You are on page 1of 12

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 2
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa
Nabasang Tekstong Hango sa Tunay
na Pangyayari
Unang Kuwarter - Modyul 5

Valeriy Joy H. Aban


Manunulat

Hayde F. Gucor
Tagasuri

Dr. John Albert B. Colle


Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang tekstong
hango sa tunay na pangyayari. (F2PB-IIa-b-3.1.1)

Panuto: Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang mga


tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

Mga Dapat na Malaman sa Pagkain ng Prutas


ni: Madilyn I. Duran

Ang prutas ay isa sa pinakaimportanteng pagkain na


kailangan kainin ng tao. Hindi maitatanggi na
nanggagaling sa prutas ang napakaraming sustansyang
nakapagpapanatili sa isang malakas at masiglang
katawan.
Ang pagkain ng prutas araw-araw ay
napakagandang tulong sa atin. Maraming bitamina ang
makukuha rito. Ang mga bitaminang mula sa prutas ang
siyang tumutulong para malabanan ang mga sakit.
Maiiwasan ang mga problema sa panunaw, mapupuno
ng enerhiya ang iyong katawan, gaganda ang iyong
pakiramdam dahil makukuha ng iyong katawan ang mga
bitamina.

2
_____1. Tungkol saan ang tekstong iyong binasa?
A. gulay B. prutas C. sakit

_____2. Ayon sa teksto, ano ang dapat nating kainin


upang maiwasan natin ang mga sakit?
A. karne B. prutas C. tsokolate

_____3. Tuwing kailan dapat kumain ng prutas?


A. araw-araw
B. tuwing may sakit
C. kapag gusto lamang

_____4. Ano ang maaaring makuha ng ating katawan


kung tayo ay kakain ng prutas?
A. bitamina B. pagkain C. sakit

_____5. Ano naman ang maiiwasan kung tayo ay kakain


ng prutas?
A. bitamina B. pagkain C. sakit

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang iyong paboritong kuwento?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2. Tungkol saan ito?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
3
3. Bakit mo ito paborito?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

4. Anong aral ang makukuha rito?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

5. Maaari ba itong mangyari sa tunay na buhay?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Ano-ano ang dapat tandaan habang nakikinig o


nagbabasa ng teksto?

1. Basahin at pakinggang mabuti ang teksto.


2. Isulat ang mahahalagang detalye o impormasyon.
3. Unawain ang tekstong pinakikinggan at binabasa.

Mga Uri ng Tekstong Hango sa Tunay na Pangyayari:

Tekstong Pang-Impormasyon – ang tawag sa tekstong


naglalayong magbigay ng impormasyon sa mga
mambabasa.

4
Talambuhay – ang tawag sa kasaysayan o sa kuwento ng
buhay ng isang tao.

Balita – isang impormasyon o ulat tungkol sa mga


kasalukuyang nagaganap sa loob at labas ng bansa.

Panuto: Basahing mabuti ang talambuhay ng ating


pambansang bayani at sagutin ang mga tanong. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa patlang.

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal


ni: Sandy Ghaz

Ang kabuuang pangalan ni Dr. Jose P. Rizal ay Jose


Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Siya ay isa sa
labing-isang anak nina Francisco Rizal Mercado y
Alejandro at Teodora Alonso Realonda y Quintos. Dalawa
lang silang magkapatid na lalaki ng kaniyang Kuya
Paciano.
Si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna
noong Hunyo 19, 1861. Bukod sa Jose, tinatawag rin siyang
‘Pepe’ sa bahay at lugar nila. Siya ay isang matalinong
bata.
Ang Pambansang Bayani ay ipinadala ng kaniyang
mga magulang sa ibang lugar upang mag-aral. Naging
isang doktor siya sa mata at sumusulat rin siya – siya ay

5
may-akda ng tanyag na Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
Ang kaibahan ni Dr. Jose Rizal sa iba pang mga
bayani ay ang kaniyang pamamaraan sa pagtatanggol
sa bansang Pilipinas. Idinadaan niya ito sa kaniyang mga
panulat. Inaresto siya at hinatulan ng kamatayan.
Namatay si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896 sa
Bagumbayan sa Maynila. Sa kasalukuyan, mayroon siyang
mga monumento sa Luneta Park, Maynila, Calamba,
Laguna, Camarines Norte, at sa iba pang lugar.

_____1. Kaninong talambuhay ang iyong binasa?


A. Lapu-Lapu
B. Dr. Jose P. Rizal
C. Apolinario Mabini

_____2. Saan siya ipinanganak?


A. Tayabas, Quezon
B. Lungsod ng Muntinlupa
C. Calamba, Laguna

_____3. Ano ang tawag sa kaniya sa bahay at sa


kanilang lugar?
A. Pepe
B. Pipo
C. Popoy

_____4. Anong klase siyang doktor?


A. doktor sa puso
B. doktor sa baga
C. doktor sa mata

_____5. Ang mga librong ito ay kaniyang isinulat, maliban


sa isa:

6
A. El Filibusterismo
B. Noli Me Tangere
C. Ang Leon at Ang Daga

_____6. Paano niya ipinagtanggol ang bansang Pilipinas?


A. sa pagsusulat
B. sa pagsasalita
C. sa pakikipagdigma

_____7. Kailan siya hinatulan ng kamatayan?


A. Disyembre 28, 1896
B. Disyembre 29, 1896
C. Disyembre 30, 1896

_____8. Saan makikita ang monumento ni Dr. Jose P. Rizal


sa Maynila?
A. Luneta Park
B. Look ng Maynila
C. Simbahan ng Quiapo

Panuto: Ibahagi ang iyong natutuhan sa araling ito.


Sagutin ang mga tanong.

1-3. Nasagot mo ba nang maayos ang mga tanong sa


teksto? Bakit?
1.______________________________________________________
________________________________________________________

2.______________________________________________________
________________________________________________________
7
3.______________________________________________________
________________________________________________________

4. Madali lang ba sagutan ang mga tanong kapag ito


ay nangyari sa tunay na buhay? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
5. Ano-ano ang mga halimbawa ng tekstong hango sa
tunay na pangyayari?
________________________________________________________
________________________________________________________

Panuto: Basahin ang balita sa ibaba at sagutin ang mga


tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

Pagdura sa mga Pampublikong Lugar


Bawal na sa Muntinlupa

Maaari nang makulong at pagmultahin ang mga


taong mahuhuling dumudura sa mga pampublikong lugar
sa Muntinlupa. Ito ay matapos aprubahan noong Lunes ni
Muntinlupa Mayor Jaime R. Fresnedi ang Ordinance 2020-
089 o ang Anti-Spitting and Anti-Littering Ordinance of
2020, na isa umanong hakbang para mapigilan ang
pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.

8
Kabilang sa mga maaaring mahuli ang mga taong
mahuhuling dumudura ng laway, plema at iba pang
substance mula sa bibig.
Maaari ding hulihin ang mga sisinga sa mga
pampublikong lugar.
Sa ilalim ng ordinansa, paparusahan din ang
mahuhuling nagtatapon ng personal protective
equipment sa mga pampublikong lugar.
Ang mga lalabag sa ordinansa ay maaaring
makulong ng hanggang anim (6) na buwan at
pagmultahin ng P5,000 piso.
Hinikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa
ang publiko na kumuha ng retrato o video ng mga
paglabag sa ordinansa.
Bukod sa Muntinlupa, ipinagbawal na rin ang
pagdura sa mga pampublikong lugar sa lungsod ng
Maynila.
-ABS-CBN News, Abril 15, 2020
_____1. Ayon sa balita ano ang ipinagbabawal sa
lungsod ng Muntinlupa?
A. pagsusugal
B. pag-inom ng alak
C. pagdura sa pampublikong lugar

_____2. Anong ordinansa ang nagbabawal dito?


A. Ordinance 2020-090
B. Ordinance 2020-089
C. Ordinance 2020-088

_____3. Bakit nagkaroon ng ganitong ordinansa ayon sa


balita?
A. para malinis ang paligid
B. para maiwasan ang dumi
C. para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19

9
_____4. Ano ang maaaring mangyari sa mga taong
lalabag dito?
A. makulong ng hanggang anim (6) na buwan at
pagmultahin ng P5,000 piso
B. makulong ng hanggang walong (8) buwan at
pagmultahin ng P5,000 piso
C. makulong ng hanggang siyam (9) na buwan
at pagmultahin ng P5,000 piso

_____5. Saang lugar pa ipinagbabawal ito?


A. Makati
B. Marikina
C. Maynila

Panuto: Basahin ang tekstong pang-impormasyon sa


ibaba at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

Pitong Simpleng Hakbang upang Maprotektahan ang


Sarili at ang Iba Laban sa COVID-19

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang


nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.
Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling.
Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo
na ang matatanda at mga may dati nang karamdaman.
Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong
10
gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng
iba.
Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat,
ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa
lugar na may COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
3. Takpan ang iyong bibig kapag inuubo at
bumabahing.
4. Iwasan ang matataong lugar at malapit na
pakikisalamuha sa mga taong may lagnat o ubo.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga,
magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna
ang health facility.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang
awtoridad.
-World Health Organization

_____1. Tungkol saan ang teksto?


A. COVID-19
B. dengue
C. ubo

_____2. Anong uri ng sakit ang COVID-19?


A. nakahahawang sakit
B. hindi naipapasang sakit
C. hindi nakahahawang sakit

_____3. Ayon sa teksto, sino-sino ang mga maaaring


magkaroon ng malubhang sakit?
A. matatanda
B. mga bata
C. mga may dati nang karamdaman

11
_____4. Bakit dapat nating gawin ang mga payong
tinalakay sa teksto?
A. upang hindi mahuli
B. upang maging sikat
C. upang maprotektahan ang kalusugan mo
at ng iba

_____5. Kanino lamang tayo dapat kumuha ng


impormasyon tungkol sa COVID-19?
A. kahit kanino
B. sa kapitbahay
C. sa mapagkakatiwalaang awtoridad

Mga Sanggunian
https://tinyurl.com/rv8at8wa
https://tinyurl.com/28rzbv2h
https://tinyurl.com/wryvj565
https://tinyurl.com/8bfepnrh

Pangwakas na Pagsusulit: 1A, 2A, 3C, 4C, 5C


Pag-alam sa Natutuhan: 1C, 2B, 3C, 4A, 5C
Gawain: 1B, 2C, 3A, 4C, 5C, 6A, 7C, 8A
Unang Pagsubok: 1B, 2B, 3A, 4A, 5C
Susi sa Pagwawasto:

12

You might also like