You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Mangatarem District II
Malabobo Elementary School

FILIPINO 5
nd
2 SUMMATIVE TEST
2ND QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Basahin at unawain nang mabuti ang seleksiyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing ninanais niya ay isinasakatuparan niya agad.
Ayaw niya na may masayang na panahon dahil naniniwala siya na ang oras ay ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi
niya ito inaaksaya. Ayon sa kaniya, ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa.

Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at matapos nito ay naging senador.
Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United States of America. Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay
isang abogado. Di nagtagal, siya ay naging pangulo ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng Commonwealth o ng
Malasariling Pamahalaan noon.

Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan, binigyan niya ng pantay na pagpapahalaga ang


mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula sa pagkakaroon natin ng pambansang wika. Kung hindi dahil sa kaniya,
walang isang wika na magbubuklod sa lahat ng Pilipino. Dahil dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.”
DepEd, The Philippine Informal Reading Inventory Manual 2018, Panimulang Pagtatasa, Ikalimang Baitang, Set D, p.212-214

____1. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?


A. Andres Bonifacio c. Diosdado Macapagal
B. Jose Rizal d. Manuel Quezon
____2. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa?
A. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.
B. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.
C. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.
D. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang gamiting wika.
____3. Alin sa sumusunod ang naging trabaho ni Quezon?
A. guro, doctor, abogado
B. senador, modelo, kawal
C. alkalde, kongresista, pangulo
D. abogado, gobernador, senador
____4. Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Manuel Quezon?
A. Pamahalaan ng Biak na Bato.
B. Pamahalaang Commonwealth.
C. Pamahalaan ng Ikatlong Republika.
D. Pamahalaang Rebolusyunaryo.
____5. Bakit kaya niya sinabing ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa?
A. Madali siyang mainip, kaya dapat tapusin agad ang gawain.
B. Pinapahalagahan niya ang oras, kaya hindi ito dapat sayangin.
C. Marami siyang ginagawa, kaya kailangang sundin ang iskedyul.
D. Lagi siyang nagmamadali, kaya hindi dapat nahuhuli sa gawain.
____6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na makamahirap si Quezon?
A. Tumira siya sa bahay ng mahihirap.
B. Binibigyan niya ng pera ang mahihirap.
C. Pinatupad niya ang Katarungang Panlipunan.
D. Iba ang tingin niya sa mahihirap at mayayaman.
____7. Sa pangungusap na “Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan,” ano ang iba pang kahulugan ng salitang kawal?
A. bayani B. doktor C. manunulat D. sundalo
____8. Anong uri ng seleksyon ang binasa mo?
A. alamat B. kuwentong-bayan C. pabula D. talambuhay
____9. Alin sa sumusunod ang nararapat na pamagat ng teksto?
A. Mga Ambag ni Manuel Quezon.
B. Ama ng Wikang Pambansa.
C. Manuel Quezon at ang Pamahalaang Komonwelth.
D. Manuel Quezon at ang bansang Pilipinas.
10. Sang-ayon ka ba sa ginawang hakbang ni Quezon na magkaroon tayo ng pambansang wika, oo o hindi? Ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________

II. Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Yamang Dunong at Kalusugan

Dunong at kalusugan ating yaman,


nararapat na pangalagaan.
Huwag nating pabayaan,
ingatan at pahalagahan.

Anumang minana sa magulang,


walang tutumbas sa dunong at kalusugan.
Aanhin ang materyal na yaman kung sakitin naman?
Karunungan at kalusugan pagyamaning lubusan.

Dunong at kalusugan, sandatang maituturing,


sa anumang suliraning kahaharapin.
Maging matatag sa anumang pasanin,
tiyak na mithiin ay mararating.

11. Ano ang paksa ng binasang tula?


_________________________________________________________________________________
12. Ano ang itinuturing na ating yaman ayon sa binasang tula?
_________________________________________________________________________________
13. Bakit ito itinuturing na yaman?
_________________________________________________________________________________
14 Bakit kailangang pakaingatan at pahalagahan ang dunong at kalusugan?
_________________________________________________________________________________
15. Ano ang dapat gawin sa ating yamang dunong at kalusugan?
_________________________________________________________________________________
16. Paano makakamit ang mithiin sa pamamagitan ng dunong at kalusugan?
_________________________________________________________________________________
17. Paano mo binigkas ang tula?
_________________________________________________________________________________
18. Paano mo isinalang-alang sa iyong pagbasa ang wastong tono, diin, antala at damdamin ng tula?’
_________________________________________________________________________________
File created by DepEd Click.

KEY:

1. d
2. c
3. d
4. b
5. b
6. c
7. d
8. d
9. b
10 depende sa paliwanag ng bata
11. tungkol sa ating yaman
12. kalusugan at karunungan
13. dahil ito ang daan sa pagiging matagumpay
14. upang hindi ito mawala sa atin
15. pangalagaan at ingatan
16. gamitin itong sandata sa buhay
17. binigkas ang tula na may wastong tono, diin, antala at damdamin
18. maaaring iba-ibang sagot ang ibigay ng mga bata

You might also like