kapayapaan at Kaayusan
Higit na nagpalubha sa kalagayan ng bansa ang suliranin
sa pagsasaka. Nagpatuloy ang kawalan ng gana ng mga
magsasaka laban sa mayayamang hacendero. Marami sa
mga ito ang naging Huk o kasapi ng Hukbo ng Bayan
Laban sa Hapon o Hukbalahap

Ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon, na karaniwang tinatawag na HUKBALAHAP o Huk ay isang
sandatang kalaban ng mga Hapon noong nasasakop pa nila ang Pilipinas. Si Luis Taruc ng Gitnang Luzon
ang nagtatag ng kilusang ito upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa pagmamalupit ng mga
Hapones
Kapayapaan at Kaayusan
Komunismo-sosyalismo and ideolohiya ng mga Huk.
Layunin nila na pabagsakin ang pamahalaan. Lumaban
sila sa pamahalaan at inakit ang mga hindi nasisiyahang
magsasaka na umanib sa kanila. Maraming magsasaka ang
sumali, lalo na sa Gitnang Luzon, na naging sentro ng
pakikibaka ng samahan.
3. Suliraning Panlipunan
Matinding hirap at pagdurusa ang naging epekto ng nagdaang
digmaan sa Pilipinas.
• Kapos sa pagkain ang mga mamamayan, lalo na sa mga lugar
na sentro ng labanan.
• Nanirahan ang marami sa dikit-dikit at sirasirang mga bahay at
gusali.
• Buy-and-sell ng anumang bagay ang naging pangunahing
hanapbuhay ng mga mamamayan sa panahong ito. Dahil sa
kakulanngan ng paninda at salapi, tumaas ang halaga ng mga
bilihin.
3. Suliraning Panlipunan
Dahil sa kawalan ng katiyakan sa buhay, nalimot ng
marami ang kagandahang asal at pamantayang moral ng
lipunan. Nawalan ng tiwala ang mga tao sa isa’t isa.
Lumaganap ang katiwalian. Ginamit ng mga opisyal ng
pamahalaan ang kanilang kapangyarihan sa
pagpapayaman at nagkaroon ng pandaraya at suhulan sa
pamahalaan.
4. Kakapusan ng Pananalapi
Pagkatapos ng digmaan, dumanas ng krisis sa pananalapi
ang pamahalaan. Kakaunti lamang ang natirang salapi sa
kaban ng bayan. Nahirapang makalikom ng buwis ang
pamahalaan sapagkat walang hanapbuhay ang karamihan sa
mga mamamayan. Natigil din ang pakikipagkalakalan sa
ibang bansa dahil nahinto ang produksiyon ng mga
pangunahing produkto tulad ng palay, asukal, at niyog.
Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung tama, M naming
kung mali ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
T
__________1. Tumaas ang halaga ng mga bilihin dahil sa kakulangan ng paninda at
salapi.
M
__________2. Naging maayos ang ekonomiya, madaming hanapbuhay ang nagbukas sa
mga tao.
T
__________3. Lumaganap ang nakawan dahil sa kakulangan ng pagkakakitaan.
__________4. Buy and sell ang naging pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan
T ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
matapos
__________5. Naging madali sa pamahalaan ang makalikom ng buwis sapagkat
M mamamayan ang may hanapbuhay
maraming
PANGKATANG
GAWAIN
Panuto: Sa mga napag-aralang suliranin at hamon ng
PANGKAT 1: pamahalaan pagkatapos ng ikalawang digmaan, Itala ang
mga naging epekto nito sa mga mamamayan.

Suliranin at Hamon sa Kasarinlan


Pag bagsak ng Ekonomiya
Panuto: Sa mga napag-aralang suliranin at hamon ng
PANGKAT 2: pamahalaan pagkatapos ng ikalawang digmaan, Itala ang
mga naging epekto nito sa mga mamamayan.

Suliranin at Hamon sa Kasarinlan


Kapayapaan at Kaayusan
Panuto: Sa mga napag-aralang suliranin at hamon ng
PANGKAT 3: pamahalaan pagkatapos ng ikalawang digmaan, Itala ang
mga naging epekto nito sa mga mamamayan.

Suliranin at Hamon sa Kasarinlan


Suliraning Panlipunan
Panuto: Sa mga napag-aralang suliranin at hamon ng
PANGKAT 4: pamahalaan pagkatapos ng ikalawang digmaan, Itala ang
mga naging epekto nito sa mga mamamayan.

Suliranin at Hamon sa Kasarinlan


Kakapusan ng Pananalapi
Pagtataya
Panuto: Isulat ang SP kung ang pahayag ay nagpapakita ng suliraning pangkabuhayan at T
kung tugon sa suliranin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
______1. Pagkatapos ng digmaan, dumanas ng krisis sa pananalapi ang pamahalaan.
SP Nagsimula ang Hukbalahap bilang samahang gerilya noong panahonng mga Hapones
______2.
.
T Buy-and-sell ng anumang bagay ang naging pangunahing hanapbuhay ng mga
______3.
mamamayan.
T
______4. Dumanas ng krisis sa pananalapi ang pamahalaan.
______5. Lumikha rin ng mga hanapbuhay ang pamahalaan upang magkaroon ng
SP
pagkakakitaan ang mga tao.
T
Matapos mapagdaanan ang maraming pagsubok na
humamon sa kakayanan upang maging ganap ang
pagkatuto at kabatiran tungkol sa tinalakay na aralin
ngayon ay magagawa mo ng ihayag ng buong
pagmamalaki.

Karagdagang Gawain:

Panuto: Gumawa ng kahawig na graphic organizer sa


iyong sagutang papel at ilahad dito ang iyong natutuhan
at kahalagahan nito.
Maraming Salamat sa inyong pakikinig at
pakikiisa sa ating talakayan.

You might also like