You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

6
Department of Education
Region v
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
PANGE ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO
Pangalan ng Estudyante:_____________________________________________
Date/Petsa:___________________________________

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO sa FILIPINO 6


(Kuwarter 3-SPP 5)
Paggamit ng Wastong Pang-angkop at Pangatnig

I. PANIMULANG KONSEPTO

Ang Pang-angkop ay tawag sa mga salitang nag-uugnay sa panuring at sa


salitang tinuringan. Ito ay ang mga katagang; na at ng. Sa makabagong balarila,
dalawa na lamang ang uri ng pang-angkop, ang na at ng.

Mga halimbawa: anak na dalaga, dalagang anak, bayang magiliw.

Ang mga Pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at


sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod-sunod natin nang tama ang mga
pangyayari sa isang lathalain ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa
mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na ginagamit sa
pangungusap.

Uri ng Pangatnig
1. Pamukod- ginagamit sa pagbukod o pantangi gaya ng: o, ni, maging, at
man.
Halimbawa: Maghahanda ba tayo sa kaarawan mo o kakain na lang sa
labas?

2. Panubali-nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng, kung, kapag, pag,


sakali, sana.
Halimbawa: Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
3. Paninsay-kapag sinalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang
bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit
Halimbawa: Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4. Pananhi-nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng


kilos. ANg mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa: Nagkasira-sira ang bahay ni Aling Myrna dahil sa bagyo.

5. Panapos-nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pananalita, gaya ng:


upang, sa lahat ng ito, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa: Makukuha ko na rin sa wakas ang pangarap kong promosyon
sa trabaho.

6. Panlinaw-ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang


banggit : kung gayon
Halimbawa: Nagkasundo na ang mga trabahador at mayari, kung gayon ay
magbubukas na ang planta.

7. Panimbang-ginagamit sa paghahayag ng karagdaganng impormasyon at


kaisipan, gaya ng at, saka, pati, kaya, anupa’t
Halimbawa: Pati ang aso ay kanyang inampon.

8. Pamanggit-gumagaya o nagsasabi lamang ng iba tulad ng: daw/raw, sa


ganang akin/iyo, di umano.
Halimbawa: Di umano, mahusay umawit si Lesly.

9. Panulad-tumutulad ng mga pangyayari o gawa tulad ng: kung sino, siyang,


kung ano, siya rin, kung gaano, siya rin.
Halimbawa: Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.
Ang Panlapi ay mga katagang ikinakabit sa salitang- ugat upang makabuo ng
bagong salita.

Mga Uri ng Panlapi


1. Unlapi ang tawag sa panlaping nilalagay sa unahan ng salita.
halimbawa: pag-asa, malaki at nanliit.
2. Gitlapi naman ang tawag sa panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang
ugat halimbawa: gumuhit at kinain.
3. Hulapi naman ang tawag sa panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang
ugat halimbawa: mahalin at patawan.
4. Kabilaan naman kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan at hulihan ng
salita
halimbawa: nag-awitan at nalabanan.
5. Laguhan kapag ito ay ikinabit sa unahan, gitna at hulihan ng salitang
ugat halimbawa: pagsumikapan.

Ang isang pahayag ay matatawag na Katotohanan kung ito ay


mapapatunayang totoo at may ebidensiyang tumutugon dito. Opinyon
namang maituturing kung pinaniniwalaan o iniisip lamang na totoo o ayon sa
sariling paniniwala, pananaw o saloobin ng may-akda.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Matapos mong pag-aralan ang sanayang papel na ito sa loob ng isang linggo,
inaasahang matutunan mo ang mga sumusunod na kasanayan at layunin:
1. Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at pangatnig F6WG-IIIJ-12;
2. Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat F6PT-
IIIJ-15;
3. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon at katotohanan F6PB-IIIJ-19

I. MGA GAWAIN

A. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang alamat. Alamin ang pinagmulan ng


isang mahalagang sagisag ng mga muslim. Pagtuunan din ng pansin ang wastong
paggamit ng pang-angkop at pangatnig.

Alamat ng Sari-manok
Kwentong Bayan

Ang sarimanok ay isang mahalagang sagisag ng mga kapatid nating Muslim


sa Mindanao. Simbolo ito ng dugong bughaw, katanyagan, kayamanan at
karangalan. Nagmula ang sarimanok sa isang Islamikong alamat. Ayon sa nasabing
alamat, natagpuan ni Muhammad ang isang tandang sa una sa pitong kalangitan.
Lubhang napakalaki ng manok na ang palong nito ay dumadaiti sa ikalawang
kalangitan.

Maraming kwentong bayan tungkol sa sarimanok. Narito ang isa sa mga ito:

May kaisa-isang anak na dalaga ang sultang Maranao sa Lanao. Maganda,


mabait, magalang, at matulungin si Sari. Hindi kataka-takang mapamahal sa Sultan
at sa mga tao si Sari.
Nang sumapit ang ikalabingwalong kaarawan ni Sari, isang malaking piging
ang iginayak ng Sultan para sa kanya. Ipinagdiwang ito sa malawak na bakuran
nina Sari. Nagagayakan ang buong paligid. Talagang marangya at masaganang
salu-salo ang inihanda ng Sultan sa pinakamamahal niyang anak.

Masayang-masaya ang lahat. Nang biglang may lumitaw na malaking-


malaking manok na tandang. Nagulat ang balana. Hangang-hanga sila sa magarang
tindig ng manok. Lalo pang nagulat sila nang sa isang iglap ay nagbago ng anyo
ang tandang na manok. Naging isang napakakisig na prinsipe ito. Magalang itong
bumati sa lahat at pagkatapos ay nagsalita nang malakas.

“Naparito ako upang kunin ang dalagang minamahal ko. Siya ay matagal ko
nang inalagaan, binantayan, at minahal,” ang sabi ng mahiwagang prinsipe. Lalong
nagulat ang lahat at halos walang nakakilos o nakapagsalita man lamang.

Muling nag-anyong tandang ito at kinuha ang dalagang binanggit niya na


walang iba kundi si Sari. Lumipad itong paitaas. Mula noon ay hindi na nakita pa
si Sari at ang manok.
Lungkot na lungkot ang Sultan. Hinintay ang pagbabalik ni Sari at ng
manok. Ngunit hindi na sila nagbalik. Iniutos ng sultan sa pinakamagaling na
manlililok ng tribu na lumilok sa kahoy ng magilas na tandang na iyon na
tumangay sa kanyang anak.
Nayari ang isang napakagandang lilok sa kahoy. Ito ay mahal na mahal ng
Sultan. Tinawag niya itong sari-manok. Naging simbolo ito ng tribu.
Maraming palagay at haka-haka tungkol sa sari-manok. Ito raw ay gintong
ibon na ayon sa iba ay siyang nagdala sa mga tao sa pulo ng Mindanao ng
maraming biyaya.
Anuman ang hiwagang nakabalot hinggil sa sari-manok, ito ay mananatiling
sagisag ng mga kapatid na Muslim sa Mindanao at maging sa ating bansa. Dapat
nating ipagmalaki ang sagisag na ito. Isang likhang sining at pamana ng ating mga
ninuno.

Mga Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang ulat. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
1. Sino si Sari?
2. Bakit napamahal sa lahat si Sari?
3. Paano mo ilalarawan si Sari?
4. Ano ang pakay ng mahiwagang tandang?
5. Tama ba ang ginawa ng mahiwagang tandang kay Sari?Bakit?

Pagsasanay 2

Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang tsek (/) kung tama ang ginamit na
pang-angkop o pangatnig sa mga sumusunod na mga pangungusap, ekis (X) naman
kung mali ang paggamit.

_______1. May kaisa-isa na anak na dalaga ang sultan ng Maranao sa Lanao.


_______2. Isang malaking piging sa kanilang malawak na bakuran ang inihandog
ng sultan sa kaniyang anak.
_______3. Kinuha ng prinsepe ang dalagang kaniyang minamahal.
_______4. Ang sarimanok daw ay gintong ibon na ayon sa iba ay siyang nagdala
sa mga tao sa pulo ng Mindanao ng maraming biyaya.
_______5. Lumipad ang mahiwagang tandang at kinuha ang dalagang si Sari.

Pagsasanay 3

Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang mga
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang uri ng panlaping ginagamit sa bawat
pangungusap.

gulat sikap malaki kuha lungkot

1. Nang biglang lumitaw ang 2. ________ ng mahiwagang


mahiwagang tandang, prinsepe si Sari.
________ ang lahat.
3. ___________ ang 4. Lungkot na lungkot ang
nadama ng sultan nang Sultan kaya _________
nawala ang kaniyang anak. niyang makahanap ng
manlililok.
5. Dapat nating _________ ang
sariling atin.

Pagsasanay 4

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang K kung ang pahayag ay katotohanan at O


naman kung ito ay opinyon lamang.

______1. Ang Sarimanok ay simbolo ng dugong bughaw, katanyagan, kayamanan


at karangalan sa mga Muslim sa Mindanao.
______2. Maaaring ang tandang ay mahiwaga at nagbibigay ng biyaya.
______3. Tinawag na Sarimanok ang tandang sapagkat maaaring ipinangalan ito
kay Sari.
______4. Isang Likhang Sining ang paglililok ng sarimanook sa ating bansa kaya
naman ito ay dapat nating ipagmalaki.
______5. Maraming haka haka at palagay tungkol sa pinagmulan ng sarimanok

B.Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti at sagutan ang bawat bilang ng tamang sagot.


1. Hinanap nila si Juan. Anong uri ng panlapi ang ginamit sa salitang “hinanap”?
a. unlaping in- c. hulaping -in
b. gitlaping –in- d. kabilaang in-/-in

2. Umuwi ng bahay si Juan. Ano ang salitang ugat sa salitang “umuwi”?


a. umu c. uwi
b. muwi d. umuwi

3. Si Juan ay _________. Anong parirala ang dapat isulat sa patlang?


a. masunuring bata c. masunuring na bata
b. masunurin ng bata d. masunurin bata

4. Laking pagsisisi nang kanyang mga pinsan kaya bilang patawad ay inaalagaan
nila ang halaman. Ilan ang pangatnig na nasa loob ng pangungusap?
a. wala c. dalawa
b. isa d. tatlo
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng katotohanan?
a. Maganda sa katawan ang pagkain ng pakwan.
b. Mas mapula ang laman ng mga malalaking pakwan .
c. Maraming nabebentang pakwang tuwing Ramadhan ng mga Muslim.
d. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, 75% ng pakwan ay tubig.

IV. SANGGUNIAN
Sanggunian:
https://pia.gov.ph/news/articles/1051878
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/11/13/2056506/ulysses-
iba-kay-ondoy-climatology-expert
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/11/13/2056520/ulysses-
lalabas-na-ng-pa
Inihanda ni:

LELET B. GINGA
T-III

Tiniyak ang kalidad ni:

RENATO M. GERANE
ESHT-I

SUSI SA PAGWAWASTO
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3 Pagsasanay 4
1. kaisa-isang anak na dalaga ang 1. x 1. nagulat 1.K
sultang Maranao sa Lanao
2. dahil siya ay mabait, 2. / 2.kinuha 2.O
magalang, at matulungin
3. maaring iba-iba ang sagot ng 3. / 3.kalungkutan 3.0
bata
4. kunin ang dalagang 4. / 4.sinikap 4.K
minamahal niya
5. maaring iba-iba ang sagot ng 5. / 5.ipagmalaki 5.K
bata

PAGTATAYA
1. B
2. C
3. A
4. B
5. D

You might also like