You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Pampanga
Archdiocese of San Fernando Educational System
St. Nicholas Academy: Center of Catholic Education, Inc.
Macabebe, Pampanga
Government Recognition No. JHS – 022 s. 2019

Modyul sa
Filipino
Baitang 7
(Unang Markahan – Ikalawang Linggo)
Pangalan:
Baitang at Pangkat:
Guro:
Lagda ng Magulang:

PHILOSOPHY OF EDUCATION: Catholic Education is Formation, Mediation and Transformation.


VISION: The St. Nicholas Academy: CCEI is a Catholic Archdiocesan Educational Community
centered in the person and message of Jesus Christ, animated by Gospel Values, and guided by Church
Teachings and Practices.

MISSION: To adopt and implement the Philippine Catholic Schools Standards.


CORE VALUES: Faith, Service, and Excellence
Modyul sa Filipino Baitang 7 – Ikalawang Linggo
MODYUL SA FILIPINO
BAITANG 7 – IKALAWANG LINGGO
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA
PATUNAY
LAYUNING NG ARALIN
Sa aralin na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-
unawa:
 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan

 Nasusuri ang mga tauhan ng binasang akda.

 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga pangyayari sa iba pang lugar ng bansa

 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay


PAUNANG PAGTATAYA

PAGTALAKAY

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay


May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong
ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-
tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig.
Naririto ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:
 May dokumentaryong ebidensiya – ang mga ebidensiyang magpapatunay na maaaring
nakasulat, nakalarawan, o naka-video.
 Kapani-paniwala – ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay, at kalakip na datos
ay kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay.
 Taglay ang matibay na kongklusyon – isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o
impormasyong totoo ang kongklusyon.
 Nagpapahiwatig – hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebindensiya subalit sa
pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.
 Nagpapakita – salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay.
 Nagpapatunay/katunayan/patunay – salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala
sa ipinahahayag
 Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag.
Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.

MGA GAWAIN
GAWAIN 5: KATANGIAN NG KUWENTONG-BAYAN

Magsaliksik ukol sa mga kuwentong-bayan bilang panitikan at salig ng pag-aaral sa kultura at


kasaysayan ng isang bayan sa Pilipinas. Alamin din ang mga kilalang kuwentong-bayan sa Pilipinas.
Isulat sa grapikong pantulong sa ibaba ang mga nakalap na impormasyon.

KATANGIAN NG
KUWENTONG
“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others”
BAYAN 2
Modyul sa Filipino Baitang 7 – Ikalawang Linggo

GAWAIN 5: Nakikilala kung ang pahayag ay nagbibigay-patunay o hindi

Isulat sa kahon ang P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at ang DP kung hindi ito
nagsasaad ng patunay.

 1. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay patunay na
nakatawag-pansin sa maraming mamamayang Pilipino ang kanyang pangakong pagbabago.

 2. Umaasa ang marami na may magbabago nga sa kani-kanilang buhay.

 3. Unti-unting nabibigyang-pansin ang mga personalidad mula sa Mindanao at bilang patunay rito,
ang tatlong matataas na personalidad sa pamahalaan (pangulo, senate president, at speaker of
the house) ay pawang mga taga-Mindanao.

 4. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong badyet para makamit ng


bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon.

 5. Huwag lang sana tayong salantain ng malalakas na bagyo.

 6. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensiya na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa


mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito at sa mahigit 7 libong islang lantad sa hangin at ulang
dala ng mga bagyo.

 7. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o
Philippine Area of Responsibility.

 8. Maging handa tayo sa pagdating ng mga mapaminsalang bagyo.

 9. Pinatunayan ng ginawang pag-audit sa mga operasyon ng minahan sa bansa na may ilang


minahang sumisira sa kapaligiran kaya naman ang apat sa mga minahang ito ay ipinasara ng
DENR o Department of Environment and Natural Resources.

 10. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay tinututulan ng ating
Saligang Batas. Katunayan, may tinatawag na Writ of Kalikasan na nagsasaad ng ating
karapatan para sa malusog na kapaligiran.
PORMATIBONG PAGTATAYA
Sagutin ang sumusunod na mga pamprosesong tanong:

1. Nasubukan mo na bang mawalan ng tiwala sa iyong sarili? Ano ang hindi mabuting naidulot nito
sa iyo at sa iyong kapwa?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 3
Modyul sa Filipino Baitang 7 – Ikalawang Linggo

2. Bakit kinakailangan ng mga ebidensiya o patunay upang mapatunayang totoo ang inilalahad?
Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGLALAGOM / PAGTATAPOS NG ARALIN

Bakit mahalagang igalang at bigyang-halaga ang bawat tao, anuman ang katayuan o kalagayan
nito sa lipunan? Ilahad sa pamamagitan ng estratehiyang 3-2-1

Bawat tao ay may iba’t ibang katangian at kaugaliang tinataglay. Bawat isa sa atin ay
nararapat lamang na mabigyan ng halaga o di kaya’y paggalang, anuman ang katayuan nila sa
ating lipunan na ginagalawan. Ang anumang kakulangan o kapintasang taglay mo ay hindi
dapat maging hadlang sa iyong pagiging mabuting tao.

Bilang isang mabuting pinuno, kinakailangan mong bigyan halaga at respeto ang iyong
mga nasasakupan upang maging maayos, payapa, at maunlad ang nasasakupan. Gayundin,
mahalaga ito upang igalang at sundin ka ng iyong nasasakupan.

Tatlong (3) pag-uugali na dapat nating


taglayin upang magkaroon ng mabuting
relasyon sa kapwa. TAKDANG ARALIN

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, ikaw ay magiging isang batang kinatawan ng turismo na


bubuo ng isang blog na aakit sa mga turista, dayuhan man o lokal, na dalawin o pasyalan ang
Mindanao. Dito ay magsisimula na ang iyong paghahanda para sa gawaing iyan. Pag-isipan at
Dalawang (2) pag-uugali na dapat
paghandaan mosa ang
iwasan atingmga datos at kagamitang kakailanganin mo para maging epektibo at
pakikipagkapwa
makatotohanan ang blog na bubuoin mo sa pagtatapos ng kabanata. Ilahad sa ibaba ang mga datos o
kagamitang kakailanganin, gayundin ang mga gagawin mong paraan sa pagkuha ng mga datos.
Isang (1) mensahe sa sarili na
Mga Datos o Kagamitang
magpapaalalang laging igalang ang kapwa
Kakailanganin sa Pagbuo ngnito sa lipunan.
tao anuman ang kalagayan Mga Paraang Gagamitin sa
Travel Brochure tungkol sa Pagkuha ng mga Datos na Ito
Mindanao

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 4


Modyul sa Filipino Baitang 7 – Ikalawang Linggo

PANAPOS NA PAGTATAYA
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

___________1. Siya ang alipin na matapang, malakas, mataas at matapat.


___________2. Ano ang pangalan ng sultan na malupit at pangit na hitsura
___________3. Saan nakita ng mga tauhan ng sultan ang binatang alipin?
___________4. Ito ang nadama ng anak ng sultan noong unang makita niya ang binatang alipin.
___________5. Ano ang ibinigay na hatol ng sultan sa binata?
___________6. Siya ang dalagang anak ng sultan.
___________7. Anong sakuna ang nangyari habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na
pagbibitayan sa dalawa?
___________8. Sa paraang ito lumaganap ang mga kuwentong-bayan.
___________9. Nasa anong anyo ang mga kuwentong-bayan?
___________10. Ang akdang “Si Usman, Ang Alipin” ay isang kuwentong-bayan mula sa anong
lugar?
II. Bumuo ng lima (5) pangungusap gamit ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay. Isulat sa likod
ng papel ang mga nabuong pangungusap.

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 5

You might also like