You are on page 1of 14

10

[Type here]

FILIPINO
Kwarter 3 – Modyul 2
Mullah Nassreddin
(Anekdota mula sa Persia)

Self-Learning Module

1
[Type here]

PAUNANG SALITA

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalaala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ilang mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

2
[Type here]

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo


ngawtor at paraan ng pagsulat. F10PB-IIIb-81
2. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.
F10PN-IIIb-77
3. Nabibigyang – kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.
F10PT-IIIb-77
4. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip ng anekdota. F10PU-IIIb-79

ALAMIN

1. Nasasagot ang mga katanungan hinggil sa binasang anekdota.


2. Naibibigay ang mensaheng nais ipabatid ng may-akda sa mambabasa.

3. Napipili sa loob ng kahon ang akmang kahulugan ng mga salitang italisado na


ginamit sa akda.

4. Nakapagsulat ng sariling anekdota.

3
[Type here]

BALIKAN

Pagkilala sa Kultura ng Persia


Panuto: Piliin sa loob ng kahon at isulat sa akmang bilang sa ibaba ang sagot sa
bawat ipinakitang larawan.

Persiano Ziggurat Chabahar Port Imperyong Achaemenid


Tomb of Cyrus the Great Taq Kasra (Arch of Ctesiphon )

1. 4.

2. 5.

3. 6.

Sanggunian: https://www.tagaloglang.com

1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________
5. _____________________________________________________________________
6. _____________________________________________________________________

4
[Type here]

TUKLASIN

ANEKDOTA

Ang anekdota ay maikling kwento ng isang nakakawili at nakakatuwang


pangyayari o insidente sa buhay ng tao.
Layon nitong makapaghatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan .
Ito ay isang maikling akda . Bunga nito , dapat pagsikapan na ang mga
pangungusap lalung-lalo na ang pambungad ay maging kapana-panabik.
Ang isang magandang simula ay magbibigay ng pagganyak sa mga mambabasa at
mahihilig upang ipagpatuloy ang kanilang pagbasa ng anekdota.
Ang anekdota ay may isang paksang tinatalakay. Lahat ng mga pangyayari ay
dapat magbigay ng kahulugan sa ideyang nais ipadama.
Magiging maganda ang isang Anekdota kapag ito ay nagdudulot ng ganap na
pagkakaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Ito ay di - dapat
mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may mga susunod pang
mangyayari.

SURIIN

Mullah Nassreddin
Anekdota mula sa Persia
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang


pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong
naaalala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-
libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang
lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro
at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang
kaniyang mga naisulat mula noon magpasa hanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa
harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang
aking sasabihin? “Sumagot ang mga nakikinig “Hindi” kung kaya’t kaniyang sinabi
“Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at
siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.

5
[Type here]

Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang


tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “oo” sumagot si
Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin hindi ko na
sasayangin ang marami ninyong oras “ muli siyang umalis .
Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot.
Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng
pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na
ang mga tao sa kanilang isasagot , ang kalahati ay nagsabi ng “ Hindi” at ang kalahati
ay sumgot ng “oo” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “ Ang kalahati
ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang
aking sasabihin,”at siya ay lumisan.

Mula sa http;//Iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-
was-master-anecdotes.html

ISAISIP

1. Si Mullah Nassreddin ay isang’ Pilosopo’(Philosopher), na ang ibig sabihin ay


isang taong nagmamahal sa karunungan at sa katotohanan.
2. Gayunpaman, ‘Pilosopo’rin ang tawag natin sa taong masyadong nililiteral
ang pag-unawa sa mga bagay-bagay.

3. Si Mullah Nassreddin ay dalubhasang ‘Pilosopo’ at tagapayo ng mga hari sa


kanilang lugar. Dakilang guro sa pagpapatawa na siyang naging behikulo ng
mga manunulat para sa pagbuo ng kaisipan at paniniwala na di-
makakasakit subalit nakapagbibigay-sigla sa mambabasa.
4. Marahil kapag tinanong ka kung anong nagustuhan mo sa anekdotang Mullah
Nassreddin ay agad mong sabihing “wala” dahil wala naman siyang sinabi sa
tuwing siyaý naimbitahan bilang tagapagsalitang panauhin. Bagkus ay puro
pagtatanong at agad lumisan ,iniwan ang mga taong nagulumihanan.(Iyan ang
literal na pagpapakahulugan).

5. Ngunit,hindi mo ba naisip na tinuruan ni Mullah Nassreddin ang mga tao na


magkaroon ng mataasang lebel sa pag-iisip ? dahil sa tuwing lisanin sila ni
Mullah ay napapaisip sila kung ano ba ang nais nitong ipabatid sa mga tao?
Sa katunayan, nagkaroon sila ng pagkakasundo kung ano ang kanilang
isasagot sa tanong nito. Nakailang beses silang sumubok upang maging
tumpak ang kanilang mga kasagutan. Hindi man diritsahang sinabi ni Mullah
ay malinaw ang mensahe na hindi kailangan ng mga tao ng isang ‘’Pilosopo’’o
Philosopher upang matuto kundi sa pamamagitan ng pagtutulungan at pag-
aambagan ng mga ideya at kaisipan sa isa’t isa. Ang Kalahating may alam ay
kailangang turuan ang kalahating walang alam nang sa gayon ay magkaroon
ng pagkakaunawaan ang sanlibutan. Ito ang isang makatotohanang nais
ipabatid ng may-akda sa anekdota.

6
[Type here]

TAYAHIN

A. Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong sa inyong sagutang papel.

1. Ilarawan si Mullah.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay


makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah?


Patunayan ang sagot.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota anong


paksa ang nais mong isulat? Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

8. Paano naiiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin ba ang
kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

7
[Type here]

B. Panuto: Suriin ang mahalagang bahagi ng anekdotang “Mullah Nassreddin”Gawin


ito sa pamamagitan ng pagbuo ng tsart na nasa ibaba.

MULLAH NASSREDDIN

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

8
[Type here]

TALAKAYIN:

GRAMATIKA AT RETORIKA
Pagsasalaysay – ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang
magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari , pasulat man o
pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining , pinakatanyag at tampok na paraan ng
pagpapahayag . Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag
sapagkat dito nagsimula ang alamat , epiko at mga kuwentong bayan ng ninunong
mga Pilipino maging sa ibang bansa man.
Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng
pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito,
mahalaga ring napapanahon at may dalang lugod at kabutihan sa mga
mambabasa.

SUBUKIN

A. Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakaitalisado sa


pangungusap.Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang tamang
sagot.

a. Lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan

_______1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


_______2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong
aksayahin.
_______3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.
_______4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
_______5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

B. Panuto: Iguhit sa patlang ang kung ang pahayag ay tama


kung ang pahayag ay mali.

_________6. Pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng


pagsasalaysay.
_________7. Ang Mullah Nassreddin ay anekdota mula sa Europa.
_________8. Ang anekdota ay isang kuwentong nakawiwili at nakakatuwang
pangyayari sa buhay ng isang tao.

9
[Type here]

_________9. Si Mullah Nassreddin ay isang dalubhasang Pilosopo at taga-payo


ng mga Hari sa kanilang lugar
________10. Ang pagsasalaysay ay itinuturing na pinakamasining,
pinakatanyag at tampon na paraan ng pagpapahayag.
B. Panuto: Batay sa anekdotang Mullah Nassreddin maglahad ng iyong mga
natututunan na nais ipabatid ng may-akda sa mga mambabasa.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Batay sa paksang nakasaad sa ibaba, sumulat ng sariling Anekdota sa isang
buong bondpaper. (Maaari ring gumawa ng isang Komik Strip ang may
kakayahan sa pagguhit)

1. Mag-isip ng isang nakatutuwang pangyayari sa iyong buhay mula ng kumalat


ang Covid 19 sa bansa o bago paman dumating ang naturang pandemia na
kung saan itoý kinapulutan mo ng aral.
2. Mula sa iyong karanasan, ano ang iyong natutunan? Ipaliwanag ( Isulat ito sa
ibaba ng iyong sariling anekdota).

3. Tiyaking magagamit mo ang mga sumusunod na pamantayan:

3.1 Ang pamagat ay maikli ngunit nakakahikayat----------- 10


3.2 Mahalaga ang paksa o diwa. -------------------- 25

3.3 Maayos at di-maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari. ---------------------------------------------------- 25
3.4 Kaakit-akit na simula at may kasiya-siyang wakas.---- 25

3.5 Mapupulutan ng magandang aral sa mga mambabasa- 15


Kabuuan ------------------------------------------------------- 100

10
[Type here]

SINOPSIS

Ang Self-learning Module na ito ay nagbibigay gabay sa pag unawa at paglilok


ng bawat isa sa sariling kakayahan. Katulad ng tauhan sa akdang ito na si Mullah
Nassreddin na kilalang kilala na masayahin at isa sa mga pinaka magaling na
Pilosopo kung kaya inaasahan ng karamihan na siya ay di mag atubiling ibahagi ang
kanyang ideya sa mga bagay-bagay. Ngunit sila ay nabigo dahil nang minsang
naimbitahan upang magbigay ng talumpati ay hinayaan niyang mag-isip at makabuo
ng sarili nilang sasabihin ang mga naroon.

Nais niyang ipabatid na kung kaya niya ay kaya rin ito nang
lahat.Napakahalaga ng isang indibidwal ang malinang ang sariling kakayahan.

Sa pamamagitan ng mga gawaing inilatag ay maiuugnay ng mga mag-aaral ang


kanilang sariling karanasan laLong-lalo na sa kasalukuyang panahon ng pandemya.
Nakakatulong ang paksang ito na halukayin kahit ang pinaka maliit na dahilan
upang lumaban sa mga pagsubok sa buhay.

May-akda: MARILOU D. GACANG

Nagtapos sa University of the Visayas-Mandaue


Campus sa kursong Bachelor of Secondary Education-
ENGLISH sa taong 1999. May CAR at CAV sa Post Graduate
Studies na MAED-FILIPINO sa Cebu Technological
University taong sa 2014. Teacher III at kasalukuyang
nagtuturo sa Paknaan National High School bilang guro sa
Filipino10 at tagapayo sa Ikasampung Baitang at
naatasang Inspectorate Team sa taong panuruan 2021-
2022.

11
12
Gawain 1 Gawain 1
1. Imperyong Achaemenid
2. Persian
3. Ziggurat
4. Taq Kasra ( Arch of Ctesiphon)
5. Tomb of Cyrus the Great
6. Chabahar Port
Gawain 2 sariling opinion
Gawain 3
1. nalito
2. sayangin
3. napahiya
4. naimbitahan
5. lumisan
6. thumbs up
7. thumbs down
8. thumbs up
9. thumbs up
10. thumbs up
11-15 sariling opinyon o pananaw
Gawain 4 Batay sa rubriks
Susi sa Pagwawasto
[Type here]
[Type here]

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, CESO V


Schools Division Superintendent

LEAH B. APAO, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, EdD


Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, EdD


LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C. MAGNO, MAED


Education Program Supervisor in Filipino

MARILOU D. GACANG
Writer

13
[Type here]

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mandaue City
Plaridel St., Centro, Mandaue City, Cebu, Philippines 6014
Telephone Nos.: (032) 345 – 0545 | (032) 505 – 6337
E-mail Address: mandaue.city001@deped.gov.ph
Website: https://depedmandaue.net

14

You might also like