You are on page 1of 4

Sumatibong Pagsusulit 1 sa FILIPINO 6

Kwarter 3

Pangalan: ________________________________ Baitang at Seksyon: ___________Iskor: _______

I-Panuto: Basahin ang tekstong pang-impormasyon at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

UTOS NA FACE-TO-FACE CLASSES SA 2021 BINAWI NI DUTERTE


— Mula sa ulat ni Dennis Gasgonia, ABS-CBN News

MAYNILA - Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na magkaroon ng face-to-


face classes pagdating ng taong 2021.
Plano sana itong gawin sa mga paaralan sa lugar na may mababang banta ng pagkalat ng
coronavirus. 
"I will not allow face-to-face classes of children until we are through with this... The nature
of the germ we are confronting,” ani Duterte sa isang meeting. 
Naghahanda na sana para sa dry run ang Department of Education. 
Pero giit ni Duterte, may pangambang posibleng kaharapin ang mga kabataan na papapa-
sukin sa mga paaralan sa susunod na taon. 
"I am cancelling the order I gave few days ago, few weeks ago to Sec. Briones of the
Education Department to suspend everything, all activities of children especially face-to-face
classes," ani Duterte. 
Iniutos ito ni Duterte matapos matuklasan ang bagong strain ng coronavirus disease sa
United Kingdom, na pinaniniwalaang mas nakakahawa. 
Matatandaang sa bahay nag-aaral ngayon ang mga kabataan, sa pamamagitan ng modular
o kaya online learning para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus. 

Sagutin ang mga tanong batay sa binasang balita. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Ayon sa balita, anong kautusang para sa 2021 ang binawi ni Pangulong Duterte?
____________________________________________________________________________
2. Saang mga lugar dapat ipatutupad ang pagkakaroon ng face-to-face classes?
____________________________________________________________________________
3. Bakit iniutos ni Pangulong Duterte na kanselahin ang pagkakaroon ng face-to-face classes sa
mga piling lugar?
____________________________________________________________________________
4. Kung ikaw ang Pangulo, sang-ayon ka ba sa ginawang desisyon ni Pangulong Duterte? Bakit?
____________________________________________________________________________
5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa patuloy na pagpapatupad ng bagong
normal na pag-aaral sa bagong sistema ng edukasyon?
____________________________________________________________________________
II- Panuto: Bilugan ang titik ng angkop na buod o lagom para sa sumusunod na seleksyon.

1. Abalang-abala kami sa paglilinis ng bahay kahapon. Nagwalis si Ate habang si Kuya naman
ang naglampaso ng sahig. Tagapunas naman ako ng bintana at kasangkapan. “Mabuti ang
paglilinis ng paligid para makaiwas sa sakit,” sabi ni Ina sabay abo tang meryenda.

A. Naglinis kami ng bahay kahapon para makaiwas sa sakit.


B. Nagmeryenda kami pagkatapos maglinis.

2. Ikalima pa lamang ng hapon ngunit madalang na ang tao sa lansangan. Maya-maya ay


maririnig ang malakas na tunog ng megaphone ng nag-iikot na taga-barangay. Pinaalalahanan
ang bawat isa ng curfew pagsapit ng ikaanim ng gabi. ECQ na naman kasi ulit.

A. May curfew na naman dahil sa ECQ.


B. Nag-iikot ang mga taga-barangay at nagpapaalala ng nalalapit na curfew sa pagsapit ng
ikaanim ng gabi. ECQ na naman kasi ulit.

III-Panuto: Basahin ang talambuhay ni Marcela M. Agoncillo at sagutin ang Gawain sa


ibaba.
Talambuhay ni Marcela M. Agoncillo

Ipinanganak si Marcela M. Agoncillo o Cela sa Taal, Batangas noong Hunyo 24, 1859. Si Francisco
Marino ang kanyang ama at si Eugenia Coronel naman ang kaniyang ina. Nabibilang sa marangyang pamilya
ang mga Marino. Sa Colegio de Santa Catalina siya nag-aral. Natutuhan niya dito ang mga kursong
pantahanang kinabibilangan ng pagluluto at pananahi.
Ang kahusayan ni Cela sa mga kursong ito ang naging daan upang siya ay maging punong mananahi
ng bandilang ipinagawa sa kaniya ni Emilio Aguinaldo.
Ang kabuuang katauhan ni Cela ay pinangarap na maangkin ng maraming kabinataan. Isa na rito si
Felipe Agoncillo na bukod sa makisig at mayaman ay matalinong abugadong tinitingala sa Taal.
Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng limang anak na babae na pinangalanan nilang Lorenza,
Gregoria, Eugenia, Marcela at Maria. Si Cela ay hangang-hanga sa katapangan ng asawa. Kapag pinupuna ni
Felipe ang mga Kastila sa kawalan nila ng katarungan ay lagi at laging sumusuporta si Marcela. Katulad ng
ibang Pilipina, ang payo ng ama ay dapat na pakinggan at ang anumang desisyon ng asawa ay dapat na
igalang ng kababaihan. Ito ang naging panuntunan ni Cela nang nagdesisyon si Felipeng takasan ang
deportasyon sa Jolo at mamalagi sa HongKong bilang propagandista noong 1895.
Bilang resulta ng pansamantalang kapayapaan, Biak na Bato, noong Disyembre 1897, si Felipe at Cela
ay nagsilbing punong abala sa pagdalaw ni Heneral Aguinaldo kasama ng apatnapung rebolusyonaryong
Pilipino. Si Cela ay itinalaga ni Aguinaldo upang mamuno sa pagtahi ng pambansang bandila. Matapang na
tinanggap ni Cela ang hamon ng punong rebolusyonaryo. Para sa Batanguena, isang malaking karangalan ang
gumawa ng bandilang sagisag ng kalayaan na kumakatawan sa mga lalawigan ng Luzon, Bisayas at Mindanao.
Ang nabanggit na bandila ay limang araw na tinahi sa tahanan ng mga Agoncillo sa 535 Morrison Hill sa
HongKong. Ang pagtahi ay pinamunuan ni Cela katulong ang pinakamatanda niyang anak na si Lorenza
Agoncillo at ng pamangkin ni Dr. Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad.
Ang nabanggit na bandila ni Cela ay bandilang iwinagayway sa tugtog ng Marcha Nacional Filipina nang
iproklama ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.
Ang nasabing bandila ang naging inspirasyon ng mga rebolusyonaryo upang ipagtanggol ang inaapi
nilang bansa.
Sa pamamagitan ng bandilang ginawa ni Cela, napagbuklud-buklod niya ang damdamin at pangarap ng
mga Pilipino upang tumindig at magproklama sa daigdig na malaya na ngang bansa ang Pilipinas.
Maraming pagpapakasakit din ang binalikat ni Marcela Agoncillo. Naririyang isabalikat niya ang trabaho
ng isang ama at ina nang mamatay sa Malate ang kaniyang asawa. Naririyang masunog ang kanilang bahay at
parang basang sisiw na wala nang mapuntahan. Kapag dumarating ang maririing dagok ng kapalaran,
maluwag sa loob na tinatanggap ni Cela ang lahat-lahat. Alam niyang naghihintay lagi ang Taal sa kaniyang
pagbabalik.
Para kay Cela, kung naharap niya sa digmaan ang mga Kastila, Amerikano at Hapon, ano pa nga bang
suliranin ang hindi niya malalampasan?
Namatay si Cela noong Mayo 30, 1946 sa gulang na 86. Ang hiling niyang itabi ang puntod niya sa
libing ng asawa ay natupad.
Kapag nakita ninyong kumakaway-kaway ang bandilang may kulay asul, pula at dilaw sa kaitaasan,
alalahanin ninyo ang isang magiting na Pilipinang namuno sa pagtahi nito. Siya si Cela o Marcela Agoncillo ng
Taal, Batangas.
Source: https://www.pinoyedition.com/talambuhay-ng-mga-bayani/marcela-m-agoncillo/

Panuto: Isulat ang balangkas ng buhay ni Marcela M. Agoncillo. Sundan ang pormat sa
pagbuo ng balangkas at isulat sa ilalim ang datos. Gawing buo ang pangungusap sa
pagsulat ng detalye sa bawat bahagi.

I. Kapanganakan
A. Petsa: _______________________________________________________
B. Lugar: _______________________________________________________
II. Magulang
A. Nanay: _______________________________________________________
B. Tatay:________________________________________________________
III. Pag-aaral
A. Kolehiyo: ______________________________________________________
1. Taon: ______________________________________________________
IV. Asawa
A. Pangalan: ______________________________________________________
B. Hanapbuhay: ___________________________________________________
V. Mga Kabutihang Nagawa sa Bayan
A. _______________________________________________________________
B. _______________________________________________________________
C. _______________________________________________________________
VI. Kamatayan
A. Petsa: _________________________________________________________
B. Edad: _________________________________________________________

MA. LESLIE U. RUBIO


Teacher III

Pangalan: ________________________________ Baitang at Seksyon: ___________Iskor: _______

PERFORMANCE TASK-1
Kwarter-3

I-Panuto: Paikliin o ibigay ang buod ng bawat talata sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa patlang.
(5-puntos)

Halimbawa:
Isang taon na ang lumipas nang magsimula ang pandemyang COVID-19 ngunit patuloy pa rin
tayong nakikipaglaban upang manatiling ligtas at hindi mahawa ng sakit na ito. Araw-araw, pataas
nang pataas ang bilang ng tinatamaan nito.

Sagot: Patuloy pa rin tayong lumalaban sa pandemya pagkalipas ng isang taon .

1. Iba’t ibang baryant na ng Covid-19 ang lumalabas sa iba’t ibang bansa maging sa Pilipinas.
Ayon sa mga elsperto mas mabilis na makahawa ang mga baryant na ito. Walang pinipilng
edad ang sakit na ito. Maaaring “mild” lamang ang epekto sa iba ngunit delikado at
nakamamatay para sa mga matatanda at mga taong may iba pang karamdaman gaya ng
diabetes, asthma, hypertension, sakit sa puso, baga kanser at iba pa.

2. Upang makaiwas ang pagkahawa ng naturang sakit, ugaliin ang palagiang paghugas ng mga
kamay o paglalagay ng alcohol. Ang pagsusuot ng face mask at face shield ay natutulong rin
upang maproteksyon ang sarili sa sakit na ito.

3. Palakasin din ang resistensya ng katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masustansiya gaya


ng prutas at gulay, pag-inom ng bitamina, pagpapaaraw sa umaga, pag-ehersisyo at
pagkakaroon ng sapat na tulog. Higit sa lahat kung hindi naman kailangan lumabas, manatili
na lamang sa loob ng mga tahanan.

____________________________________________________________________________

4. Hindi pa tapos ang laban natin sa hindi nakikitang kaaway ngunit kung magiging mas
disiplinado, may pagmamalasakit sa kapwa at marunong sumunod sa bawat isa, samahan pa
ng matibay na pananalig sa Panginoon, darating din ang araw na tayo ay magiging malaya sa
COVID-19.
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
II-Panuto: Gamit ang Graphic Organizer sa ibaba, bumuo ng isang argumento sa isang
napapanahong isyu patungkol sa Enhanced Community Quarantine (ECQ). Magbigay ng mga
posibleng maging katuwiran o dahilan sa pagsang-ayon at di pagsang-ayon sa nasabing isyu.

ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

SANG-AYON DI SANG-AYON

MA. LESLIE U. RUBIO


Teacher-III

You might also like