You are on page 1of 1

Pangalan: _______________________________ Baitang at Seksyon: ____________

Subject: __Arpan 6___ Guro: _______________________ Iskor: ________________

Aralin : Ikatlong Markahan, Unang Linggo, LAS 1


Pamagat ng Gawain : Mga Suliranin at Hamon Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Layunin : Nasusuri ang pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan
pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Sangunian : MELC, Tuklas Lahi 6
Manunulat : Francis Jude M. Cezar

Ang naganap na Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng labis na pinsala


at paghihirap sa mga Pilipino. Sumibol ang iba’t-ibang suliranin sa lipunan at kabuhayan.
Marahil ang pinakamasidhing epekto ng digmaan ay ang pagkamatay ng maraming
sibilyan at militar. Ang kababaihang nagiging comfort women ay halos di makabangon
sa bangungot ng paglapastangan sa kanilang dignidad. Ang moralidad ng ilang Pilipino
ay nabawasan, at pinatigas ng pagmamalupit ng mga Hapones ang kanilang mga puso.

Lubha ring napinsala ang mga kabahayan at mga imprastraktura gaya ng mga
ospital, paaralan, at simbahan bunga ng mga pagpapasabog. Dahil dito, ang mga
Pilipinong maysakit ay di agarang nagamot. Ang kabataan ay natigil sa pag-aaral. Ang
mahahalagang dokumento at gawang-sining ng bansa ay nasira rin. Dahil sa mga
suliraning ito ay bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Malaking pagkalugi ang sinapit
ng mga lokal na industriya gaya ng asukal, bigas, at pangkabuhayan dahil sa libreng
pagkuha ng mga Hapones noong digmaan. Bunga ng mga nasirang plantasyon at
pabrika ay naapektuhan ang pagluluwas ng kalakal. Marami ang walang mapasukang
trabaho dahil sa mga nagsarang negosyo. Lalong bumaba ang produksyon ng pagkain
kaya’t lumala ang kagutuman. Ang pagbubuwis ay hindi na naipatupad dahil sa labis na
kahirapan ng mga mamamayan.

PANUTO: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang ipinapahayag na pangungusap ay


Tama, at MALI kung hindi.
_______ 1. Ang sira-sirang mga tulay at mga transportasyon ay nakatutulong sa pag-
unlad ng bansa.
_______ 2. Bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas matapos ang digmaan.
_______ 3. Ang pagbubuwis ay hindi na naipatupad dahil sa labis na kahirapan.
_______ 4. Isang epekto ng nagdaang digmaan sa Pilipinas ang matinding hirap.
_______ 5. Ang pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas ay hindi naging
sagabal sa pag-unlad ng ating bansa.
This space is
for the QR
Code

You might also like