You are on page 1of 4

DETAILED LESSON PLAN FORMAT

DLP No: 20 Learning Area: FILIPINO Grade level: 6 Quarter: 3rd Duration: 50 MIN
Learning Nagagamit nang wasto ang mga pangatnig Code: F6WG-IIIg-
Competency/ies 11

Key Concepts/ Ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita, parirala at sugnay
Understandings sa loob ng isang pangungusap. Ang pangatnig ang tumutulong sa pangungusap upang maiba ang
to be kayarian nito.Ito ay mauuri sa sumusunod:
Developed 1. Ang pangatnig na pamukod ay ginagamit sa paghihiwalay, pagbubukod o pagtatangi ng
magkakasamang bagay o kaisipan sa isang pangungusap.Ilang karaniwang halimbawa nito ay o,
maging at ni
2.Ang pangatnig na paninsay ay ginagamit sa pag-uugnay ng magkasaungat na kaisipan sa isang
pagnungusap. Ilang halimbawa nito ay ngunit, subalit, pero, datapwat, bagaman, maliban sa, puwera
at iba pa.
3.Ang pangatnig na pananhi ay ginagamit sa pag-uugnay ng isang bahagi ng pangungusap na
nagsasaad ng kadahilanan at isa pang bahaging nagsasaad ng resulta. Nagsisilbing pananda ng mga
pahayag na nagsasaad ng sanhi ang dahil, sapagkat, pagkat, kasi, kaya,palibhasa at iba pa.
4. Ang pangatnig na panubali ay ginagamit tuwing naghahayag ng pag-aatubili o pag-aalinlangan at
karaniwang naghahayag ng kondisyon bago maganap ang kilos. Ilang halimbawa nito ay kung, sakali,
kapag at pag.

1.Objectives
Knowledge Natatalakay ang mga uri ng pangatnig
Skills Nagagamit nang wasto ang pangatnig
Attitudes Naiimungkahi ang mga ambag ng mga Pilipinong imbentor
Values Napagbibigay lagom sa mga ambag ng mga Pilipinong imbentor
2.Content/Topic Paggamit nang wasto sa mga pangatnig
3. Learning Sanghaya( Wika at Pagbasa sa Filipino) 6
Resources/Ma
Trials/equip
ment
4.1 Panimulang Piliin ang kahulugan ng mga salita sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Gawain
2 MINUTO _________1. Komersyal a. mga taong sumasakay at nagbabayad ng pamasahe
_________2. Pasahero b. nailabas na sa pamilihan upang mabili ang madla
_________3. Imbensyon c.anumang bagay na nilikha ng sariling malikhaing
_________4. Motorista pamamaraan
_________5. Pagsusuri d. nagmamaneho ng sasakyan
e. masusing pag-aaral
Magkakaroon ng bunutan ang mga bata. Magkakaroon ng 7 pangkat.Ang di mabibilang sa isang
pangkat ay siya ang magsisilbing hurado.
Ang bilang ng grupo nila ay siya ding bilang ng katanungan na sasagotan nila.

Paano mo maipagmamalaki bilang isang Pilipino?May nakilala ka bang mga Pilipinong imbentor?
Magkaroon ng mailkling talakayan
Basahin nang buong klase ang isang sanaysay
Ang Biodiesel ni Dr. Rico Cruz
Sagutin ang mga tanong sa buong pangungusap
1. Sino si Dr. Rico Cruz?
2. Ano ang kaniyang naimbento?
3. Paano makatutulong sa Pilipinas ang imbensyon niya?
4. Bakit niya naisip gawin ang imbensyong ito?
5.Ano-ano ang maaring mabuting epekto nito sa ating bansa?
6. Dapat bang suportahan ng mga Pilipino ang ganitong imbensyon?Bakit?
7. Sa iyong palagay, bakit gayong mayroon nang ganitong imbensyon ay hindi pa rin ito ginagamit ng
mga tao o hindi ito alam ng marami?
4.2 Mga Bibigyan ng isang envelop ang bawat pangkat. Idikit sa manila paper ang kanilang mga kasagutan.
Gawain/Estratehiya Bilang 1
10 MINUTO Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1. Ikaw ___ ako ang dadalo sa pulong
2. Si Ruben man ____ si Oscar ang magwaging pangulo n gating klase, pareho ko silang gusto.
3. _________ang mga dayuhan ay nakikiisa sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
4. _______ madapa, _______ makagat ng insekto ay ayaw kong mangyari sa aking nag-iisang anak.

Maging, o, ni, kaya, dapat

Bilang 2
Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1. _____________ may problema sa pandinig, isa pa rin si Beethoven sa mga itinuturing na
pinakamagagaling na kompositor at musikero
2. Pinagpayuhan ko siyang huwag umalis __________lalo siyang nagmamadali sa paglabas.
3. Nakuha ko na ang resulta ng eksaminasyon________ kinakabahan pa rin ako.
4. Walang siyang natapos ___________napakahusay niya.

Ngunit, subalit, ngunit kapag, bagaman

Bilang 3
Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1. _________hindi ka aalis, tawagan mo ako sa telepono.
2.__________umatras ang tubig sa dagat matapos ang isang lindol, tiyak na magkakaroon ng
tsunami.
3. Uusad lang ang daloy ng trapiko _________ natanggal na ang nagbanggaang sasakyan sa
kalsada.
4. ________ikaw ay aalis huwag mong kalimotan ang payong.
Kung, kapag, Pag, sapagkat

Bilang 4
Panuto:Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap
1.Umiiyak si Miguel __________ nawala ang kanyang pinaghirapang proyekto.(mangyari)
2. __________ sa iba’t ibang pangangailangang napapansin ng mga imbentor, nagbubunsod ito ng
ideya upang makalikha ng imbensyon(dahil sa)
3. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Dagul ____________madalas lang naman itong biro at
hindi totoo.(dahil)
4.Nag-iiyak ang bata ____________hindi pa siya binabalikan ng nanay niya.(mangyari)

Mangyari, dahil sa , dahil

4.3 Pagsusuri Pag-uulat sa kanilang mga sagot.


3 MINUTO Bigyang pagkakataon ang mga bata na iulat ang kanilang gawa.

4.4 Pagtatalakay
15 MINUTO
4.5 Paglalapat Gamitin ang mga sumusunod na pangatnig sa sitwasyong hinihingi.
10 MINUTO 1. (dahil) pagbaha sa inyong lugar
2. (kaya) maraming basura
3.( o )pagpili ng tamang pagkain
4.( at )mga gawain ng isang mabuting mag-aaral
5.( ngunit )mga programang inilunsad ng ating pamahalaan.

5. Assessment Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang angkop na pangatnig.
1. Malusog ____________ malakas ang katawan ni Bryan.
(ngunit, at, pagkat)
2. Kailangan ang regular na ehersisyo ____________ manatili sa kondisyon ang katawan.
(at, upang, dahil)
3. ___________ kumakain siya ng wastong uri at dami ng pagkain, siya’y laging nasa sikondisyon.
(dahil, palibhasa, kaya,t)
4. ______________umuunlad ang siyensiya, lalong maraming karamdaman ang natutuklasan.
(sapagkat, at, habang)
6. Assignment Bumuo ng mga pangungusap na may mga pangatnig tungkol sa mga sumusunod na mga paksa.
Mga sanhi ng polusyon

7. Concluding
Activity

Prepared by:

Name:DALIA J. CENIZA School:D.T. DURANO MEMORIAL INTEGRATED SCHOOL


Position/Designation: TEACHER 3 Division:DANAO CITY
Contact Number:09331571404 Email address:dalia.ceniza@deped.gov.ph

You might also like