You are on page 1of 3

Pangalan: Alyssa Joy T.

Tercenio Petsa: November 15, 2022

Seksyon: BSBA 1B - FM Paksa: World War II

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG:


PAGSAKRIPISYO NG BUHAY
PARA SA KALAYAAN NG BANSANG PILIPINAS

PANIMULA

Ang World War Two o kilala rin sa tawag na Second World War ay isang pandaigdigang
digmaan na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre 1939 at nagtapos naman noong ika-2 ng
Setyembre 1945. Nasangkot dito ang halos lahat ng bansa sa buong daigdig. Sa digmaang ito ay
ang naglalaban ay ang dalawang alyansang militar. Ang una ay ang “Allied Powers” o ang
“Allies”, ito ay pinangungunahan ng Great Britain, France, United States at ng Soviet Union.
Ang pangalawa naman ay ang “Axis Powers” na tinatawag din na Berlin-Rome-Tokyo Axis
Powers, pinangungunahan ito ng bansang Germany, Italy at Japan.

Ang World War Two ay isang napaka-dugong digmaan na kung saan ay may tinatayang 80
milyon na mga katao ang namatay. Ang digmaang ito rin ay ang pinakamalaking digmaan sa
kasaysayan ng tao.

TALAKAYAN

Binago ng digmaang ito ang buhay ng mga Pilipino sa maraming paraan. Ang mga kaganapan
noong 1946 ay nagdala sa atin ng komunidad na kilala natin ngayon bilang isang Republika ng
Pilipinas. Sa panahong 1946, ang Pilipinas ay naging isang malayang bansa, ang mga Pilipino sa
Estados Unidos ay naging naturalisadong mamamayan pagkatapos ng maraming dekada ng
pakikibaka, na nagbigay-daan sa kanila na bumoto at magkaroon ng lupa. Ang mga Pilipinong
beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pinagkaitan ng mga benepisyo, at ang huling
grupo ng libu-libong manggagawang tinatawag na Sakada ang na-recruit para magtrabaho sa
mga plantasyon ng asukal sa Hawai'i.
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay posibleng pinakamahalaga at maimpluwensyang
kaganapan ng ika-dalawampung siglo. Malaki ang naging impluwensya nito sa buhay ng mga
tao. Ang mga pinsalang naidulot nito ay halos hindi masusukat: ang kabuuang pagkamatay ng
militar at sibilyan ay tinatayang nasa 70 hanggang 85 milyon, mga 3% ng pandaigdigang
populasyon sa panahong iyon. Ang pamana ng pagtatapos ng WWII ay laging naroon, ito ay
isang pamana ng kamatayan at pagkawasak ngunit pag-asa, sakripisyo, determinasyon, at
pagbabago para sa mga Pilipinong nagtamo ng Kalayaan. Ang serbisyo at sakripisyo ng mahigit
260,000 sundalong Pilipino at Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang
ipaglaban ang kalayaan ng ating bayan ay kailanman hindi malilimutan.

KONKLUSYON
Malaking pinsala ang naidulot ng digmaang World War 2 sa ating bansa tulad ng kapinsalaan sa
mga pinagkukunang yaman at hanapbuhay, pagkasira ng mga ari-arian at negosyo na nagdulot
ng pagbabago sa produksyon ng agrikultura at industriya ng pilipinas. Ang pananalapi din ng
pamahalaan ay dumausdos at naging kritikal ang kondisyon. Bumagal ang pagkakaroon ng mga
bagong trabaho at ang pagpapalakas ng pambansang ekonomiya. Malaking parte ng kasaysayan
ang Ikalawang Digmaang ito, dahil sa mga pangyayaring di inaasahan nagdulot ito ng takot at
hinagpis sa mga mamamayang Pilipino. Ngunit tunay ngang ang mga Pilipino ay mananatiling
mga Pilipino, mga Pilipinong may tatag at tapang na kayang paglabanan at harapin ang anumang
mga pagsubok. Sa kabila ng paghihirap at hinagpis, sila ay nanatiling matatag, bumangon para sa
hinaharap at ipinakita ang pagasa para sa kasalukuyan. Dahil sa kanilang pagod at dugong
naisakripisyo para sa kalayaan at kaunlaran ng bansang Pilipinas, narito tayo ngayon sinasamsam
ang pagiging malaya at demokratiko ng ating bayan. Kaya namn bilang isang kabataan ng
panahong ito, napakahalagang bagay na malaman at isa-puso’t isip natin ang mga kaganapan sa
isa sa mga pinakamalaking digmaan sa kasaysayan, hindi upang takutin kundi upang ipaalam sa
mga kabataan sa mga susunod na henerasyon kung gaano nagsakripisyo at lumaban ang mga
Pilipino para sa kalayaan na tinatamasa natin ngayon. Upang mabuksan ang kanilang mga isipan
na hindi masamang ipaglaban ang nararapat.
References

1. http://fanhs-national.org/filam/about-fanhs/the-significance-of-1946-for-filipinao-
americans/#:~:text=In%201946%2C%20the%20Philippines%20became,of%20laborers
%20called%20sakadas%20were
2. https://youtu.be/1AH5POjCwEI
3. :text=In%201946%2C%20the%20Philippines%20became,of%20laborers%20called%20
sakadas%20were
4. https://www.nationalww2museum.org/war/articles/liberation-of-philippines-cecilia-
gaerlan
5. http://countrystudies.us/philippines/21.htm
6. https://tl.wikipedia.org/wiki/Ikalawang_Digmaang_Pandaigdig
7. https://www.nbcnews.com/news/asian-america/congressional-gold-medal-filipino-world-
war-ii-vets-honor-75-n814436

You might also like