You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Pampanga
Archdiocese
of San Fernando Educational System
St. Nicholas Academy: Center of Catholic Education, Inc.
Macabebe, Pampanga
Government Recognition No. JHS – 022 s. 2019

Modyul sa
FILIPINO
Baitang 9
(Unang Markahan – Una at Ikalawang Linggo)
Pangalan:
Baitang at Pangkat
Guro:
Lagda ng magulang:

PHILOSOPHY OF EDUCATION: Catholic Education is Formation, Mediation and Transformation.

VISION: The St. Nicholas Academy: CCEI is a Catholic Archdiocesan Educational Community
centered in the person and message of Jesus Christ, animated by Gospel Values, and guided by Church
Teachings and Practices.

MISSION: To adopt and implement the Philippine Catholic Schools Standards.

CORE VALUES: Faith, Service, and Excellence
Modyul sa Filipino Baitang 9 – Una at Ikalawang Linggo
MODYUL SA FILIPINO GRADE 9 – UNA AT IKALAWANG LINGGO
TAHANAN NG ISANG SUGAROL
KWENTONG MAKABANGHAY
MGA HUDYAT SA PAGKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI
LAYUNING NG ARALIN
Sa aralin na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-
unawa:
 Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa
napaking-gang akda
 Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda
 Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo o konotatibong
kahulugan
 Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan sa
lipunang Asyano sa kasalukuyan
 Nasusuri ang maikling kuwento batay sa:

- Paksa
- Mga tauhan
- Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
- estilo sa pagsulat ng awtor
- iba pa
 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda

 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pang-ugnay

PAUNANG PAGTATAYA
Mahahalagang Tanong:

1. Bakit kailangang alamin ang iba’t ibang akdang pampanitikan mula sa Timog-Silangang Asya?
_______________________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa mga panitikang namayani sa

Timog-Silangang Asya upang mapahalagahan ang pagiging Asyano?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
PAGTALAKAY
ANG KUWENTONG MAKABANGHAY
Ang isang kuwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga pangyayari ay
tinatawag na kuwentong makabanghay. Subalit, ano nga ba ang banghay?
BANGHAY
Ang banghay ay ang maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga
akdang tuluyan tulad ng maikling kuwento, anekdota, mito, alamat, at nobela. Ang mga akda
ay makapag-iiwan lamang ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa kung may mangyayari
at kung masasagot ang mga katanungang tulad ng sumusunod: Ano ang nangyari? Bakit iyon
naugyari? Ano ang naging wakas?
Mula sa banghay ay makabubuo ng balangkas kung saan makikita ang pagkakaugnay-ugnay
at mabilis na galaw ng mga pangyayari. Tingnan sa ibaba ang karaniwang balangkas ng mga
PANIMULANG
“Homo Pro Aliis – I amPANGYAYARI:
a Person forPagpapakilala
Others” ng mga tauhan, 2
tagpuan, at suliraning kahaharapin

PAPATAAS NA PANGYAYARI: Sa bahaging ito nagkakaroon ng

kapanabikan

KASUKDULAN: Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng

pangunahing tauhan ang kanyang suliranin
Modyul sa Filipino Baitang 9 – Una at Ikalawang Linggo
PABABANG PANGYAYARI: Matatamo ng pangunahing tauhan
ang layunin

RESOLUSYON/WAKAS: Magkakaroon ang kuwento ng isang

makabuluhang wakas

HUDYAT SA PAGKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

Sa maraming pagkakataon, tayo ay nagbibigay ng mga pagkakasunod-sunod ng mga bagay,
pangyayari, panuto, at iba pa. Mahalaga kung gayon na alam natin ang mga salita, kataga, o
pahayag na nagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod para magamit natin ayon sa
pangangailangan.
 Kapag ang pinagsusunod-sunod ay mga pangngalan, gumamit ng mga pang-uring
pamilang na panunuran o ordinal. Ang mga bilang na ito ay makapagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng mga tao, bagay, hayop, lugar, at gawain. Halimbawa: Una si
Doris, pangalawa. si Mario, pangatlo si Anna
 Kapag ang pinagsusunod-sunod ay proseso o paraan ng pagsasagawa ng isang bagay tulad
ng sa pagluluto, paglalaba, pagkukumpuni ng sasakyan, o paggawa ng iba't ibang bagay, o
tinatawag na tekstong prosidyural, makatutulong ang paggamit ng sumusunod
 Mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod tulad ng una, kasunod, panghuli, at
iba pa
 Mga salitang "hakbang" + pang-uring pamilang o ang salitang step + pang-uring
pamilang
Halimbawa: STEP 1, STEP 2, STEP 3
Unang Hakbang, Ikalawang Hakbang, Ikatlongmhakbang
Kapag naman pangyayari sa kuwento ang pinagsusunod-sunod, madalas ay hindi na
ginagamitan ng mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod o time sequence subalit
mahalagang nabasa at naunawaang mabuti ang kuwento sapagkat mga pangyayari lang ang
ilalahad na kailangang ayusin ayon sa kung paano nangyari sa binasa.

MGA GAWAIN
GAWAIN 1: Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng
pangungusap
Hanapin mula sa iba pang salita sa pangungusap ang salitang kaugnay o kasingkahulugan ng
nakasalungguhit. Gamiting basehan ang konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Isulat sa
linya ang sagot
__________1. Naging miserable ang buhay niya dahil sa murang edad ay nagpakasal siya sa

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 3

Modyul sa Filipino Baitang 9 – Una at Ikalawang Linggo

lalaking ipinagkasundo sa kanya at nagdala sa mahirap niyang kalagayan

__________2. Ang buhay niya'y puno ng kasawiang-palad dahil sa simula pa lang ang pagpapakasal
niya'y tiyak nang hahantong sa kabiguan.
__________3. Nangangambang tinanong ni Siao-lan ang kanyang ina nang makitang nag-aalala na
naman ito.
__________4. May mga humimok sa lalaki upang dalhin na ang asawa sa ospital kaya't wala siyang
nagawa kundi sundin ang mga humikayat sa kanya.
__________5. Pinangko ni Siao-lan ang nakababatang kapatid papunta sa kanilang ina subalit muli
niya itong binuhat pabalik nang makiusap ang ina na siya muna ang mag-alaga sa
kapatid.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang naging kalagayan ni Lian-chiao sa piling ng asawang si Li Hua? Ano-anong mga
pang-aabuso ang napagdaanan niya sa kamay ng malupit na asawa?
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_

2. Paano siya napasok sa ganitong kalagayan?

___________________________________________________________________________
_

___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
3. Sa iyong palagay, mali bang ipagkasundo ng magulang ang kanyang anak sa isang taong
inaa-kala niyang makabubuti para rito? Patunayan.
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
4. Ano kaya ang mararamdaman at gagawin ng ina ni Lian-chiao kung hindi agad siya namatay
at nakita pa niya ang kalagayan ng anak dahil sa ipinagkasundo niyang kasal?
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 4

Modyul sa Filipino Baitang 9 – Una at Ikalawang Linggo

5. Sa iyong palagay, may magbabago ba sa buhay ni Lian-chiao kung kahit ipinagkasundo siya
ay hindi siya agad nag-asawa sa edad na labinlima? Ano ang edad niya nang magpakasal sa
kalagayan niya sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
6. Kung ikaw si Lian-chiao, ano ang gagawin mo kung ikaw ay malalagay sa katulad na
kalagayan?
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
7. Kung patuloy na magtitiis si Lian-chiao sa piling ng kanyang asawa, ano kaya ang
mangyayari sa kanya at sa mga anak niya sa hinaharap?
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
8. Anong damdamin ang naramdaman mo habang binabasa ang akda? Bakit ganito ang
naramdaman mo?
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
9. Kung may kakilala kang may halos katulad na kalagayan kay Lian-chiao, ano ang sasabihin
mo o gagawin mo upang matulungan siyang makaahon sa kanyang kalagayan?
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________________
_

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 5

Modyul sa Filipino Baitang 9 – Una at Ikalawang Linggo

GAWAIN 2: Nakapaghihinuha sa katangian ng tauhan

Maghinuha tungkol sa katangian ng mga tauhan batay sa pag-uugali o kilos na ipinakita ng mga ito.
Hanapin ang kaugnay na katangian sa loob ng kahon at saka isulat sa linya.

malupit mapagmalaki maramot

__________1. Sinabi ni Ah Yue sa ina na siya na ang magsasampay sa kanilang mga nilabhan kahit
napakaliit pa niya at kinakailangan pang tumuntong sa bangkito upang maabot ang
mataas na sampayan.
__________2. Kaagad na nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata nang magsimulang
magsisisigaw at magmura ang kanilang ama dahil sa hindi pa handa ang pagkain at
pampaligo niya.
__________3. Nagpatalo si Li Hua ng dalawampung dolyar sa sugalan subalit hindi niya binigyan
ng hinihinging isang dolyar ang asawa na kakailanganin sa pagbili ng mga itlog na
gagamitin niya pagkapanganak
__________4. Sa mga gabing hindi makatulog si Lian-chiao ay iniluluha na lamang niya ang lahat
ng pagod, sama ng loob, at sakit ng katawan sa piling ng asawa
__________5. Sinisigawan, minumura, at binubugbog ni Li Hua ang asawang si Lian-chiao kapag
hindi niya agad nagagawa ang mga gawain.

GAWAIN 3: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari

Ayusin ang mga pangyayari sa akda ayon sa tamang pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng
paglalagay ng bilang 1 hanggang 10 sa mga linya. Pagkatapos ay gamitin ang iyong nabuo upang
ibuod ang binasa.
_____ Kahit hirap na hirap dahil sa sunod-sunod na paghilab ng tiyan ay tinungo ni Lian-chiao ang
Hsiang Chi Coffee Shop para magpatulong sa asawang nadatnan niyang abalang- abala sa
pagsusugal.
_____ Kinagalitan ni Li Hua ang mga batang sumunod sa kanilang ina at pagkatapos ay pinaandar
ang inarkilang sasakyan para madala sa ospital si Lian-chiao.
_____ Habang abala at hindi magkandaugaga si Lian-chiao sa pagluluto ay naghanap ng pampaligo
ang kanyang asawa kaya't mabilis niyang iniwan muna ang iniluluto at saka inihanda ang
inigib na tubig para pampaligo ni Li Hua.
_____ Maya-maya'y dumating si Li Hua. Malakas ang boses habang sinasabihan ang nagsasampay
na si Ah Yue. Pagkatapos ay mabilis na pumasok at nagalit dahil hindi pa luto ang hapunan.
_____ Habang inihahanda ang pampaligo ng asawa ay sumagitsit sa kawali ang inasnang isda kayâ
minura at sinigawan ni Li Hua si Lian-chiao dahil napakabagal daw nitong kumilos at hindi
naamoy ang nasusunog nang isda.
_____ Naglalaba ang buntis na si Lian-chiao katabi ang bunsong anak habang nagsasampay ang
panganay niyang si Ah Yue kahit hindi pa halos maabot ng bata ang sampayan.
_____ Nang gabing iyon, kahit pagod ay hindi makatulog si Lian- chiao. Naalala niya kung paano
siyang ipinagkasundo ng kanyang ina kay Li Hua sa edad na labinlima at ito ang naging
simula ng miserable niyang buhay. Maya-maya'y biglang sumakit ang kanyang tiyan at
naramdamang manganganak na siya.
_____ Nang matapos kumain at paalis na muli ang lalaki ay nagmakaawa si Lian-chiao na bigyan
siya ng isang dolyar na pambili ng itlog na gagamitin sa nalalapit niyang panganganak subalit
hindi siya binigyan ni Li Hua dahil natalo raw ito ng dalawampung dolyar sa sugal.

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 6

Modyul sa Filipino Baitang 9 – Una at Ikalawang Linggo

_____ Pagod na si Lian-chiao sa katatapos na labahin at sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi
siya puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang
mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa kusina
dahil baka magalit ang asawa kapag dumating ito mula sa pagsusugal nang wala pang
hapunan
_____ Sumunod sa ina ang magkapatid na sina Ah Yue at Siao-lan dahil nagising ang bunso kayâ
dinala ng ate sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kahit hirap na hirap ang kalooban dahil maiiwan
ang maliliit na mga anak nang walang kasama ay pinakiusapan ng ina na iuwi at alagaan
muna ni Ah Yue ang nakababatang kapatid.

GAWAIN 4: Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa

lipunang Asyano batay sa napakinggan o nabasang akda
Maraming pangyayari sa maikling kuwentong Malaysian ang sumasalamin sa ilang kasalukuyang
suliraning panlipunan sa ating bansa at maging sa iba pang lipunang Asyano. Basahin ang bawat
pangyayari. Bilugan ang einoticon na nagpapakita sa iyong damdamin para sa bawat isa at saka mo
ipaliwanag kung bakit ganito ang iyong reaksiyon.
1. Read: Sa maikling kuwento, ang babaeng si Lian-chiao ay biktima ng pananakit at iba't ibang uri
ng pang-aabuso ng kanyang malupit na asawa

React:

2. Read: Ang asawang lalaking si Li Hua ay humihitit ng opyo at gumon sa sugal. Kapag natatalo
siya ay sa pamilya niya ibinubunton ang galit at pagmamalupit.
React:

3. Read: Kahit halos manganganak na si Lian-chiao ay patuloy pa rin siya sa paggawa ng

mabibigat na trabaho kabilang na ang pagtatanim at pag-iigib ng pampaligo ng asawa. Kung
hindi ay bubugbugin na naman siya ng kanyang asawa kapag hindi nagustuhan ang gawa niya.
Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw na ang nakararaan.
React:

4. Read: Kahit batambata pa si Ah Yue ay tumutulong na siya sa ina maging sa mga gawaing hindi
angkop sa kanyang edad. Puno ng takot ang puso nila ng kapatid niyang si Siao Lan sa malupit
nilang ama.
React:

5. Read: Dahil sa kagustuhang magkaapo kaagad at sa paghahangad ng mainam na buhay sa

pagtanda niya ay ipinagkasundo ng ina si Lian-chiao na noo'y labinlimang taong gulang pa lang
kay Li Hua na noo'y anak ng isang mayamang negosyante sa kanilang lugar.
React:

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 7

Modyul sa Filipino Baitang 9 – Una at Ikalawang Linggo

GAWAIN 5: Nabubuo ang banghay ng binasang akda

Muling balikan ang mga inayos mong pangyayari sa akda na nasa Gawain 3 (Pagsusunod-
sunod ng pangyayari). Gamitin ang mga isinagot mo sa bahaging ito para mabuo nang maayos
ang banghay ng maikling kuwentong "Tahanan ng Isang Sugarol."

PANIMULANG PANGYAYARI:

PAPATAAS NA PANGYAYARI:

KASUKDULAN:

PABABANG PANGYAYARI:

RESOLUSYON:

GAWAIN 5: Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga

pangyayari
May naiisip ka pa bang ibang lutuin o anumang bagay na maaaring iluto, gawin, o buoin ng pamilya
ni Lian-chiao para makadagdag sa kanilang pagkakakitaan? Ano ito? Ilahad mo ang tawag dito sa
unang linya sa ibaba at pagkatapos ay isulat mo ang tamang pagkakasunod-sunod o hakbang sa
pagsasagawa nito.

Unang Hakbang:
Pamagat

Ikalawang Hakbang

Ikatlong Hakbang:

Ikaapat na Hakbang:

Ikalimang Hakbang:

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 8

Modyul sa Filipino Baitang 9 – Una at Ikalawang Linggo
PORMATIBONG PAGTATAYA
Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling
pangyayari sa lipunang Asyano sa kasalukuyan
Maraming bata at kababaihan ang nakararanas ng pang-aabuso sa loob ng kanilang tahanan o yaong
tinatawag na domestic violence. Iba't ibang uri o paraan ng pang-aabuso ang nararanasan nila sa
kamay ng mga taong dapat sana'y nagmamahal at nangangalaga sa kanila. Ang suliraning
panlipunang ito ay sinasalamin maging sa ilang telenobelang napapanood natin sa kasalukuyan.
Ihambing ang mga pang-aabusong naranasan ni Lian-chiao at ng kanyang mga anak sa pang-
aabusong naranasan din ng isang tauhan sa napili mong telenobela. Pagkatapos mong maghambing
ay
maglahad ka ng mga mungkahing paraan kung paano mahihinto ang mga pang-aabusong ito.

Mga pang-
aabusong Mga pang-
naranasan ni aabusong
Lian-Chiao at ng naranasan ni
kanyang mga ______________
anak sa kamay sa telenobelang
ng asawangn si _____________
Li Hua

Ang naisip kong paraan para mahinto ang ganitong uri ng pang-aabuso ay
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________________________________________________________

PAGLALAGOM / PAGTATAPOS NG ARALIN

Nasusuri ang akda batay sa paksa, tauhan, pagkakasunod-sunod mga pangyayari,
estilo sa pagsulat ng awtor, at iba pa
Ang bawat manunulat ay may layunin sa paglikha ng isang akda. Madalas, ninanais niyang mang-
aliw at magturo sa kanyang mga mambabasa. Ninanais din ng manunulat na mag-iwan ng isang
kakintalan o mahalagang aral na kukurot sa puso't isipan ng mga mambabasa. Ang anumang layunin
niya sa pagsulat ay isang mahalagang desisyong binubuo bago pa man simulan ang pagsulat.
Balikang muli ang akdang "Tahanan ng Isang Sugarol." Sumulat ng isang pagsusuri sa pamamagitan
ng pagsagot sa sumusunod mga tanong:

1. Ano ang paksa o tema ng akda?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______
2. Sa iyong palagay, ano kaya ang nagtulak sa manunulat para sumulat ng akdang may ganitong
tema? Sino o anong uri ng mambabasa kaya ang nais niyang maabot ng kanyang akda at bakit
niya ninanais na mabasa nila ito?
_____________________________________________________________________________
“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others” 9
Modyul sa Filipino Baitang 9 – Una at Ikalawang Linggo

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______
3. Sino-sino ang mga tauhan? Ano ang pananaw o reaksiyon mo sa bawat tauhang ipinakilala ng
ng manunulat?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______
4. Ano kaya ang layunin ng may-akda kung bakit inuna niyang ipakita ang miserableng buhay ni
Lian-Chiao bago ang mga pangyayaring nagdala sa babae sa kaawa-awang kalagayan? Ano ang
masasabi mo sa ginawang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari? Naging epektibo ba ito?
Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______
5. Ano ang napuna mong kalakasan ng akda?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______
6. Ano naman ang kahinaan nito?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______
7. Ano ang aral na taglay nito?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______
8. Anong pagbabago ang maaaring mangyari sa iyong pananaw lalo na sa anggulo ng pag-aasawa
pagkatapos mong mapagnilayan ang aral na taglay nito?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______
TAKDANG ARALIN

PANAPOS NA PAGTATAYA
Gamit ang hudyat ng pagkasunod-sunod, ipakita ang pang-araw-araw na gawain ng isang
mag-aaral mula pagpasok hanggang sa pag-uwi. Gumamit ng limang hakbang.
Unang Hakbang “Homo Pro Aliis – I am a Person for Others”
Ikalawang Hakbang 10
Ikatlong Hakbang
Ikaapat na Hakbang
Modyul sa Filipino Baitang 9 – Una at Ikalawang Linggo

Sa iyong pananaw, sa paanong paraan maaaring mahinto ang pang-aabuso sa kababaihan sa

loob ng tahanan o ‘yong tinatawag na domestic violence? Bakit dapat mahinto ang ganitong
uri ng pang-aabuso sa kababaihan at maging sa kabataan?

Isulat ang iyong sagot sa baba na hindi kukulangin sa limang pangungusap at hindi lalagpas
ng sampung pangungusap.

________________________________________________________________________________

____________________________

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others”

11
Modyul sa Filipino Baitang 9 – Una at Ikalawang Linggo

“Homo Pro Aliis – I am a Person for Others”

12

You might also like