You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

6
Department of Education
Region v
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON

FILIPINO
Pangalan ng Estudyante:_____________________________________________
Date/Petsa:___________________________________

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO sa FILIPINO 6


(Kuwarter 3-SPP 2)
Pagbigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan

I. PANIMULANG KONSEPTO

Ang bawat talata ng sanaysay, kuwento o alinmang sulatin ay maaaring


mapaikli o mabigyan ng lagom o buod. Lagom o Buod ang tawag sa siksik at
pinaiksing bersiyon ng isang teksto. Gayunpaman, mahalagang makuha ng
sinumang bumasa o nakikinig ang pangunahing ideya at mga impormasyong
napapaloob sa sulatin. Samakatuwid, mahalaga din ang pagtutok sa lohikal at
kronikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideyang binuod na teksto ayon sa daloy
ng tekstong nabasa o napakinggan upang makuha ang kabuaang kaisipan na
nakapaloob sa teksto.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Matapos mong pag-aralan ang sanayang papel na ito sa loob ng isang linggo,
inaasahang matutunan mo ang mga sumusunod na kasanayan at layunin:
Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan (F6PN-IIIe19)
• Naibibigay ang mga pangunahing ideya o impormasyon sa napakinggang
teksto
• Napagsusunod-sunod ang mga mahahalagang detalye o pangyayari sa
tekstong napakinggan
• Nabibigyang halaga ang sariling kakayahan

III. MGA GAWAIN


A. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1

Basahing mabuti ang lathalain at alamin kung bakit hindi naliligaw ang mga
langgam.

Bakit Hindi Naliligaw ang mga Langgam?


(ni Jojo Briones-Cruz)

Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang


makakain. Pero kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik
sila sa nakabibilib na diretsong linya.
Kung paano sila nakauuwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan
pa rin sa mga siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na
German at Swiss na ang aspeto ng gawaing ito ay gawa raw ng matalas at
malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam kapag pinawalan sa
patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa kanilang
lungga.
Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt
University sa Berlin ang mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang
maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para kumuha ng pagkain.
Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na
nagtatala sa distansya ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa
taas-babang terrain.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng
mahulaan ang kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan
at pagkatapos naitatala ang distansiya ng lupa patungo sa kanilang lungga sa
kapatagan.
Mga Tanong:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa tekstong iyong binasa o


napakinggan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang hayop na tinukukoy sa unang talata na nakakabalik sa lungga


mula sa paghahanap ng pagkain?
2. Paano sila nakababalik sa kanilang lungga?
3. Bakit nagsagawa ng pag-aaral ang mga mananaliksik tungkol sa kung
paano nakakauwi ang mga langgam?
4. Ano ang naging resulta ng pagsasaliksik?
5. Gaya ng mga langgam, ano ang iyong kakaibang angking kakayahan?

Pagsasanay 2
Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat talata ayon sa wastong
pagkakasunodsunod ng pangyayaring nabanggit sa tekstong nabasa o napakinggan.
1. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng
mahulaan ang kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na
daanan at pagkatapos naitatala ang distansiya ng lupa patungo sa kanilang
lungga sa kapatagan.
2. Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang
makakain. Pero kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga
bumabalik sila sa nakakabilib na diretsong linya.

3. Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University


sa Berlin ang mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa
itaas at ibaba ng bundok para kumuha ng pagkain.

______4.Kung paano sila nakakauwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan


pa rin sa mga siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na
German at Swiss na ang aspeto ng gawaing ito ay gawa raw ng matalas at
malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam kapag pinawalan sa
patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa
kanilang lungga.

5.Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na


nagtatala sa distansya ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na
nalakbay sa taasbabang terrain.
B. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tekstong nasa ibaba.


Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

May SAWA sa Agusan del Sur

1. Ang SAWA sa Agusan del Sur ay hindi sawa na iyong iniisip na isang
malaking ahas na may kakayahang lingkisin ang isang tao. Sa katunayan,
ang SAWA ay nagkaloob ng magandang hanapbuhay sa mga ina ng tahanan
sa nasabing probinsiya.
2. Ang ibig sabihin ng SAWA ay Sigabit Abaca Weavers Association. Ito ay
organisasyon ng kababaihan sa Barangay Sinai na ngayon ay kinikilala sa
pagtatanim at pagpoproseso ng abaka. Pinagbuti ng kababaihan ang kanilang
pagsasanay sa pagpoproseso ng abaka hanggang sa matutunan nila ang
paglikha ng tinagak at paghahabi.
3. Ngayon ay maituturing na silang mga eksperto sa gawaing ito. Kinilala na
ang kanilang mga likhang-produkto na gawa sa abaka na kanilang
naipagbibili hanggang sa mga probinsya sa Rehiyon 5 at 8. A ng kahusayan
sa pamamalakad at paglikha ng mga de-kalidad na produkto ang nagging
dahilan kung bakit nagging huwaran ang SAWA sa kanilang mga proyekto.
4. Paano ba nagsimula ang magandang hanapbuhay na ito ng kababaihan sa
Barangay Sinai? Ang kahulugan ng pagkakakitaan o hanapbuhay ang
nagtulak sa mga ina ng tahanan na magtanim ng abaka sa kanilang mga
bakanteng lote. Sa tuwing aanihin aanihin ang mga pananim nilang abaka,
pinoproseso lamang ito gamit ang kanilang mga kamay. Ipinagbibili nila ito
nang kada kilo sa lungsod. Ganito ang kasanayan ni Aling Rona na gawin sa
kaniyang aning abaka.
5. Ngunit isang araw, habang si Aling Rona ay nagtitindang abala sa lungsod,
isang mamimili ang na eksperto sa abaka ang nakapansin sa kaniyang tinda.
Bumisita ang naturang eksperto sa kanilang barangay upang personal na
makita kung papaano ang kanilang pagtatanimat pagpoproseso ng abaka.
Dito na nagsimula ang pagiging masigasig ng mga tao sa kanilang barangay
na magtanim ng abaka.
6. Kumalat sa buong probinsya ang malawakang pagtatanim at ang malaking
pagbebenta ng abaka ng mga magsasaka ng taga-Barangay Sinai. Nakarating
ang magandang industriyang ito sa kaalaman ng pamahalaang local ng
Sibagat at binigyan sila ng mga tulong sa kanilang kabuhayan tulad ng
pagsasanay sa paghahabi ng abaka.
7. Sa pakikipag-ugnayan ng SAWA sa iba’t-ibang ahensiya, ang oragnisasyon
ay nakaipon ng PHP 5.5 milyon. Ito ang nagsisilbing puhunan nila sa
pagpapaunlad ng kanilang mga proyekton kaugnay ng abaka tulad ng
pagsasanay ng paggawa ng bag at iba pa.
8. Malaki ang naitulong ng idustriya ng abaka sa bayan ng Sigabat. Nakatulong
ang industriya upang maipaayos ang mga daan na naging dahilan upang
higit na mapadali ang pagluluwas ng kanilang mga produktong agrikultural
sa mga pamilihang-bayan.
9. Ang magandang halimbawa na sinimulan ng SAWA ay sinundan ng
maraming mamamayan sa bayan ng Sigabit.
1. Ano ang SAWA o Sigabit Abaca Weavers Association?
a. Isang grupo ng mga kabataan sa Barangay Sinai.
b. Isang malaking sawa na kayang lingkisin ang isang tao.
c. Isang grupo ng mga kalalakihan na nanghuhuli ng mga sawa.
d. Isang grupo ng mga kababaihan na kilala sa pagtatanim at pagpoproseso
ng abaka.

2. Bakit maituturing na magandang halimbawa ang organisasyong ito?


a. Dahil ito ay sinimulan ng mayayamang kababaihan.
b. Dahil magaganda ang kababaihan sa oraganisayon.
c. Dahil sa kasikatan ng mga prodekto nito maging sa ibang rehiyon.
d. Dahil sa kahusayan ng organisasyon sa pamamalakad at paglikha ng mga
dekalidad na produkto.

3. Paaano nakatulong ang industriya ng abaka sa Barangay Sinai?


a. Naging pasyalan ang nasabing barangay.
b. Naging kilala ang Barangay sa paggawa ng mga sapatos.
c. Naging sikat sila sa buong bayan.
d. Naging madali ang pagluluwas ng kanilang mga produktong agricultural
sa mga pamilihang-bayan nang maiaayos ng organisasyon ang mga
daanan.

4. Ano ang buod o lagom?


a. Tumutukoy sa isang awit
b. Tumutukoy sa isang kwentong binasa
c. Tumutukoy sa paksang napakinggan
d. Tumutukoy sa isang mas maikling bersyon ng isang mahabang teksto o
sulatin.

5. Alin sa mga sumusunod ang tamang buod ng talata 8?


a. Naipaayos ang mga daan sa barangay Sinai.
b. Malaki ang naitulong ng industriya sa barangay Sinai.
c. Naisaayos ang mga daan at napadali ang pagluluwas ng mga produktong
agricultural sa pamilihang-bayan.
d. Nakatulong ang industriya upang maipaayos ang mga daan na naging
dahilan upang higit na mapadali ang pagluluwas ng kanilang mga
produktong agrikultural sa mga pamilihang-bayan.

IV. SANGGUNIAN

Agarrado, Patricia Jo C. et al. (2016) Alab Filipino V, pahina 214-216. Pilipinas ng


FEP Printing Corporation file:///C:/Users/Hp/Downloads/4-pagbubuod-at-mga-
kayarian-ng-pangngalan-1.pdf
www.slideshare.com

Inihanda ni:

LELET B. GINGA
T-III

Tiniyak ang kalidad ni:

RENATO M. GERANE
ESHT-I
SUSI SA PAGWAWASTO

PAGSASANAY 1 PAGSASANAY 2 PAGTATAYA


1.Ang mga langgam ay 1. 5 1. D
pumunta kung saan-saan at
nakabalik sa lungga sa
diretsong linya.
2. Ang kanilang pag-uwi 1. 1 2. D
sa lungga ay gawa raw ng
matalas at malikhaing
pagkilos.
3. Pinag-aralan ng mga 2. 4 3. D
langgam na tinuruang
maglakad sa itaas at ibaba
ng bundok.
4. Ang langgam ay may 3. 3 4. D
odometer na nagttala sa
distansiya ng lupa.
5.Posibleng mahulaan ng 4. 2 5. C
langgam ang kanilang
gagawing pagkilos sa
iniisip nilang pahalang na
daanan.

You might also like