You are on page 1of 8

10

Activity Sheet sa
Filipino 10
Kuwarter 2 – MELC 4
Paghahambing ng Mitolohiya sa Bansang Kanluranin at
Mitolohiyang Pilipino

REHIYON VI-KANLURANG VISAYAS


PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Filipino 10
Learning Activity Sheet No.4
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet No. 4 na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Daphne S. Villanueva


Tagasuri: Carlito T. Talaban at Evelyn G. Espago
Tagaguhit:
Tagalapat: Felizardo S. Valdez III
Division of Guimaras Management Team:
Ma. Roselyn J. Palcat
Novelyn M. Vilchez
Elleda E. De la Cruz
Carlito T. Talaban
Arthur J. Cotimo
Felizardo S. Valdez III
Marve E. Gelera
Regional Management Team:
Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet No. 4 na ito ay nabuo sa
pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng mga Paaralan ng
Guimaras sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD).
Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng
isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet No. 4 na ito ay binuo upang


matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon,
na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga
tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet No. 4 na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 2, Linggo 1

Pangalan ng Mag-aaral:_____________________ Grado at Seksiyon: ___________


Paaralan:___________________________________Petsa: ________________________

FILIPINO 10 GAWAING PAMPAGKATUTO NO. 4


Paghahambing ng Mitolohiya sa Bansang Kanluranin at Mitolohiyang
Pilipino

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa
mitolohiyang Pilipino (F10PU-II-b-73)

II. Panimula
Noong unang panahon dahil sa wala pang siyensiya, mitolohiya ang
siyang naging daan upang maipaliwanag ng mga sinaunang tao ang mga
pangyayari sa kanilang buhay, mga dahilan ng mga kaganapang
pangkalikasan at paano nalikha ang mga bagay-bagay sa mundo.

Ang mitolohiya ay isang uri ng panitikan na kalimitang naghahayag sa


kabutihan o kasamaan ng isang diyos/diyosa. Mga diyos at diyosa na rin ang
kalimitang pangunahing tauhan.

Sa araling ito susubukin nating pag-aralan ang mga mito buhat sa


bansang kanluranin at bansang Pilipinas sa pamamagitan ng paghahambing.

III. Mga Sanggunian


Ambat, V. C., et.al (2015). Filipino-Ikasampung
Baitang, Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City: Vibal
Group, Inc.

1
IV. Mga Gawain
1. Mga Panuto
 Basahin ang Mitolohiyang Kanluranin, “Sina Thor at Loki sa
Lupain ng mga Higante” sa pahina 174-177, Filipino-Ikasampung
Baitang, Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon-2015 at
basahin din ang akdang “Rihawani” mitolohiya ng Pilipinas, sa
pahina 179-180, Filipino-Ikasampung Baitang, Modyul para sa
Mag-aaral, Unang Edisyon-2015
 Paano naiiba ang mitolohiyang kanluranin sa mitolohiyang
Pilipino?

2. Pagsasanay/ Aktibidad
Panuto: Gamit ang graphic organizer, paghambingin ang mitolohiyang
Pilipino na Rihawani at Mitolohiyang Kanluranin na Sina Thor at Loki
sa Lupain ng mga Higante.
Rihawani Sina Thor at Loki sa Lupain ng
mga Higante
Tauhan:_____________________ Tauhan:_____________________
Tema:_______________________ Tema:_______________________
Tagpuan:____________________ Tagpuan:____________________
Banghay:___________________ Banghay:___________________
____________________________ ____________________________

3. Mga Batayang Tanong


Batay sa paghahambing na ginawa, basahin ang mga sumusunod na
mga tanong sa ibaba. Unawain at pag-isipan ang iyong mga kasagutan at
isulat ang mga ito sa patlang.

a. Ano ang kalakasan ng mga pangunahing tauhan sa dalawang mito?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

b. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiyang Rihawani at


Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante?
i. Tauhan-____________________________________________________
ii. Tagpuan- __________________________________________________
iii. Banghay- __________________________________________________
iv. Tema- _____________________________________________________

c. Paano tayo naghahambing ng mito buhat sa iba’t ibang panig ng


mundo?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2
4. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

Panuto: Gawin ang GRASP sa paghahambing ng mitolohiyang


Kanluranin at mitolohiya ng Pilipinas gamit ang Venn Diagram.
Magsaliksik ng Mitolohiyang Kanluranin at Mitolohiya ng Pilipinas
at paghambingin ang dalawa batay sa elemento nito. Ang kanilang
pagkakatulad at pagkakaiba. Tatayahin ang ginawang
paghahambing ng dalawang mito sa pamamagitan ng Rubrik sa
susunod na pahina.

Goal Ikaw ay makapaghahambing ng mitolohiya ng


Kanluranin at Mitolohiya ng Pilipinas gamit ang
Venn Diagram
Role Dalubhasa sa Panitikan
Audience Guro
Situation Ikaw ay isang dalubhasa sa panitikan na gusto
mong paghambingin ang katangian at kakanyahan
ng mito ng Kanluranin at ng Pilipinas
Product Nakapaghahambing ng mitolohiyang Kanluranin at
mitolohiya ng Pilipinas gamit ang Venn Diagram

VENN DIAGRAM
Paghahambing ng Mitolohiyang Kanluranin at Mitolohiya ng Pilipinas
PAGKAKATULAD

Mariang Sinukuan o
Thor at Loki sa Lupain anumang mito ng
ng mga Higante Pilipinas na
nabasa/napanood

3
Rubrik sa Paghahambing ng Mito Gamit ang Venn Diagram

Krayterya 5 3 1
Lubos na Mahusay ang Di-gaanong
Paghahambing mahusay ang paghahambing mahusay ang
paghahambing sa dalawang paghahambing
sa dalawang mito sa dalawang
mito mito
Nilalaman Natalakay ang Natalakay ang Natalakay ang
4 na elemento 2-3 na 1 lamang na
ng dalawang elemento ng elemento ng
mito dalawang mito dalawang mito

Iskala Interpretasyon

9- 10 Napakahusay
5- 8 Mahusay
2- 4 Nangangailangan ng Pagpapaunlad

V. Repleksiyon
Sagutin ang tanong sa ibaba upang maipahayag mo ang iyong
natutuhan sa aralin na ito. Isulat ang sagot sa patlang.

Bakit may pagkakaiba at pagkakatulad ang mga mito sa bansang


kanluranin at sa Pilipinas?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4
5
Panuto:
Paano naiiba ang mitolohiyang kanluranin sa mitolohiya ng
Pilipinas?
 May pagkakaiba at pagkakatulad sa tauhan. Magkaiba
ang mga tauhang ginagamit batay sa pinaniniwalaan ng
bansa ngunit kapwa may taglay na mga supernatural na
kapangyarihan.
 Kapwa may aral kang matutunan
 Nabibigyang solusyon ng mga tauhan ang suliranin
 Kapwa rin tumatalakay sa kahinaan ng tauhan
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
a. Tauhan (Iba-iba ang sagot)
Ang pangunahing tauhan sa kwento ay may angking galing at
kakaibang lakas. Ang ibang mga tauhan na ginamit sa kwento ay mga
kakaibang nilalang (tulad ng Higante) na may taglay na kapangyarihan
na hindi mapapantayan ng ordinaryong tao.
b. Tema- Tumatalakay sa katangian at kahinaan ng tauhan
c. Tagpuan- Sa kagubatan sa kaharian ng mga higante..
d. Banghay_Maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
Rihawana
a. Tauhan (Iba-iba ang sagot)
Ang pangunahing tauhan ay may angking kakaibang galing o
supernatural na kakayahan
b. Tema- Tumatalakay sa katangian at kahinaan ng tauhan
c. Tagpuan- Sa kagubatan
d. Banghay-nagpapakita ng ugnayan ng mga diyos at tao
Batayang Tanong:
1. Mitolohiyang Kanluranin –kalakasan taglay na kapangyarihan,
kahinaan napaglalangan Mitolohiyang Pilipino- kalakasan taglay na
kapangyarihan.
(Iba-iba ang sagot)
2. Tauhan- kapwa may taglay na supernatural na kapangyarihan ang
mga tauahan
Tagpuan- parehong nasa kagubatan
Banghay- Wala gaanong kapana-panabik na pangyayari sa mito ng
Pilipinas ngunit sa Kanluranin ay mayroon.
Tema _parehong tumatalakay sa katangian at kahinaan ng tauhan.
3. Naghahambing tayo gamit ang elemento ng mito.
GRASP-
Maaring iba-iba ng sagot nakadepende sa napanood/nabasang
mito
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like