You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

6
Department of Education
Region v
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
PANGE ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO
Pangalan ng Estudyante:_____________________________________________
Date/Petsa:___________________________________

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO sa FILIPINO 6


(Kuwarter 3-SPP 3)
Pag-iisa isa ng mga Argumento sa Binasang Teksto

Pangalan ng Estudyante:_____________________________________________
Petsa:___________________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ano ang Tekstong Argumentatibo?
Ito ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw
patungkol sa isang mahalaga o maselang isyu.
Ang argumento ay isang elemento ng pangangatuwiran. Ipinapahayag nito
ang mga ebidensya at dahilan upang maipagtanggol ang katuwiran ng isang panig.
Kinakailangang may sapat na kaalaman sa proposisyon ang nangangatuwiran
upang makapaglahad ng isang mahusay na argumento.

Layunin ng Tekstong Argumentatibo

1. Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga


argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga pangangatwiran.
2. Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga
argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga pangangatwiran.

Mga Bahagi ng Tekstong Argumentatibo


1. Panimula
Ang panimula ay kailangang maging mapanghikayat sa paraang mahusay na
mailalahad ang pangkalahatang paksang tatalakayin at ang proposisyon.

1
2. Katawan
Lahat ng argumento ukol sa inihaing proposisyon ay kailangang organisadong
maihanay sa katawan ng tekstong argumentatibo.
Mahalagang may malawak na kaalaman ang manunulat ukol sa isyung tinatalakay,
nang sa gayon ay magtaglay ng bigat ang mga pangangatwiran.

3. Konklusyon
Sa bahaging ito, inilalatag ng sumulat ang kabuuan niyang pananaw ukol sa
kaniyang proposisyon.
Kinakailangang matibay ang konklusyong binuo batay sa mga patunay na
nabanggit sa katawan ng teksto.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Matapos mong pag-aralan ang sanayang papel na ito sa loob ng isang linggo,
inaasahang matutunan mo ang mga sumusunod na kasanayan at layunin:
Naiisa-isa ang mga argumento sa binasang teksto (F6PB-IIIe-23)

• Natutukoy ang mga argumento mula sa binasang kuwento


• Nakasisipi ng mga mahahalagang detalye na
sumusuportasa mga argumento
• Naipapahayag ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa lalo na sa
panahon ng pangangailangan
III. MGA GAWAIN
A. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Alamin kung paano iniligtas
ng munting daga ang isang malaking leon mula sa kapahamakan. Pagtuunan rin ng
pansin ang mga argumentong nakapaloob sa kuwento.

Ang Leon at ang Daga


(ni:Lydia D. Liwanag)

Biglang dinampot ng gutom na leon ang isang munting daga na marahang


naglalakad sa harap niya, isang tanghaling tapat. Akala ng daga ay mahimbing na
natutulog ang leon. Nagpapahinga noon ang leon sa ilalim ng punong kahoy sa tabi
ng kaniyang kuweba.

2
“Aha! Sa gutom kong ito, munting daga ay pagtitiyagaan ko na!” pasigaw na
sabi ng leon habang hawak niyang mahigpit ang dagang pilit kumakawala sa mga
kuko niya. “Maawa na po kayo, marangal na Leon,” magalang na pakiusap ng
daga. “Maliit lamang po ako”. Hindi po ako makabubusog sa inyo. Huwag po
ninyong dungisan ng dugo ng munting daga ang marangal ninyong mga kuko,”
naiiyak na sabi ng daga. “Ako’y nagugutom. Kahit paano’y baka makabusog ka sa
akin,” pabulyaw pa ring tugon ng leon.
“Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y
makatulong ako sa inyo,” matiyagang pakiusap ng daga. Nag-isip sandali si Leon.
Tila may katuwiran ang munting daga. Pinalaya niya ito. Mabilis na tumakbo ang
daga sa loob ng gubat.
Ilang araw mula noon, naraanan ng daga ang leon. Nakakulong ito sa loob
ng isang lambat na lubid. Walang sinayang na panahon ang daga. Buong tiyaga at
mabilis na nginatngat nito ang lambat na lubid. Nakalaya sa lambat ang leon.
Ganoon na lamang ang tuwa at pasasalamat ng leon sa daga. Naiisip niya
marunong tumupad sa pangako ang daga.

Mga Tanong:

Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Saan nakita ng daga ang inaakala niyang natutulog na leon?


2. Ano ang ginawa ng leon sa munting daga?
3. Ano ang ginawang pangangatwiran ng daga upang palayain siya ng leon?
4. Paano tinulungan ng munting daga ang nakakulong na leon?
5. Kung ikaw ang munting daga, tutulungan mo rin ba ang leon? Bakit?
Pagsasanay 2

Panuto: Sa tulong ng mga salitang nasa loob ng kahon, buuin ang mga sumusunod
na salitang may kinalaman sa argumento. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
KAAL
AMAN EBIDENSYA
DA KATUWIRAN KAIBIGAN
HI
LA
N

3
E_ID_N_Y_
A
R
_A_U_I_AN G
U
D_H_L_N
M
E
N
K_A_AMA_ T
O

Pagsasanay 3
Panuto: Gamit ang Graphic Organizer sa ibaba, bumuo ng isang argumento sa
isang napapanahong isyu patungkol sa Enhanced Community Quarantine.
Magbigay ng tigtatatlong (3) posibleng maging katuwiran o dahilan sa pagsang-
ayon at di pagsang-ayon sa nasabing isyu. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Enhanced Community
Quarantine

Sang-ayon Di Sang-ayon

Gawain VI
1. 1.

2. 2.

3. 3.

4
B. Pagtataya

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot sagutang papel.
1. Ito ay nagpapahayag ng mga ebidensya at dahilan upang maipagtanggol
ang katwiran ng isang panig.
a. pasalaysay
b. argumento
c. paglalahad
d. pangangatuwiran

2. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y
makatulong ako sa inyo.” Ano ang posibleng epekto ng pangangatuwiran ni
Daga?
a. luluhod si Leon kay Daga
b. mas lalong magalit si Leon
c. paparusahan ni Leon si Daga
d. palayain si Daga upang makatulong ito balang araw

3. Ano ang nag-udyok kay Leon upang kainin ang munting daga?
a. galit siya sa mga daga
b. nagkasala ito sa kanya
c. gutom na gutom si Leon
d. paparusahan ni Leon si Daga

4. Bakit tinulungan ni Daga si Leon mula sa pagkakakulong?


a. matalik silang magkaibigan
b. mayroon silang pinagsamahan
c. tinupad niya ang kanyang pangako
d. napilitan lang si Daga sa pagtulong kay Leon

5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahiwatig ng argumento


maliban sa isa. Alin dito ang hindi argumento?
a. Naisip niya marunong tumupad sa pangako ang daga.
b. “Ako’y nagugutom, kahit paano’y baka makabusog ka sa akin.”

5
c. “Huwag po ninyong dungisan ng dugo ang munting daga ang marangal
ninyong mga kuko.
d. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y
makatulong ako sa inyo.

IV. SANGGUNIAN

Liwanag, Lydia D. et al. (2011) Landas sa Wika 6, pahina 170.


EduResources Publishing, Inc
Brainly.ph/question/494107

Inihanda ni:

LELET B. GINGA
T-III

Tiniyak ang kalidad ni:

RENATO M. GERANE
ESHT-I

6
SUSI SA PAGWAWASTO

PAGSASANAY 1
1. lungga
2.Bumalik sila sa kanilang sa nakabibilib na diretsong linya
3.Dahil nanatiling palaisipan sa mga siyentipiko kung paano nakakauwi ang mga
langgam mula sa paghahanap ng pagkain.
4.Napag-alaman na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na
nagtatala sa distansiya ng lupa.
5.Depende na sagot ng bata.

PAGSASANAY 2 PAGSASANAY 3 PAGTATAYA


1. EBIDENSIYA Maaaring magkaiba ang sagot 1. B
2. KATUWIRAN ng mga bata. 2. D
3. DAHILAN 3. C
4. KAALAMAN 4. C
5. A

You might also like