You are on page 1of 17

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I.Layunin
Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota;


2. Nakapagsusuri sa binasang anekdota batay sa paksa,tauhan,tagpuan,motibo ng awtoe
paraan ng pagsulat at iba pa;
3. Nakapagbibigay kahulugan sa mga salita batay sa ginamit na panlapi;
4. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube;
5. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota;
6. Nagagamit ang kahusayang gramatikal,diskorsal at stategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orihinal na anekdota.

II. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.
B. Sanggunian:
(F10PN-IIIb-77)
C. Kagamitang Panturo: TV, PPT

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1.Pagbati
Magandang araw sa lahat! Magandang araw din po binibining Julia
2. Panalangin
Bago tayo magsimula maari bang Sa ngalan ng Ama, Anak, Espirito Santo
magsitayo ang lahat para sa Amen.
panalangin.
Ama Namin”…….

Muli isang mapagpalang at magandang araw


sa lahat!
Maari ng kayong umupo!
3. Pagtala ng Liban
Narito po maam!
Binibining…..

B. Panlinang ng Gawain

Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang


maikling palaro na pinamagatang
(4 PICS 1 WORD)
3. Pagganyak
Paki basa ng panuto…
Panuto: Hulaan ang mga larawang
( Nagtaas ng kamay)
nakapaskil at unawain ng maayos.

Narito ang mga sumusunod na inaasahang


larawan:

Unang larawan:
Pangalawang Larawan:

Ito ay ang lugar na Persia


(Ito po ay Anekdota)
1.Ano ang unang larawan?
2. Ano naman kaya ang pangalawang
larawan? ( Maaring magkakaiba ang ideya ng
bawat mag-aaral)
3. Ano kaya ang tawag ngayon sa Persia?
Ang Persia ay tinatawag ngayon ng Iran
nakikitaan ng mga kasabihan,relihiyon sa
paniniwalang Sufism, Pagpapaunlan ng
isang indibidwal sa pamamagitan ng
pandama.

Ngayon tungkol saan kaya ang ating paksa?


Paglalahad ng Layunin:
Ngayon ay may panibagong layunin na
naman tayo na nais matamo pagkatapos ng
ating aralin:
A. Naipapamalas ng mga mag-aaral ang
kakayahang
komunikatibo,mapanuring pag-iisip at
pag-unawa at pagpapahalagang
pampanitikan gamit ang teknolohiya
at iba’t ibang uri ng teksto at salitang-
akdang pandaigdig tungo sa
pagkakaroon ng kamalayang global.
(F10PN-IIIb-77)
Paglalahad ng Aralin
Lahat ba ay sabik na matuto sa panibagong
aralin ngayon. Ihanda niyo na ang inyong
sarili.

Handa naba ang lahat? Handa na po!

Pagtatalakay
Naipapaliwanag ang Anekdota.

Ano kaya ang ibig sabihin ng Anekdota?


Ang Anekdota ay nagmula sa bansang Persia
na ngayon ay kilala nang Iran. Isang
malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang
bawat pangungusap ay kukuha ng interes
ng mambabasa. Dapat na ang panimulang
pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang
magandang panimula ay magbibigay ng
pagganyak sa mambabasa at mahikayat na (NAKIKINIG!)
ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
Pagsinabi nating Anekdota ito ay isang
maikling kuwento ng isang nakawiwili at
nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang
tao.Ang Anekdota ay isang pagsasalaysay ng
ilang kawili-wiling insedente o pangyayari.

Mayroon Layunin ang Anekdota


layunin ng isang nagbibigay-kaalaman na
sanaysay, minsan ay tinatawag na isang
(NAKIKINIG!)
nagpapaliwanag sanaysay, upang turuan sa
isang tiyak na paksa. Ito ay hindi para sa
pagbibigay ng opinyon o kapani-paniwala ng
isang tao na gawin ang isang bagay o
baguhin ang kanyang mga paniniwala. Bilang
karagdagan sa pagiging mapagbigay-
kaalamang, kailangang maging kawili-wili.
Naririto ang ilang katangian ng anekdota:
1. May isang paksang tinatalakay. Ito ay
dapat bigyan ng kahulugan sa
pagsulat ng anekdota
2. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng
ganap pagkaunawa sa kaisipang nais
nitong ihatid sa mga mambabasa.
Mayroong Elemento ng Anekdota una na dito
ay ang:
1. Tauhan- Sa anekdota, kailangang ang
pangunahing tauhan isang kilalang
tao. Siya’y maaring bayani o isang
pangkaraniwang taong nakagawa ng
di-inaasahang gawain na nagbigay
pangalan sa kanya.
2. Tagpuan- Simple at kalimitan ay
nagaganap lamang sa isang lugar ang
tagpuan sa anekdota.
3. Suliranin- Ang pangunahing tauhan
ang madalas na magkaroon ng
suliranin sa kuwento. Bago magwakas
ang isang akda ay kinakailangang
nalutas na ang suliranin.
4. Banghay- Ang banghay sa anekdota
ay malinaw at maikli. Bukod dito
pinakasentro sa pangyayari ay ang
nakaaliw na bahagi na nakapagpa
aliw sa mga mambabasa o
tagapakinig. Sa banghay matatagpuan
ang panimula,nilalaman at wakas ng
isang anekdota.
5. Tunggalian- Ang anekdota ay
nagtataglay ng tunggalian ng tauhan
laban sa kanyang sarili, sa kanyang
kapwa at sa kanyang paligid, Ito’y
nakapaloob sa banghay.
6. Kasukdulan- Ang kapana-panabik na
bahagi sa anekdota ay ang
kasukdulan. Kadalasan sa bahaging
ito pa lamang ay natutukoy na ng mga
mababasa ang magiging wakas ng
kuwento. Ito’y nakapaloon din sa
Opo maam..
banghay.
Malinaw na ba sa lahat kong ano ang ibig
sabihin ng anekdota?

Wala na po Maam
May karagdagang katanungan paba?

Mahusay! Ngayon dumako naman tayo sa


isang Anekdota ng Mullah Nassreddin na
isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Mayroon akong inihandang video


presentation dito upang maunawaan pa ng
mas malinaw at maigi.
(Nakikinig at nagmamasid)

Upang mas maunawaan pa ninyo ang


anekdota ni Mullah nassreddin ay mayroon
akong inihandang buod.
Isang tanyag na manunulat at komedyante
si Mullah Nassreddin o Mulla Nasser-e
Din (MND) sa tunay buhay. Kinikilala siya
dahil sa kaniyang galling sa paglikha ng
mga piyesa ng kakatawanan na tumatak
sa bansang Iran at kanyang mga
kababayang Persioano. Naging klasiko ang
paraan ng pagpapatawa ni Mullah na
talaga namang hanggan sa ngayon ay
dinadakila pa rin sa kanilang bansa. Isa sa
kaniyang hindi malilimutang kuwento ng
katatawanan ay ang kanyang nagging
maikling talumpati nang naimbitahan siya
bilang isang panauhin sa isang
pagtatanghal. Nang nasa entablado na
tinanong ni Mullah ang mga manonood
kung alam na ba ng mga ito ang kaniyang
sasabihin. Naging klasika ang paraan ng
pagpapatawa ni Mullah na talaga naming
hanggang ngayon ay dinadakila pa rin sa
kanilang bansa. Nang nasa entablado na
tinanong ni Mullah ang mga manonood
kung alam na ba ng mga ito ang kaniyang
sasabihin. Naging matapat naman ang
mga manonood at sinabing hindi nila alam
ang talumpati ni Mullah. Kinabukas ay
bumalik ito bilang panauhin ibinato nito
ang katulad pa ring tanong. Sumagot
naman ang mga manonood na hindi batid
ang kaniyang isasalaysay. Kinabukasan
bumalik ito bilang panauhin. Ibinato nito
ang katulad pa ring tanong. Sumagot
naman ang mga manonood na ngayon ay
alam na nila ang sasabihin nito upang
magpatuloy ang palabras. Sumagot naman
si Mullah na kung alam na pala ng
manonood ang kaniyang sasabihin ay aalis
na lang siya, na kaniya naming ginawa.
Kinabukasan muli ay naimbitahan siya at
tinanong ang katulad na tanong. Hati na
ang sagot ng mga manonood na oo at
hindi. Sabi ni Mullah ang mga
nakakaalam ay sila na lang ang magsabi sa
mga hindi.

Mayroon akong inihandang kuwento na

Paglalahat:

Panuto: Ating Suriin, Sagutin ang mga


gabay na tanong.
1. Ilarawan si Mullah
2. Anong katangian ng pangunahing
tauhan ang naibigan mo? bakit?
3. Anong pamamaraan ng pangunahing
tauhan ang ginampanan upang siya ay
makilala bilang pinakamahusay sa
larangan ng pagpapatawa?

Paglalapat: Ako po maam!


Dahil tinalakay na natin ang tungkol sa
Anekdota ni Mullah Nassreddin mayroon
akong inihandang gawain.

Sino ang gusto bumasa ng panuto?


( Maaring magkakaiba ang ideya ng
Panuto: Suriin ang anekdotang “ Mullah
bawat mag-aaral)
Nassreddin”. Gawin ito sa pamamagitan ng
pagbuo ng tsart na nasa ibaba.

Mullah
Nasseri
ddin

Pa Moti Paraa
Ta Tag
ks bo n ng
uh pua
a: ng Pags
an: n
awto ulat:
r:

Pagbabalik aral:
(Naguunahan na mag taas ng kamay!)
Bago tayo dumako sa bagong aralin ay nais
ko munang malaman kong inyo pang
natatandaan ang tinalakay natin kahapon? Ang huling tinalakay natin ay ang
Anekdota ni.....
Ano nga ba ang huling tinalakay?

Tama! Ang tinalakay natin kahapon ay


tungkol sa Anekdota.

Ngayon ay dumako naman tayo sa


panibagong aralin na nais nating matamo
ngayong araw.
Paglalahad ng Aralin:
Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga
sulat ni Saadi ay naitala dahil sa dalawang
kadahilanan:
● Una ang pagiging simple sa
paggamit ng direktang lengguwahe o (Nakikinig)
salita upang makabuo ng isang
mahusay na aklat para sa pagsisimula
ng mga mag-aaral na Persiano.
● Pangalawa binubuo ito ng simpleng
kasabihan at mga kuwento na
itinutirung na mahusay na mga
pahayag ng paniniwalang Sufi.
Para sa Sufis ang Sufism ay hindi lamang
relihiyon o pilosopiya bahagi ito ng
buhay. Wala itong kaugnayan sa bagay at
lugar at hindi rin ito nagpapahalaga sa (Opo maam)
oras,pera o maging karalangalan.
Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang
indibidwal sa pamamagitan ng kanilang
pandama.

Naiintindihan naba ninyo?

Mahusay!

Mayroon akong inihandang video


presentation upang inyong maunawaan ng
maayos ang ating topiko ngayong araw.

Opo maam.

Alam na ba ninyo ang magiging topiko natin


ngayong araw?

Dahil alam na ninyo ang magiging topiko


ngayong araw mayroon akong inihandang
tatlong katanungan at sasagutan lamang
ninyo ito ng 10 minuto at isulat ito sa isang
buong papel.
Una ay:
( Opo maam)
1.Anong katangian ang pinamalas ni Saadi
batay sa anekdotang nasulat?
2.Magbigay ng sariling opinyon sa napanood
na video ng anekdota.
3.Bakit kaya hindi nagtaas ng ulo ang
Monghe sa pagdaan ng Sultan?

Tapos na ba ang lahat?


( Ako po maam)

Mahusay!

Bukas ay may ipapasa kayong Gawain ito ay


ang tinatawag na Characted Web ito ay
binubuo ng 20 puntos.

Sino ang gustong bumasa ng panuto?

Panuto: Kilalaning mabuti si Saadi, punan


ang Character Web sa ibaba.

Saadi

Gramatika at Retorika:
Ano nga ba ang ibig sabihin ng Gramatika at
Retorika?
Ang retorika ang galing sa salitang Griyego
na “rethor” na ang kahulugan ay taong
mahusay mananalumpati. Siya rin ay
matatawag na magaling na orador.
Samantala, ang gramatika naman ay
nauugnay sa pag-aaral at uri ng mga salita.

Alam mo ba na..

Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na


naglalatag ng mga karanasang
magkakaugnay? Pagkukuwento ito ng mga
kawili-wiling pangyayari,pasulat man o
pasalita. Itinuturing ito na
pinakamasining,pinakatanyag at tampok na
paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang
sinasabing pinakamatandang uri ng
pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang
alamat o epiko at mga kuwentong bayan ng
ninunong mg a Pilipino maging sa ibang
bansa man.

Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang


hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay.
Kailangang ito ay maganda at kawili-wili.
Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito
ay may dalang lugod at kabutihan sa mga
mambabasa.

Mayroong iilan sa dapat isaalang-alang sa


pagpili ng paksa una na dito ay ang:

1. Kawilihan ng paksa- Dapat ay likas


na napapanahon,may mayamang
damdaming pantao, may kanapana-
panabik na kasukdulan, naiibang
tunggalian at may malinaw at maayos
na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan.
2. Sapat na kagamitan- Mga datos na
pagkukunan ng mga pangyayari
3. Kakayahang Pansarili- Ang pagpili ng
paksa ay naayon din sa
kahusayan,hilig at layunin ng
manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook- Ang
kagandahan ng isang pagsasalaysay
ay nakasalaysay sa malinaw at
masining na paglalarawan ng panahon
at pook na pinangyarihan nito. Kaya
mahalagang iwasan ang labis na
paghaba sa panahong sakop ng
sanaysay at pagbanggit ng
napakaraming pook na pinangyarihan
ng sanaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa- Sumusulat
ang tao hindi para lamang sa
kaniyang pansariling kasiyahan at
kapakinabangan,kundi para sa
kaniyang mambabasa.

Ang mga mapagkukunan ng paksa:

1. Sariling Karanasan- Pinakamadali at


pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat
ito ay hango sa pangyayaring
naranasan ng mismong
nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba-
Maaring usapan ng mga tao tungkol
sa isang pinagtatalunang isyu,mga
balita sa radyo at telebisyon at iba pa.
Subalit, tandaang hindi lahat ng
narinig sa iba ay totoo at dapat
paniwalaan. Mahalagang tiyakin
muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood- Mga palabas sa sine,
telebisyon, dulaag panteatro at iba pa.
4. Likhang isip- Mula sa
imahinasyon,katotohanan man o
ilusyon ay makakalikha ng isang
sanaysay.
5. Panaginip o pangarap- Ang mga
panaginip at hangarin ng tao ay maari
ring maging batayan ng pagbuo ng
sanaysay.
6. Nabasa- Mula sa anumang tekstong
nabasa kailangangang ganap na
nauunawaan ang mga pangyayari.
Mga uri ng pagsasalaysay:

1. Maikling kwento- Nagdudulot ng


isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa sa pamamagitan ng
paglalahad ng mahahalagang
pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang pasalaysay- Patulang
pasalaysay ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng mga saknong.
3. Dulang Pandulaan- Binibigyang diin
dito ang bawat kilos ng mga tauhan,
ang kanilang panlabas na kaanyuan
kasama na rito ang kanilang
pananamit,ayos ng buhot at mga
gagamiting mga kagamitan sa bawat
tagpuan. Ang kuwentong ito ay
isinulat upang itanghal.
4. Nobela- Nahati sa mga kabanata;
punong-puno ng mga masalimuot na
pangyayari.
5. Anekdota- Pagsasalaysay batay sa
tunay na pangyayari.
6. Alamat- Tungkol sa pinagmulan ng
isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay- “ Tala ng Buhay” ng
isang tao,pangyayaring naganap sa
buhay ng isang tao mula sa kanyang
pangwakas.
8. Kasaysayan- Pagsasalaysay ng
mahalagang pangyayaring naganap sa
isang tao,pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue)-
Pagsasalaysay ng isang
pakikipagsapalaran,pagbibiyahe o
paglalakbay sa ibang lugar. Opo maam!

Naiintindihan naba ninyo ang kanilang mga


ibig sabihin?

Mahusay!
Ako po maam….
Ngayon, Ay magkakaroon muna tayo ng
maikling pagsusulit.
Sino ang ma aaraling magbasa ng panuto?

Pagtataya:
MAIKLING PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat


aytem at isulat ang sagot sa hiwalay na
sagutang papel.

1. Sa pagsulat ng anekdota kinakailangan


maging kawili-wili ang mga unang
pangungusap nito upang makuha ang
________________ ng mambabasa. Ito ay
nagpapahayag ng mga pangyayari o
kasanayang magkakaugnay.
A. damdamin C. interes
B. inaasahan D. kiliti

2. Ito ang bansang pinagmulan ng


anekdotang “Mullah Nassreddin” na kilala
ngayon sa tawag na Iran.
A. Pakistan C. Peru
B. Persia D. Pilipinas

3. Ang mga sumusunod ay mga dapat


isaalang-alang sa pagpili ng paksa,
MALIBAN SA
ISA.
A. kawilihan ng paksa C. tiyak na panahon o
pook
B. kilalanin ang mambabasa D. kakayahang
manghikayat

4. Bukod sa kawili-wili ang pagbabasa ng


anekdota, ito rin ay kapupulutan ng
_________.
A. mahalagang aral C. karangalan
B. mahalagang bagay D. kasiningan

5. Siya ay kilala bilang pinakamahusay sa


pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang
bansa sa Persia.
A. Allah C. Saadi
B. Mullah Nassreddin D. Simon

6. Ang lupain ng Persia at mga tao kasama ng


Medo at Persiano ay magkakaugnay na
mga bayan sa sinaunang Tribong Aryano na
mayaman sa sining tulad ng _________.
A. pagpana at pangangabayo C. pagtanim at
pangangabayo
B. pagpana at pangangaso D. pagtanim at
pangangaso

7. Napag-isipan mong sumulat ng anekdota at


naghahanap ka ng mapagkukunang paksa
na pinakamadali at pinakadetalyadong paraan
ng pagsasalaysay na hango sa
pangyayaring naranasan. Anong
mapagkukunang paksa ang iyong gagamitin?

A. likhang-isip C. pangarap
B. napakinggan D. sariling karanasan

8. “Ang nakasuot ng balabal ay walang


pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya
nagtataglay ng paggalang at kababaan ng
loob.” Anong damdamin ang nangingibabaw
sa tauhan?
A. pagkagalit C. pagkalungkot
B. pagkagilas D. pagkatuwa

9. Anong katangian ng Mongheng


Mohametano ang ipinakita sa akda?
A. malakas C. matapang
B. marupok D. matimpi

10. Anong mensahe ang gustong iparating ng


Mongheng Mohametano?
A. Ang isang hari ay hinirang para sa
kagalingan ng kanyang nasasakupan at ang
mamamayan naman ay hindi nilikha upang
personal na pagsilbihan ang hari.
B. Marunong tayong rumespeto, bata man o
matanda, payat man o mataba, mayaman
man o mahirap.
C. Tignan ang kabutihang loob ng isang tao
batay sa kanyang mga sinasabi.
D. Huwag natin husgahan ang tao batay sa
kanyang panglabas na anyo.

Tamang Sagot:

1.C
2.B

3.B

4.A

5.B

6.A

7.D
8.A
9.C
10.B

Panuto: Punan ang kasunod na double


Entry Journal ng sariling reaksiyon
tungkol sa mga dapat isaalang-alang sa
pagsusuri ng isang anekdota.

Pagsusuri Ang Aking


Reaksyon

Kawilihan ng
Paksa

Sapat na
kagamitan

Kakayahang
Pansarili

Tiyak na panahon
o pook
Pagkilala sa
mambabasa

TAKDANG ARALIN:
Panuto: Magsaliksik ng iba pang anekdota
mula sa Pilipinas. Suriin at isulat
sa inyong kuwaderno ang pamagat,
pangyayari at mensaheng ipinabatid nito
sa mambabasa. Gamitan ito ng
pagkamalikhain.

You might also like