You are on page 1of 8

FILIPINO GRADE 10

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikatlo Linggo: Ikalawa


Anekdota
MELC(s): Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.
F10PN-IIIb- 77
Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo
ng awtor, paraan ng pagsulat, at iba pa.
F10PB-IIIb- 81
Nabibigyang- kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.
F10PT-IIIb- 77
Layunin: 1. Nasusuri ang damdaming namayani sa anekdota;.
2. Natutukoy ang paksa, tauhan ,tagpuan, motibo ng awtor, paraan
ng pagsulat sa binasang anekdota;
3. Naibibigay ang kahulugan ng nabuong salita mula sa mga panlaping
ginamit..
Paksa: Anekdota

Tuklasin Natin

Damhin ang Damdamin!.


Panuto: Suriin ang damdaming namayani na nais ipahiwatig sa pahayag na nasa loob ng
KAHON A at iugnay ang inyong napiling sagot sa KAHON B.
Gawing gabay ang unang bilang.
A B
1. , “Wala akong panahong magsalita sa
mga taong hindi alam ang aking
sasabihin.” a. Pag-aalinlangan

2. , “Kung alam na pala ninyo ang aking b. Pagkalito


sasabihin, hindi ko na sasayangin ang c. Pakamangha
marami ninyong oras.”
d. Pagwalang-bahala
3. “Ang nakasuot ng balabal ay walang
pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi e. Matinding galit
siya nagtataglay ng paggalang at f. katapangan
kababaang-loob.”4. Piho

4. “Ang hari ay nilikha para sa kagalingan


ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha
ang mamamayan para paglingkuran ang
Sultan.”

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 01.00, Effective April 5, 2021


Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin, na kilala


bilang Mullah Nassr-e Din (MND), ang
pinakamahusay sa pagkukuwento ng
katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong
naaalala ng mga Iranian na dating mga
Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-
libong kuwento ng katatawanan ang
naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang
lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng
sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro
at puno ng katatawanang estilo sa
pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga
tao ang kaniyang mga naisulat mula noon
magpasahanggang ngayon.

Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa


harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang
aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya‟t kaniyang
sinabi, “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking
sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli
upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng
katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo.” Sumagot si Mullah Nassreddin,
“Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang
marami ninyong oras”, at muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa
kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muling anyayahan si Mullah Nassreddin
upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong, “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot, ang kalahati ay nagsabi
ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya‟t muling nagsalita si
Mullah Nassreddin, “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya‟t kayo ang
magsasabi sa kalahati na „di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 01.00, Effective April 5, 2021


Narito naman ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay
naitala dahil sa dalawang kadahilanan: Una, ang pagiging simple sa paggamit ng
direktang lengguwahe o salita upang makabuo ng isang mahusay na aklat para sa
pagsisimula ng mga mag-aaral na Persiano. Ikalawa, binubuo ito ng simpleng
kasabihan at mga kuwentong itinuturing na mahusay na mga pahayag ng
paniniwalang Sufis.

Para sa Sufis, ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya, bahagi ito
ng buhay. Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito nagpapahalaga
sa oras, pera o maging karangalan. Nakatuon ito sa pagpapaunlad ng isang
indibidwal sa pamamagitan ng kanilang mga pandama.

Mongheng Mohametano sa Kaniyang Pag-iisa


Mula sa mga anekdota ni Saadi
Persia/Iran
Ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isang araw, ang mongheng


Mohametano ay nag-iisa at namamanata
sa disyerto. Ang Sultan naman ay
namamaybay sa kaniyang ruta, sa
kaniyang nasasakupan ay matamang
nagmamasid sa mga tao. Nakita niyang
hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang
Mongheng Mohametano habang
dumadaan siya. Nagalit ang Sultan at
nagwika, “Ang nakasuot ng balabal ay
walang pakiramdam, tulad siya ng hayop,
hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang-loob.”

Kung kaya‟t ang vizier o ministro ay nagwika, “Mongheng Mohametano!


Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit „di mo siya
binigyan ng kaukulang paggalang?”

Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang


magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang
magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa
kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para
paglingkuran ang Sultan.”

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 01.00, Effective April 5, 2021


Subukin Natin

Panuto: Suriin ang dalawang anekdotang binasa at tukuyin ang paksa,


tauhan, tagpuan, motibo ng awtor at paraan ng pagsulat.

Mullah Nassreddin Mongheng Mohametano

Ano ang anekdota?

Ang anekdota ay isang kuwento ng nakawiwili at nakatutuwang


pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang
magandang karanasang kapupulutan ng aral. Ito‟y magagawa lamang kung ang
karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap
ay nakakukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang
pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay
magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang
pagbasa ng anekdota.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 01.00, Effective April 5, 2021


Narito ang ilang katangian ng anekdota.
1.May isang paksa itong tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa
pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng
kahulugan sa ideyang nais ilahad.
2.Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang
nais nitong ihatid sa mambabasa. „Di dapat mag-iwan ng anomang bahid ng
pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.
Ang panlapi ay salitang ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang
salitang naghahatid ng kahulugan. Mayroon itong limang uri;
Unlapi – mga panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat
Halimbawa : Uminom (Ang panlaping ikinabit ay um at ito‟y matatagpuan sa unahan ng
salitang inom.
Gitlapi – mga panlaping ikinakabit sa gitna ng salita.
Halimbawa : Kinain (Ang panlaping ikinabit ay in at ito‟y matatagpuan sa gitna na
salitang kain
Hulapi – mga panlaping ikinabit sa hulihan ng salita
Halimbawa: Sayawan (Ang panlaping ikinabit ay an at ito‟y matatagpuan sa hulihan ng
salitang sayaw.
Kabilaanan – mga panlaping ikinabit sa unahan at hulihan ng salita.
Halimbawa: Kabataan (Ang panlaping ikinabit ay ka na matatagpuan sa unahan at an
na matatagpuan sa hulihan ng salitang bata.
Laguhan – panlaping ikinabit sa unahan, gitna at hulihan ng salita.
Halimbawa: Pagsumikapan ( Ang panlaping ikinabit ay pag na matatagpuan sa
unahan, um na matatagpuan sa gitna at an na matatagpuan sa hulihan ng salitang
sikap.

Isagawa Natin
Panuto: Isulat ang nabuong salita gamit ang panlapi o mga panlapi.
Ibigay ang nabuong salita batay sa ginamit na panlapi. Gawin g gabay
ang unang bilang.

Salitang -ugat Panlapi Salitang Nabuo


1. luto -in (unlapi) Iniluto
2. Lakad -um ( gitlapi)
3. sikap -pinag /-um / -an (laguhan)
4. tawa -pa / -rin (kabilaan)
5. asa -um (unlapi)
6. Ibigaytiwla -mapag/ -ka / -an (laguhan)
7. Takas -pa / -in (kabilaan)
8. habol -in (hulapi)
9. basa -in (gitlapi)
10. basa -mag / -han (kabilaan)

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 01.00, Effective April 5, 2021


Ilapat Natin

Suriin ang mensaheng nakapaloob sa binasang parabula. Gumawa ng


isang „hugot na linya‟ o hugot lines‟ na may mensahe na kagandahang -asal
na magiging gabay mo sa iyong pang-araw -araw na buhay:

Ang hari ay nilikha


para sa kagalingan
ng kaniyang
nasasakupan at
hindi nilikha ang
mamamayan para
paglingkuran ang
Sultan.

Rubrik sa Pagbuo ng ‘Hugot Lines’


20nilikha ang
pan at hindi 10 5
mamamayan para
Pagkabuo Angkop ,wasto at May iilang salita na Walang sapat na
paglingkuran ang Sultan.
madaling ginamit na „di angkop ideya na inilahad sa
maintindihan ang ,wasto at madaling pagkabuo ng „hugot
mga salitang ginamit maintindihan . lines‟
Nilalaman Mabisa at tumpak na Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang nais naipahayag ang ang mensaheng
iparating na mensaheng nais nais iparating
mensahe iparating o ipamalas. /walang tumpak na
mensaheng
tinutukoy

6 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Sanggunian

 Ikasampung Baitang Modyul ng


Mag-aaral Unang Edisyon 2015 nina Vilma C. Ambat et al

 Panitikang Pandaigdig 10 Modyul ng Mag-aaral


sa Filipino

SSLM Development Team


Writer: Marivic T. Delmo
LR Evaluator: Virgilina L. Cabaylo
Illustrator:
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Coordinator in Filipino: Lelita A. Laguda
Education Program Supervisor: Norma E. Pascua
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

7 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14,
2021

You might also like