You are on page 1of 2

Learning Activities

Panimulang Gawain.
Basahin ang maiksing usapan sa messenger.

Magandang araw, Juan anak, itatanong Hello po maam, sorry po kung hindi ako
ko lamang ang rason ng iyong hindi nakapagpapasa, ayaw na po kasi akong pag-
pagpapapsa ng mga module? aralin ng erpat ko.

Maaari ko bang malaman kung saan


Nako maam! ‘wag na po, dehins po
ka nakatira anak? Nais ko sanang
nagamit sina erpat ng cellphone
makausap ang iyong ama. Hindi rin
ito sumasagot sa tawag at chat ko sa
messenger.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan mula sa usapang nabasa sa itaas.


1. Sino ang dalawang nag- uusap sa itaas?________________________________
2. Saan sila nag-uusap? __________________________________________________
3. Ano ang kanilang pinag-uusapan? _____________________________________
4. Itala sa kahon ang mga salitang naka bold mula sa usapan sa itaas.
5. Ano ang iyong napansin sa mga salitang nasa kahon?

___________________________________________________________________________.
Paunlarin natin ang iyong kaalaman. Narito ang pagtalakay sa mga estratehiya sa pangangalap ng mga datos at mga salitang
ginagamit sa impormal na komunikasyon

Iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga datos o Impormasyon sa Pagsulat.

1. Obserbasyon – ginagawa sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat at pangyayari.


2. Pakikipanayam o Interbyu - Harapang pagbabato ng tanong sa taong Malaki ang karanasan at may awtoridad sa paksang
hinahanapan ng impormasyon.
3. Pagtatanong o Questioning - Paglalatag ng tanong na kinapapalooban ng 5W’s at 1H (what, when,where,why,who at how.
4. Brainstorming - Malayang pakikipagtalakayan sa maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.
5. Pagsasarbey – pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang paksa sa pamamagitan ng questionnaire.
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
1. Balbal – mga salitang tinatawag na Ingles na slang at mga salitang kanto/salitang kalye. Halimbawa: erpat – tatay, lispu –
pulis, tsekot – kotse
2. Kolokyal – mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Halimbawa: ewan , nasan, pista
3. Banyaga – salitang mula sa ibang wika na walang salin sa wikang Filipino. Tulad ng mga salitang mula sa matematika,
siyensya at teknikal na salita.
Halimbawa: toothpaste, shampoo, keyboard
Mula sa iyong kasagutan sa Panimulang Gawain sagutin ang mga katanungan:
1. Anong uri ng estratehiya sa pangangalap ng mga datos ang ginamit ng guro sa kanyang mag-aaral? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Muling itala ang mga salita sa kahon sa panimulang Gawain at kilalanin kung anong uri ito ng salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon
Salita sa Kahon Uri ng salitang ginamit sa impormal na
komunikasyon
1.
2.
3.
4.
5.
6.
Pagsasanay 1 : Bilugan ang letrang tumutukoy sa estratehiya sa pangangalap ng mga datos o Impormasyon na ginamit sa
pangyayaring nasa bawat bilang.
1. Nagbato ng mga katanungan ang mag-aaaral sa isang doktor tungkol sa mga paksang may kinalaman sa propesyon
nito gayundin, naglahad ng mga kasagutan ang doktor.
A. Interbyu C. Obserbasyon
B. Brainstorming D. Pagsasarbey
2. Namahagi ng mga papel si Anna na may mga set ng katanungan para sa mga taong kabahagi ng isang paksang
Learning Activities
kanyang bibigyang komentaryo.
A. Interbyu C. Obserbasyon
B. Brainstorming D. Pagsasarbey
3. Magsusulat si Juan ng isang balita tungkol sa pandemya. Bumuo siya ng mga tanong nagsisimula sa ano, paano,
bakit, saan, kalian at sino. Anong uri ng estratehiya ang kanyang ginamit?
A. Brainstorming C. Obserbasyon
B. Pagtatanong o Questioning D. Interbyu
4. Pumunta ang magkakaibigang Jose, Flor at Ina sa parke upang magmasid ng mga pangyayaring nabago matapos ang
pandemya.
A. Pagsasarbey C. Obserbasyon
B. Interbyu D. Pagsasarbey
5. Nagsagawa ng isang pagpupulong ni Anton upang pag-usapan ang kanilang gagawing pananaliksik para sa kanilang
pagbabalita
A. Interbyu C. Obserbasyon
B. Brainstorming D. Pagsasarbey

Pagsasanay 2: Punan ng pahayag ang blangkong bahagi ng usapan gamit ang mga salitang ginagagamit sa
pakikipagkomunikasyon.

Estudyante 1: Tropa, tapos ka na ba sa pagsagot sa modyul?


Estudyante 2: _______________________________________________________________.
Estudyante 1 : Pano na kaya ang mangyayari sa susunod na taon ng pag-aaral? Kakayanin pa ba natin?
Estudyante 2: _______________________________________________________________.
Estudyante 1 : Ano nga palang gadget ang gamit mo at paano mo ito ginagamit sa klase?
Estudyante 2: _______________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
Estudyante 1 : Ganun pala ang ginagawa mo, ang husay mo naman. Bigyan nga ako ng payo sap ag-aaral tropa.
Estudyante 2: _______________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
Gawain 1: Magtala ng mga katanungan na maaari mong gamitin sa pangangalap ng impormasyong ilalagay sa isang balita
o komentaryo na may kinalaman sa Pandemya. Pumili ng isang estratehiya bilang gabay sa iyong magiging talatanungan.
Estratehiya: _______________________________________
Mga katanungan: Bilang 1-5.

Gawain 2 : Basahin at unawain ang maikling sanaysay.


Pandemya
Dati ay papel, ballpen, tropa at baon mula kay ermat ay sapat na upang masabing ikaw ay nag-aaral. Ngayon?, laptop,
headphone at sariling pagsisikap sa pag-aaral ang kailangan upang makapasa, hindi na rin uso ang barkada. Ito ang epekto ng
pandemya sa ating lipunan. Merong online class at modyular na pag-aaral sa sistema ng edukasyon upang ipagpatuloy ang
pag-aaral, dahil ika nga nila, “No student left behind” o walang mag-aaral ang mapag-iiwanan pagdating sa pagkatuto.
Magtala ng dalawang salita sa bawat impormal na komunikasyon na ginagamit sa maikling sanaysay na binasa.
BALBAL KOLOKYAL BANYAGA

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang iyong mga kaalamang natamo sa aralin.
Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang inilalahad ng pahayag at kung mali ay bilugan ang salitang nagpamali at ilagay ang angkop na
salita sa inilaan na espasyo sa unahan bago ang bilang.
____________________1. Pumunta si Anton sa isang parke upang magsagawa ng obserbasyon sa mga batang naglalaro rito sa
pamamagitan ng interbyu.
____________________2. Nagbrainstorming sina Jose, Riza at Mike tungkol sa kanilang ulat sa Filipino.
____________________3. Gumawa ng interbyu ang mga mananaliksik para sa kanilang pagsasarbey.
_____________________4. Ang batayang tanong sa pagtatanong ay Ano, Sino, Paano, Saan, Kailan at Bakit.
_____________________5. Interbyu ang ginagawa sa tuwing ikaw ay naghahanap ng trabaho.
AWPUT Bilang 2:
Panuto: Sa paraang pasulat, bumuo ng isang maiksing usapan (iskit) sa pakikipanayam o pag-iinterbyu na ginagamitan ng mga salitang
ginagamit sa impormal na pakikipagkomunikasyon. Gawin ito sa isang buong papel.

You might also like