You are on page 1of 3

Pangalan: Baitang at Seksyon:

Subject: Arpan 6 Guro: Iskor:

Aralin : Ikatlong Markahan, Unang Linggo, LAS 1


Pamagat ng Gawain : Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Mga Suliranin Pagkatapos ng Digmaan

Ang naganap na Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng labis na pinsala at


paghihirap sa mga Pilipino. Sumibol ang iba’t-ibang suliranin sa lipunan at kabuhayan.
Marahil ang pinakamasidhing epekto ng digmaan ay ang pagkamatay ng maraming sibilyan
at militar. Ang kababaihang nagiging comfort women ay halos di makabangon sa bangungot
ng paglapastangan sa kanilang dignidad. Ang moralidad ng ilang Pilipino ay nabawasan, at
pinatigas ng pagmamalupit ng mga Hapones ang kanilang mga puso.

Lubha ring napinsala ang mga kabahayan at mga imprastraktura gaya ng mga ospital,
paaralan, at simbahan bunga ng mga pagpapasabog. Dahil dito, ang mga Pilipinong maysakit
ay di agarang nagamot. Ang kabataan ay natigil sa pag-aaral. Ang mahahalagang dokumento
at gawang-sining ng bansa ay nasira rin. Bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa mga
suliraning ito. Malaking pagkalugi ang sinapit ng mga lokal na industriya gaya ng asukal,
bigas, at pangkabuhayan dahil sa libreng pagkuha ng mga Hapones noong digmaan. Bunga
ng mga nasirang plantasyon at pabrika ay naapektuhan ang pagluluwas ng kalakal. Marami
ang walang mapasukang trabaho dahil sa mga nagsarang negosyo. Lalong bumaba ang
produksyon ng pagkain kaya’t lumala ang kagutuman. Ang pagbubuwis ay hindi na
naipatupad dahil sa labis na kahirapan ng mga mamamayan.
PAG-ISIPAN MO!

Mula sa binasang teksto ukol sa aralin nais kong itala mo ng naging suliranin at
hamon sa kasarinlan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Mga Suliranin at Hamon sa Kasarinlan Pagkatapos ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Lipunan Kabuhayan

1. 1.
2. 2.

3. 3.

4. 4.
5. 5.

ALAM MO BA ITO?

Basahin sa hanay A ang mga naging suliraning panlipunan at pangkabuhayang


suliranin at hamon kasarinlan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Hanapin sa
teksto ang mga naging bunga nito sa ating bansa. Isulat ito sa hanay B.

A. Mga Suliranin at Hamon B. Naging Bunga o Epekto sa Bansa


Pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig

1. Lubha ring napinsala ang mga


kabahayan at mga imprastraktura
gaya ng mga ospital.
2. Lubha ring napinsala ang mga
kabahayan at mga imprastraktura
gaya ng mga paaralan.

3. plantasyon at pabrika

4. may mga nagsarang negosyo

5. bumaba ang produksyon ng


pagkain

KAYANIN MO!
Isulat ang TAMA sa patlang kung ito ay nagsasaad ng suliranin at hamon sa
kasarinlan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig at MALI naman kung hindi.
1. Tumaas ang presyo ng bilihin.

2. .Malaking pagkalugi ang sinapit ng mga lokal na industriya


3. Marami ang nag-aklas sa pamahalaan.

4. Ang pagbubuwis ay hindi na naipatupad


5. Lumala ang kagutuman.

MAGMASID KA!
Isulat sa loob ng kahon ang mga naging suliranin ng bansa sa kasalukuyang
kinakaharap na pandemyang COVID 19.
GALINGAN MO!
Kulayan ang mga lobo na may tamang titik ng mga naging hamon at suliranin sa
kasarinlan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Hanapin ito sa loob ng kahon.

You might also like