You are on page 1of 8

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paranaque

FILIPINO 10 IKATLO AT IKAAPAT NA LINGGO


KWARTER 3

ANEKDOTA – MULLAH NASSREDDIN


Unawain Natin

Alam mo ba na ...

Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay


ng isang tao? Layunin nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral.Itoy magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan.
Sinasabi rin na,isang malikhaing akda ang anekdota.Dapat na ang bawat bahagi sa
tulong ng mga pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa.Dapat na ang
panimulang pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay
magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat upang ipagpatuloy ang pagbasa
ng anekdota.
Ilang Mga Katangian ng Anekdota
a.) May isang paksang tinatalakay.Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng
anekdota.Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais
ilahad.
b.)Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong
ihatid sa mga mambabasa.Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na
may susunod pang mangyayari.
Mula sa; Tl.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota

Ang Iran, na karaniwang kilala hanggang kalagitnaan ng ika-20 siglo bilang Persia sa mundo sa
kanluran, ay magkakaugnay sa kasaysayan ng ilang masmalaking rehiyon
Sa Persia(Iran),ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ng mga Medo, at mga
Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang tribong Aryano.mayaman sa sining tulad
ng pagpapana at pangangabayo.Ang pagsasabi ng katotohanan ay makikita sa literaturang
naiambag sa maraming bansa sa daigdig.
Ngayon Iyong matutunghayan ang isang akda mula sa Persia’
Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan.Dalubhasang Pilosopo at Tagapayo
siya ng mga hari sa kanilang lugar.Nagsimula ang kaniyang mga kuwento sa Persia.Naniniwala ang
mga Sufis na ang pagpapatawa ay nagdudulot ng kasiyahan sa bawat tao.Isinilang siya sa bayan ng
Eskishehir (ak Shehir).Dakilang guro sa pagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga manunulat
para sa pagbuo ng kaisipan at paniniwala na di- makakasakit subalit nakapagbibigay -sigla sa
mambabasa. Paano naiba ang anekdota ng Persia sa iba pang mga kauri nito?

1
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah


Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa
pagkukuwento ng katatawanan sa
kanilang bansa .Lagi itong naaalaala ng
mga Iranian na dating mga Persiano Noong
sila ay mga bata pa.Libo-Libong kuwento ng
katatawanan ang naiambag ni
Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan.
Tinagurian din siyang alamat ng sining sa
pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng
katatawanang estilo sa pagsulat.
Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang
kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.

Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming


tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga
nakikinig “Hindi” kung kayat kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi
alam ang aking sasabihin” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao, Pinagsalita siyang muli upang
magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay
sumagot sila ng “Oo” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking
sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay
nalito at nataranta sa kanyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah
Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi” at
ang kalahati ay sumagot ng “Oo” kung kayat muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati
ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking
sasabihin” at siya ay lumisan.

Mula sa; http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was-master-


anecdotes.html

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Tukuyin sa pangungusap ang salitang nilapian mula sa ibinigay na salitang-ugat at piliin sa
kahon ang kahulugan ng bawat isa.

(gulo ) 1.Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


_____________
(aksaya) 2.Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin.
_____________
(ngimi) 3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homiliya.
_____________
(imbita) 4. Muli na naman siyang naimbitahan sa simbahan.
_____________
(taguri) 5. Siya ay tinaguriang alamat ng sining sa pagkukuwento.
______________

a.Kinilala b. Nalito c.Napahiya d. Sayangin e. Anyayahan

2
Gawain 4:
Mga Gabay na Tanong

1. Batay sa iyong nabasa,paano mo ilalarawan si Mullah


2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?
3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay makilala
bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa sa kanilang bayan?
4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kanyang pagtuturo sa mga tao? Bakit?
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah? Patunayan.
6. Anong pangunahing kaisipan ang nais ihatid ng akda sa mga mambabasa?
7.Sa iyong palagay, ano ang motibo ng awtor sa paglalahad niya ng anekdota ni Mullah
Nasrredin?
8.Ano ang iyong obserbasyon sa paraan ng pagkakasulat ng anaekdotang ito?

Ilapat Natin

GAWAIN 5
Panuto:Ilahad ang mga sariling damdamin batay sa nilalaman ng binasang anekdota
at maglahad ng mga patunay.

D 1.______________ 1.___________________
P
a
a
m
t
d 2.______________ 2.___________________
Mambabasa u
a
n
m
a
i 3.______________ 3.___________________
y
n

Suriin Natin .

Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala dahil sa dalawang
kadahilanan:Una ang pagiging simple sa paggamit ng direktang lengguwahe o salita upang
makabuo ng isang mahusay na aklat para sa pagsisimula ng mga mag-aaral na
Persiano.Ikalawa, binubuo ito ng simpleng kasabihan at mga kuwento na itinuturing na
mahusay na mga pahayag ng paniniwalang Sufi.

Para sa mga Sufis,ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya bahagi ito ng
buhay.Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito nagpapahalaga sa oras ,pera o
maging karangalan.Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibidual sa pamamagitan ng
kanilang mga pandama.

Ang pagkaunawa sa Sufi ay maihahalintulad sa pagbibinata o pagdadalaga na kung paanong


ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa kaniyang pagbibinata/pagdadalaga.Matutuhan ng
tao ang kaalamang Sufi sa proseso, pag-unawa at pagsasanay.

3
Sa kanilang paglalakbay, hinihiling ang magandang ikabubuhay at taimtim na dumadalangin
sa awa at pag-ibig ng Diyos. Sa kanilang mga panulat ang naisasalaysay ang hiwaga na
naabot ni Saadi gayundin ang kaniyang pagbabahagi ng kaniyang kaalaman sa buong
mundo.

Mula sa mga Anekdota ni Saadi


Persia
ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles

Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.

Isang araw,ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan


naman na namamaybay sa kaniyang ruta sa kaniyang nasasakupan ay matama
nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang mongheng
mohametano habang dumadaan siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika”Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam ,katulad
siya ng hayop,hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.”
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng
buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang
paggalang.
Sumagot ang Mongheng Mohametano, ”Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng
paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa.Sabihin mo sa
kaniya,ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang
mga mamamayan para paglingkuran ang Sultan.

Gawain 6 Ating Kilalanin


Panuto: Kilalaning mabuti si Saadi bilang isang manunulat, punan ang Character web sa
ibaba.

Katangian bilang Damdaming mahihinuha mula


manunulat sa kanyang mga isinusulat.
SAADI

4
Alam mo ba na..

ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.


Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Ito rin ang sinasabing
pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko at mga
kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man.

Pagpili ng Paksa - Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng


pagsasalaysay.Kailangang ito ay maganda at kawili-wili.
Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa

1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao,


may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na
paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan - Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili - Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan ,hilig at layunin ng
manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ito ay tumutukoy sa malinaw at masining na paglalarawan ng
panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa
panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng
salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa - Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniya pansariling
kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

1. Sariling Karanasan
2. Narinig o napakinggan sa iba
3. Napanood
4. Likhang - isip
5. Panaginip o Pangarap
6. Nabasa
.
MGA URI NG PAGSASALAYSAY
1. Maikling Kuwento - nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay - Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga
saknong.
3. Dulang Pandulaan - Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang
panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga
gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal.
4. Nobela - Nahati sa mga kabanata; punong - puno ng mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat - Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay "Tala ng buhay" - ng isang tao ,pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao
mula sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan - Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o
bansa.
9.Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe
o paglalakbay sa ibang lugar.

5
Tayain Natin

Pagsasanay 1

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot

______1. Siya ang kilala bilang MND ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan
sa kanilang bansa.
______2.Ang Mullah Nassreddin ay anekdotang mula sa ________.
______3.Ang ____________ ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang
karanasan sa buhay ng isang tao
______4.Ang ________________ ay isang diskurso na naglalatag ng mga pangyayaring
magkakaugnay?
______5.Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
A.Persia D. Mullah Nassreddin
B.Anekdota E. Mullah Saadi
C.Pagsasalaysay F. Talambuhay

Pagsasanay 2

Panuto: Sumulat ng isang anekdota batay sa sariling karanasan o pangyayaring nasaksihan sa iba.
Isaalang -alang ang mga sumusunod na pamantayan

Mga Pamantayan sa pagsulat ng Anekdota

1. Kawili-wiling Paksa 5
2.May tauhan at tagpuan 5
3.Masining na paraan ng paglalahad 5
4.Orihinalidad 5
Kabuoan 20

Likhain Natin

Ngayon ay nalalapit ka na sa mga huling gawain para sa modyul na ito, Isang masayang
pagbati sa iyo! Naririto ang isa mo pang gagawin.
Upang matiyak kung tunay mong natutuhan ang mga konseptong tinalakay sa araling ito, kami
ay umaasa na magiging madali na lamang para sa iyo ang pagsasagawa ng inaasahang produkto
ang makabuo ng isang orihinal na komiks strip batay sa sariling anekdota.

Mula sa isinulat mong Anekdota batay sa iyong sariling karanasan o pangyayaring nasaksihan
sa iba na nasa pagsasanay 2, Ikaw ay bubuo o lilikha ng isang Komiks strip na naaayon sa mga
pamantayan sa ibaba.

6
Alam mo ba....
Mga dapat tandaan sa Pagbuo ng Komiks Strip

Ang Komiks ay isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita at


larawan na siyang nagsasalaysay sa diwa ng kwento.

Sa Pilipinas, sinasabing si Dr. Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino na sumulat ng


komiks na pinamagatan niyang “ Pagong At Matsing”

Mga karaniwang Ginagamit na lobo ng Usapan

Pabulong
Nasa isip
Pasigaw lamang
na
dayalogo
na
dayalogo

Pagsabog
o malakas
Karaniwang na tunog
pagsasalita Paglalahad ng
pangyayari

7
Rubrik sa Pagbuo ng isang Makabuluhang komik strip
(Naisalaysay ng mahusay ang anekdota sa pamamagitan ng mga dayalogo at mga larawan).

Pamantayan 5 4 3 2
Kumpleto ang mga May isang May dalawang May mahigit
Bahagi ng komiks bahagi ng komiks bahagi ng bahagi ng sa dalawang
komiks ang hindi komiks ang hindi bahagi ng
ginamit sa ginamit sa komiks ang
pagbuo nito. pagbuo nito. hindi ginamit
sa pagbuo
nito.
Buo ang kaisipan o Medyo kulang Nakalilito ang Hindi
Kaisipan ng diwa ng komiks. ang kaisipan o diwa o kaisipan maunawaan
Komiks Ito ay nakaaaliw diwa ng komiks ng komiks ang diwa o
kaisipan ng
komiks
Walang mali sa May isa o May tatlo o higit Halos mali
Gamit ng wika/gramatik sa dalawang mali pang mali sa lahat gamit ng
Wika/Gramatika usapan sa komiks sa wika wika /gramatika wika
/gramatika sa sa usapan sa /gramatika sa
usapan sa komiks usapan sa
komiks komiks
Napakahusay ang Mahusay ang Hindi gaanong Hindi
Pagguhit pagguhit.Ang pagguhit.Ang mahusay ang mahusay ang
komiks ay makulay komiks ay pagguhit. Ang pagkakaguhit
at kaakit-akit makulay at komiks ay hindi at ang komiks
tingnan kaakit-akit makulay ay hindi
tingnan kaakit-akit
tingnan
Kabuoan 20

You might also like