You are on page 1of 6

FILIPINO – GRADE 10

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikatlo Linggo: 1 SSLM No. 1

MELC(s): A. Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya


ng Africa at Persia.(F10PN-IIIa-76)
B. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay
sa suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan at desisyon ng
tauhan. (F10PB-IIIa-80)

Layunin:
⮚ Nailalahad ang mahalagang kaisipan sa mitolohiyang binasa
gamit ang storyboard.
⮚ Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya
ng Africa at Persia.

Paksa: Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya )

Tuklasin Natin

Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napapalibutan ito ng


Ethiopia sa Hilaga , Somalia sa Hilagang –Silangan , Tanzania sa Timog, Uganda sa
Kanluran at Sudan sa Hilagang Kanluran. Kasama ang karagatang Indian sa
Timog-Silangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, sining sa
inukit na bato, arkitektura ng mga palasyo, at museo na yari sa putik, may musika
at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng kanilang lahi. Masasalamin natin ang
kanilang mga literatura sa pamamagitan ng kanilang mitolohiya na higit na
nagpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya.
Ang salitang Mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa
sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral.Ang salitang mitolohiya ay hango sa
salitang griyego na mythos na ang ibig sabihin ay kuwento. Ito ay natatanging
kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang
kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. .

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14,


2021
Panimulang Gawain: Ngayon ay handa ka nang simulan ang mga gawain upang
malaman ang mga sagot sa mga gawaing inihanda para sa iyo.

Gawain 1: Lagyan ng Tsek (√) ang kahon na naglalarawan sa katangian ng


mitolohiya.

1.May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang


kinabibilangan at sinauna ang panahon.

2. Nagpapaliwanag ng natural na pangyayari.

3.Hinango ang mga pangyayari sa pang araw-araw na


pamumuhay ng tauhan.

4.Tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural


na mga pangyayari.

5. Nagtataglay ng mga aral sa buhay.

Subukin Natin

Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya
ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang
lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan
ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang
pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho
ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa
Faza o isla ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang


pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa
Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng
mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan
sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena
at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala
(Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang
nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga
tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang
mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng
busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y
pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas.
Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa
digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na
dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang
lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa
kaniya.
Isagawa Natin

Gawain 2:
A.Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang sa tulong ng mga pahiwatig na titik
sa bawat kahon
1. Sistema ng pamumuno na nakabatay sa angkan ng mga kababaihan.
M __ T R I ____ ____ N E A ____
2 Pamamahala ng mga kalalakihan.
P A __ __ __ L I ____ ____ ____ ____
3. Isla ng Pate
F ___ Z ___
4.Kilala sa tawag na Wagala .
G A ____ ____
5.Kahariang pinamumunuan ni Liongo.
____ Z _____

B. Pag-unawa sa akda
1.Magbigay ng ilang katangian ni Liongo bilang hari . Bigyan ito ng ilang patunay .

Liongo

2. Ano ang kahinaan ni Liongo. Makatotohanan ba ito?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Nangyayari ba talaga na naglalaban ang magkadugo dahil sa isang bagay?
Patunayan ang sagot.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Anong mahalagang aral ang nais ipabatid ng iyong binasang akda?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain 3: Paano naiiba ang Mitolohiya ng Africa at Persia? Ipakita ito sa


pamamagitan ng comparison organizer.
Mitolohiya Mitolohiya

ng Africa ng Persia

Ilapat Natin

Gamit ang storyboard ,magbigay

ang mga pangyayaring kaugnay ng mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay


sa suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan at desisyon ng tauhan. Isulat sa loob
ang mga kaisipang taglay ng akda .

1. 2. 3. 4.

Ang bubuoing storyboard ay susukatin sa pamamagitan ng rubric na ito:

Rubrik sa Pagwawasto Puntos Aking puntos

Malinaw na nailahad ang mga kaisipang taglay ng mitolohiya 5

ubricLohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 5

Wasto ang gamit ng wika. 5

Kabuoang Puntos 15

5-napakahusay 3-katamtaman

4-mahusay 2-1- kailangan pa ng kasanayan


Sanggunian

Aklat:
Ambat, Vilma C. et.al Panitikang Pandaigdig 10: Modyul ng mag-aaral sa Filipino. Pasig
City: Instructional Materials Council Secreriat (DepEd-IMCS), 2015.

SSLM Development Team


Writer: Mylen E. Dongosa
Content Editor: Virgilina L. Cabaylo
LR Evaluator:Marietta P.Delima
Coordinator in Filipino: Lelita A. Laguda
Education Supervisor in Filipino: Norma E. Pascua
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V
Gawain 2
1.Matrilinear 5. √
2.Patrilinear 4. √
3.Faza 3.
4.Gala 2. √
5.Ozi 1. √
Gawain 1
Susi sa Pagwawasto

You might also like